Chapter 4

1.3K 38 1
                                    

Chapter 4

NAGISING SI JIN sa isang hindi pamilyar na kwarto para sa kanya. Pumikit pa siya sandali at napahawak sa ulo niya dahil sobrang sakit noon. Nang muling niyang idilat ang mga mata, doon niya lang lubusang napagtanto na wala siya sa sariling kwarto dahil may mga poster ng rock bands na nakadikit sa wall... doon na siya nagtaka.

Nagulat siya nang may dumagan na kamay sa tiyan niya mula sa likuran niya. Doon na siya napatingin sa likuran niya at nanlaki ang mata niya nang makita niya si Gab... tulog na tulog ito at ang sarap pa ng dantay ng kamay nito sa kanya. Doon niya lang rin narealize na natutulog pala sila sa sahig. Anong nangyari? Bakit...

“Aaaah!” sigaw niya na ikinagising ng katabi. “B-bakit ako nandito? Bakit katabi kita?”

Napakamot ng ulo si Gab at umupo. Hinila na rin siya nito para makaupo.

“Nakalimutan mo na ba? Parehas na tayong lasing at gabing-gabi na kaya dito ka na natulog,” pagkekwento nito na halatang naaasar dahil sa naistorbo ang tulog. “Akala ko naman may sunog na. Ang aga aga, eh. H’wag ka mag-alala, I did not take advantage of you. Buo ka pa, oh.”

Tiningnan ni Jin ang sarili at kinapa ang katawan niya. Wala namang unusual sa kanya so she felt at ease. Napayakap na lang siya sa tuhod niya at iniuntog untog ang ulo niya sa tuhod ng paulit ulit.

“Ano na naman ang problema mo?” tanong sa kanya ni Gab.

“Imagine, ikaw na ang first kiss ko and still, you’re the first guy I slept with!”

“Teka lang, literal na sleep lang naman ang ginawa natin, ah? Makapagsalita ka, akala mo may iba akong ginawa sa’yo,”

“Fine, fine! Sabi ko nga, wala eh.”

Tumunog ang phone ni Jin kaya naman agad niya itong hinanap at nakita iyon na nakapatong sa lamesa. Nakatanggap siya ng text at dahil sa text na ‘yon, hindi niya mapigilan ang ngiti at kilig.

“It’s Zeke! Gusto niya daw akong makita at maka-usap. What do you think? Makikipag-balikan na kaya siya sa’kin? O.M.G! Iniisip ko pa lang, sobra na akong kinikilig!”

“Siguro na-realize niya na ikaw ang klase ng babae na hindi dapat pinapakawalan,”

“Well, maybe. Ito na kaya ‘yon? So kapag nagkabalikan na kami, matutuloy na ang kiss!”

“Okay, sige. Dahil guilty ako dyan sa first kiss mo na dapat ay para do’n sa Zeke mo, ako na ang bahala sa perfect date niyo at doon, ibigay mo na ang perfect kiss na gusto mo.”

Ngumiti ng napakalapad si Jin at niyakap niya si Gab. Obvious naman sa mukha ni Gab na uneasy siya sa ginawa ni Jin pero tinapik niya na lang ang balikat nito and forced a smile.

NAKA-BLINDFOLD SI JIN at nililead siya ni Gab papasok sa isang auditorium. Kitang-kita na bihis at naka-ayos na si Jin para sa lakad na iyon.

“Saan mo ba ‘ko dadalhin at kailangan nakabihis pa ako? May blindfold ka pang nalalaman.”

Tumigil sila at tinanggal na ni Gab ang blindfold niya. Hindi naman siya agad nakadilat dahil masakit sa mata.

“Surprise!”

Nang tingnan niya ng mabuti ang paligid, nandoon ang feel ng graduation ball nila pero this time, may naka-setup na table for two sa gitna at may candle light pa. Natuwa si Jin sa nakita.

“Wow!” she can’t hide her excitement. She think she know what this is all about.

“I re-created the grad ball dahil memorable ang gabi na ‘yon for us... I mean, for you. Ang kaso, nasira ko dahil inagaw ko ang first kiss mo na dapat ay para sa kanya so to make up to you, ginawa ko ‘to. I hope you find this a magical night na hindi mo makakalimutan dahil maibabalik ko na ang ninakaw ko sa’yo at maibibigay mo na ‘yon sa rightful owner,”

“That’s so sweet. Thank you, Gab!”

“Anything for you! Sige, maiwan na kita dahil parating na dito si Zeke. Bye, Jin. Enjoy!”

Naglakad na palayo si Gab at naiwan siya doon. Umupo na lang siya sa upuan and she enjoyed admiring Gab’s work for them.

Saglit lang at may narinig na siya na naglalakad at napatingin siya sa direksyon na iyon. Nakita niya si Zeke na papalapit sa kanya at may hawak pa na bouquet of roses na agad nitong ibinigay sa kanya. Nang umupo ito sa harapan niya, hindi niya maiwasan na i-admire kung gaano ito ka-gwapo. She really missed Zeke.

Napatingin si Jin sa kamay niya nang hawakan iyon ni Zeke.

“Jin, I missed you,” sabi nito sa kanya.

“I missed you too, Zeke.”

Napatingin silang dalawa sa padating na waitress na may hawak na bote ng champagne. ‘Yun ay ang bestfriend ni Jin na si KL. Hindi tuloy maiwasan ni Jin ang mapangiti nang makita ang bestfriend na kumpleto pa sa attire ng waitress. Kinindatan lang naman siya nito at saka nilagyan ang mga baso nila ng champagne. Matapos iyon ay iniwan na rin sila nito to give them space.

“I’m sorry, I was wrong for avoiding you. Naging childish ako, Jin. Noong narinig ko ‘yung kanta mo, it reminded me sa lahat ng pinagsamahan natin at kung gaano tayo kasaya noon. You were a really good girlfriend to me. Forgive me if hindi ako nakinig sa’yo noon,”

“Forgive me as well if I didn’t trust you enough to give you what you wanted,”

“So, does this mean na okay na tayo? Tayo na ba ulit? Jin, let’s work it out. Tayo na lang ulit.”

Natahimik doon si Jin. Now, she’s confused. Is this what I really want?

Hindi pa man siya nakakasagot ay may tumugtog from out of nowhere. Boses iyon ni Gab na kinakanta ang kanta ni Jin para kay Zeke.

“That’s our song!” masayang sinabi ni Zeke kay Jin. “Will you dance with me?”

Tumayo si Zeke at inalalayan si Jin sa pagtayo at sumayaw sila. Habang magkayakap na sumasayaw ay mahahalata kay Jin na tulala ito at halatang distracted.

Patuloy pa rin ang kanta. Live na tumutugtog si Gab habang kinakanta ang kanta na ginawa ni Jin para kay Zeke. Nasa pwesto ito kung saan hindi ito makikita nina Jin at Zeke pero kita nito ang dalawa. Dahil doon, hindi niya maiwasan na tingnan ang dalawa at kita sa mga mata nito na may selos itong nararamdaman.

“This is what I’ve been waiting for and now is the perfect moment, Jin,” sabi sa kanya ni Zeke as he draws his face closer to her.

Ipinikit na lang ni Jin ang mga mata for that moment. Here comes the kiss in 5, 4, 3, 2, 1...

And so, they kissed. Nang makita iyon ni Gab ay itinigil na nito ang pagtugtog at pagkanta. Tahimik at malungkot itong umalis doon. Ang hindi nito alam, na-witness ni KL ang reaction ni Gab the whole time na kumakanta ito hanggan sa umalis ito. That is when KL gasped as if she witnessed something big...

Habang nakahalik si Zeke sa kanya, bumabalik ang image ni Gab sa isip niya when he first kissed her. Jin ended the kiss since iba na ang nasa isip niya and she is trying to get that thought out of her head.

“What’s wrong?” nagtatakang tanong ni Zeke sa kanya.

“Baka kasi may makakita sa’tin,” she lied.

“Ayaw mo ba nun? Everyone will now that we are together again!”

Hindi maiwasan ni Jin ang mapalinga sa paligid. She is actually thinking of Gab... kung nakita ba nito ang pagkikiss nilang dalawa. Eh, ano ngayon kung makita niya? Siya naman ang may pakana nito, eh.

“Are you looking for something?”

“Wala,” she said as she force a smile and gave Zeke a peck on the lips.

MEANWHILE, Gab walks out of the auditorium at papunta na sa usual tambayan nito. He is still carrying his guitar. Gulong gulo ito sa sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Noong una, awkward at uneasy lang ito nang yakapin ito ni Jin. Ngayon, nakakaramdam na ito ng selos at lungkot dahil sa dalawa at nasaktan pa ito sa nakita.

What the hell is wrong with you, Gab? Get a hold of yourself! Si Jin at Zeke lang. You are out of the picture! kastigo niya sa sarili.

Napahinto siya sa paglalakad at muling nilingon ang auditorium. Napailing na lang siya at muling nagpatuloy sa paglalakad. This is wrong.

Game of Love RetoldWhere stories live. Discover now