𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑇ℎ𝑖𝑟𝑡𝑦

627 31 0
                                    


Masaya kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Bagay na bagay sakin ang necklace na binigay ni Tyler.

Pina-una kona si Tyler na pumunta sa special place nila Alliyah kung saan din ako dinala ni Tyler before. Ewan ko pero may side sakin na nagsasabi na magpahuli nalang ako sa pagpunta. Siguro dahil gusto ko na mas magkaroon sila ng time na mag-usap yung sila lang dalawa at walang makakasagabal. Bakit pa kasi kailangan kasama ako at ang new boyfriend ni Alliyah e closure naman nila yun.

Nakasakay na ako ngayon sa isang kotse ni Tyler kung saan may driver na maghahatid sakin sa kinaroroonan nila ni Alliyah. Iba ang pakiramdam ko. Feeling ko may hindi magandang mangyayari. Okay lang naman ako kanina pero ngayon hindi kona maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"𝐌𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐤𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐁𝐥𝐲𝐭𝐡𝐞...𝐓𝐫𝐮𝐬𝐭 𝐡𝐢𝐦."-Pabulong na Pagkumbinsi ko sa sarili ko habang hinahawakan ang pendant ng necklace na binigay ni Tyler.

Binuhay na ng driver ang makina ng sasakyan at sinimulan na itong paandarin. Agad kong isinuot ang seatbelt at umayos ng upo.

Saglit muna akong umiglip para hindi ako masyadong mailang sa mga pangyayari. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago kami nakarating.

"𝐍𝐚𝐧𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐌𝐚'𝐚𝐦."-Saad ni manong driver sakin.

"𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨."-Agad na akong bumaba ng sasakyan at pinanood na umalis ang sasakyang naghatid sakin.

Sabi kasi ni Tyler na sabay na kaming uuwi at sa kanyang sasakyan ako sasakay kaya umalis rin agad ang kotseng naghatid sakin.

Tahimik kong binabaybay ang daanan papasok sa paraiso kung saan ako dinala ni Tyler before. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan? Mayroon ba dapat akong ipangamba e closure lang naman ang mangyayari? Shitt.. i hate this feeling.!

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang isang bench kung saan nakaupo si Tyler kasama ang isang babae at ang sigurong bagong boyfriend nito. Nakatalikod ang bagong boyfriend ni Alliyah kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila at agad din naman akong nakita ni Tyler.

"𝐁𝐥𝐲𝐭𝐡𝐞!? 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐲𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐡𝐞𝐫𝐞!"-Nagagalak na sabi ni Tyler sabay lapit sakin. Nginitian ko ito.

Agad na humarap si Alliyah na medjo malaki na ang tiyan pati narin ang bagong boyfriend nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang lalaking kasama ni Alliyah. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit sya nandito?

"𝐖-𝐖𝐡𝐲 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐡𝐞𝐫𝐞? 𝐀𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐦𝐨 𝐝𝐢𝐭𝐨?"-Nagtatakang tanong ko. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha sa mga mata ko.

Kaharap kolang naman ngayon ang lalaking nanakit sakin. Si Wayne---Ang ex ko.

"𝐂𝐚𝐥𝐦 𝐃𝐨𝐰𝐧 𝐁𝐥𝐲𝐭𝐡𝐞...𝐋𝐞𝐭 𝐦𝐲 𝐁𝐨𝐲𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 𝐞𝐱𝐩𝐥𝐚𝐢𝐧 𝐭𝐨 𝐲𝐨𝐮."-Litanya ni Alliyah. Para akong pinagsakloban ng langit at lupa sa narinig ko. Boyfriend nya si Wayne?

"𝐀-𝐀𝐧𝐨?? 𝐈𝐤𝐚𝐰? 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐛𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐧𝐢 𝐖𝐚𝐲𝐧𝐞?"-Naguguluhang tanong ko.

Dahan dahan itong tumango. Wala sa oras na napasigaw ako sa hangin sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Agad na lumapit si Tyler sakin pero lumayo ako sa kanya.

𝐖𝐨𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐚𝐝 𝐂𝐄𝐎(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon