12

36 1 0
                                    

Hindi ako nakatulog no'ng gabing 'yon, sinubukan ko na magpa-anto, sumayaw-sayaw pero hindi ko magawang makahanap ng tulog. Ikot-ikot lang ako sa kama hanggang sa tuluyan ko ito na magulo, i don't know why pero I feel bother pa rin sa mga sinabi ni Akihiro sa akin. There's a part of me na nagsasabi na h'wag ko siyang tulungan after what he did but there's bigger part of me na gusto siyang tulungan alang-alang sa kapakanan ng anak niya. 'Yong kapalaran ko minsan nakakaduda,  madalas akong dinadala sa mga sitwasyon na alam niya na magigipit ako ng sobra and that's fucking villainous.  Hindi na ako binigyan ng kapayapaan, hindi pa ako binigyan ng kahit kaunting happiness man lang

Naisipan ko na lumabas ng kwarto that  time, manginginain na lang ako sa kusina. Ubos na kasi stock ko rito kaya pinatay ko ang mini-ref na nasa kwarto ko.  Madalas kasi akong nag-ooverthink habang kumakain e, lalo kapag nami-miss ko sila mama at papa. Pagka-baba ko sa kusina ay naabutabn ko si Akie na nagbebake ng mga cupcakes, hindi rin kaya siya makatulog?

"Hi," bati niya nang saglit na magtagpo ang mga mata namin. "Hindi ka rin makatulog?" 

"Yeah, napapagod na nga ako kakaikot sa kama e." Biro ko pa to lighten up the mood, pakiramdam ko kasi kapag ganito ang usapan namin at hindi kami nag-aasaran ay sobrang magiging awkward ang lahat. 

"Same," natawa rin siya. "Nami-miss ko kasi ang presence mo sa tabi ko," aniya habang naglalagay ng frosting sa ibabaw ng cupcake. 

Nahigit ko ang sariling hininga ng marinig ko ang sinabi niya. Ano raw?

"Anong connect ng presence ko sa pagtulog mo?"  Tanong ko sa kanya habang umuupo sa stool ng island counter. 

Ngumiti pa siya bago at huminto sa ginagawa saka siya nag-angat ng ulo, "nasanay kasi ako na katabi ka, na kayakap ka." 

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Parang isang beses mo lang naman ako nakatabi e, nag-away pa nga tayo after it." Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang maalala ko ang minsang nangyari sa pagitan naming dalawa. 

"I consider that day, a very special one kasi kasama ko ang magiging Mommy ng anak ko." Muli siyang ngumiti sabay abot sa akin ng isa sa mga cupcake na ginawa niya. "For you, made from love." 

Bigla akong nanibago sa sinabi niya, made from ano raw? 

Love?

 Cringe. 

"Thanks," I smile awkwardly. 

"Sorry pala sa mga nagawa ko noon, sa mga nasabi ko. Tama ka, ako ang may kailangan sa'yo kaya dapat hindi ako sobrang nagdedemand. Kasi in the first place, ako 'yong nagda-drag sa iyo sa isang situation na hindi mo naman gusto."

"Don't mind it, ayos lang naman ako. At isa pa, alam ko naman na nambubwiset ka lang. Kasi sino ba naman ang matutuwa na may nakikitira sa inyo na stranger 'di ba?"

"Lovely, I'm sorry. I didn't mean everything." Sinserong sambit niya.

"Okay na nga, h'wag ka nang mag-sorry. Nandito na tayo e saka tulong ko na rin sa inyong mag-ama ang pagiging ina ko kay Cedric." 

"Ina lang kay Cedric, paano naman 'yong tatay? Kailangan ko rin kaya ng asawa." Natatawa niyang sabi. 

"Sige na, asawa mo at nanay ni Cedric? Okay na tayo?" 

"Napipilitan ka lang e."

"Pinilit mo lang rin naman ako." Pagbibiro ko, lumungkot bigla ang mukha niya as he smiles bitterly. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. 

"Sorry..." Nakaramdam ako ng pagka-guilty dahil sa naging reaksyon niya.

Umiling lang siya at inabot ang kamay ko, "you don't have to. Totoo naman kasi." 

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVEWhere stories live. Discover now