10

41 4 0
                                    

JUANE AKIHIRO ORTEGA

"Chef may naghahanap po sa inyo kanina pa, hindi raw po siya aalis hangga't hindi ka niya nakakausap." Si Eula, ang pinsan ko at manager ng Sweet A na business ko ang nasa kabilang linya. 

"Pakisabi sa kanya, I'm on my vacation at hindi ako makakapunta riyan. And tell her to leave right away, kapag hindi mo napa-alis ang babaeng 'yan ikaw ang ipa-fire ko." Pagbabanta ko pa sa kanya

"Alright, calm down Satan!" Pabalang na tugon niya mula sa kabilang linya, ilang minuto rin na nawala si Eula maya-maya pa ay narinig ko na may nagsalita pa sa kabilang linya. Mataman ko ito na pinakinggan and I got shocked from what I heard.

"Tell Akihiro na kapag hindi siya nagpakita sa akin mapipilitan ako na magfile ng kaso sa kaya para makuha ko ang custody ng anak ko. Tigilan na niya ang pagtatago sa akin at harapin niya ako. Naririnig mo ba 'yon Akie? Ano pang hinihintay mo? Pumunta ka na rito at kausapin mo ako!"

That's Coreen, ang nanay ng anak ko. Hindi ako pupwedeng magkamali, siya nga 'yon. She's back at balak niyang kuhanin ang anak ko sa akin. Bagay na hinding-hindi ko hahayaan na mangyari, hindi ko hahayaan na mapunta sa isang babaeng miserable ang anak ko. Magkakamatayan muna kaming dalawa bago niya makuha ang kustodiya ni Cedric sa akin. Cedric is my lucky charm, napamahal na siya kay Lovely. Kapag nawala siya, tapos na rin ako kay Lovely. Mawawalan ako ng dahilan to get her, mawawalan ako ng tyansa na makuha siya.  Kailangan kong mapigilan si Coreen, hindi niya pwedeng makuha si Cedric.

Nagmamadali ako na bumangon sa kama nang araw na 'yon, wala akong balak na pumasok ngunit dahil hinamon ako ng nanay ng anak ko ay napulitan ako na maligo at kumilos. Nagmamadali ko na minaneho ang kotse, hinarurot ko ito para mabilis ako na makarating sa coffee shop ko. Naabutan ko ang dalawang security guard na nakabantay sa sliding door, si Eula at Tarsie naman ay hinaharang ang nagwawalang si Coreen. She gone wild na para bang walang makakapigil sa kanya, she become desperate to get my child na iniwan niya na parang bagay noon. 

"Coreen stop it!" Aniko habang naglalakad papunta sa kinaroroonan niya. 

"Glad you're here Akie, akala ko ay hindi na kita makakausap. Anak ko lang pala ang kahinan mo." Ngumisi pa si Coreen nang humarap siya sa akin. "Where is my child?"

"Correction, my child not yours. Kahit kailan ay hindi ka naging ina kay Cedric."

"Wow! Just wow Akihiro, hindi porke't ikaw ang nakasama niya for seven months ay nagpaka-ama ka na sa kanya. As if nagpaka-ama ka talaga sa kanya, since then  si Clyde na ang nag-alaga sa kanya at hindi ikaw dahil wala namang mas maha laga sa'yo kung'di sarili mo." Kumpyansang sabi niya.

"Shut up!" Bulyaw ko sa kanya. "Wala kang mahihita sa akin, ako ang ama at nasa akin ang kustodiya ng bata kaya sa akin siya. Ako ang magpapalaki sa kanya at kahit kailan, hindi ka niya ituturing na ina."

"And who are you to decide?"

"I am his father!"

"And I am his mother, dinala ko siya ng siyam na buwan sa tiyan ko!"

"I don't care!"

"GO TO HELL!"

"HEEEEEP! Tumigil kayong dalawa!" Pananaway ni Eula. "Hindi ba kayo pwedeng mag-usap nang hindi nagsisigawan? Nakakahiya sa mga customers, ano ba?"

"I am getting my child! Tapos ang usapan!" Mariing sigaw ni Coreen.

"No, hindi kita hahayaan na makuha si Cedric."

"I AM HIS MOTHER!" 

Ang kapal ng mukha niya para ipagsigawan na ina siya ni Cedric matapos niyang iwanan ang anak namin, babalik-balik siya. I won't let her get my child, magkakamatayan muna kami.

UNTIL TRILOGY 2: UNTIL WE FALL IN LOVEWhere stories live. Discover now