CHAPTER 6 BLUEBERRY MUFFINS

117 4 0
                                    

Third Person's POV

Alas singko palang ng umaga ay nasa 4-Leaf na si Rain. She decided to bake pastries ahead of time. Kakasalang lang ng blueberry muffins nya. Papunta sana sya sa counter para maglinis nang may makabanggaan siyang tao na naka all black mula ulo hanggang paa.

Black cap, black hoodie, black sweat pants, at black running shoes. Napatumba silang 2 dahil sa lakas ng pagkakabangga. 

“ Aww! Oh my gosh, Are you okay? “ Ika ni Summer at chineck ang nakabanggaan nito. Agad syang nagpanic ng makitang si Rain pala ito na walang malay.

“ Shit shit shit. Rain, Rain come on wake up! “ 

Hinaplos niya ang mukha nito at pinaypayan. Makaraan ang ilang minuto ay nagdilat ito ng mata. Hindi napigilan ni Summer na yakapin ito.

“ Thank God you’re alive! You scared me, Rain.“ 

Nakatitig lang si Rain sakanya at mukhang gulat na gulat sa pangyayari. Napansin naman ito ni Summer at agad siyang humiwalay. Ehem, awkward..

“ Ehem, uhm are you okay? Right you’re not okay, I’ll take you to the hospital. “ 

Agad na nagpanic si Rain nang buhatin siya nito. Napayakap siya sa leeg nito sa gulat. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila ay nagkaroon sila ng pagkakataon na titigan ang bawa’t isa. Sila ay nangusap sa pamamagitan ng mga mata nila.

“ How are you this beautiful in the morning? “ Ika ni Summer sa kanyang isip habang nakatitig sa mga mata nito.

Nilapit pa nito lalo ang mukha niya. Kumakabog ang puso ni Rain ngunit sa mga titig ni Summer ay para bang siya ay nasa kailaliman ng karagatan. Come on Rain, don’t be shy. Napatitig siya sa mga labi nito at siya ay wala sa wisyong hinatak ang batok nito. Pareho silang pumikit at hinihintay na maglapat ang kanilang mga bibig.

Nang maglapat ang mga bibig nila ay tila parang sasabog ang kanilang mga puso sa tuwa, kilig, at takot. Takot na baka panaginip lamang ang lahat ng ito at sa pagdilat ng kanilang mga mata ay imahinasyon lamang nila ito.

“ Ang hot naman niya, kahit pawisan ang bango bango parin. Pero bakit amoy sunog? Sunog? san galing yun? Ano ba yan istorb-- “ 

Napamulat si Rain at humiwalay agad siya at pilit bumaba sa pagkakabuhat ni Summer sakanya. 

“ Sunog! Amoy sunog! Hala yung blueberry muffins ko! “

Agad naman niyang binuksan ang oven at dahil sa taranta ay kinuha nya agad ang tray nang walang suot na oven mitts. Napabitaw siya kaagad, agad naman itong tinulungan ni Summer.

“ Rain! Oh my gosh you burned your hand! “ Agad niyang pinatay ang oven at binuhat papalabas si Rain. 

Sinakay niya ito sa kanyang sasakyan at nagtungo sa KDC MC.

 * * * * * 

Tahimik ang byahe nila pabalik ng 4-Leaf. Walang umiimik, kaya’t napagpasyahan ni Summer na i-konek ang kanyang cellphone at magpatugtog ng kanta para mawala ang awkward atmosphere. 

She clicked the shuffle button. Nagplay ang Lips on Lips by Tiffany Young. Oops.

Darling I get weak when you

Put your lips on my lips

When you're touching like this

No, they don't ever lie

And when the feeling is right

You can tell by my eyes

No, these lips they don't lie

Agad namang tinanggal ni Summer ang music.

“ Great, imbis na mawala ang tensyon, mukhang lalo pa kaming naging awkward. “ Bulong niya sa kanyang sarili.

Sa kabilang banda naman ay panay paypay ni Rain sa kanyang sarili. Nakatingin lamang sya sa bintana ng sasakyan ni Summer. Namula siya lalo nang magflash sa utak niya ang kagagahang ginawa niya. 

“ Bakit ko ba siya hinatak?! Nakakahiya ka Rain Jihye Javier! “ Bulong niya sa kanyang sarili.

No these lips they don’t lie.. Yeah they got me weak. You got me weak, Summer.

Makaraan ang isa’t kalahating oras ay nakabalik na sila sa 4-Leaf. Pagpasok nila ay bumungad sakanila si Maui na nag bubukas na ng cafe. 

“ Good Morning, mga boss! “ Bati niya sa dalawa na parang tuta na nawawala at hindi mapakali. Napansin naman niya ang benda sa kamay ni Rain. Agad niyang nilapitan ang kaibigan. 

“ Bes! Anong nangyari sa yo?! Bakit nakabenda kamay mo?! Ha?! “ Sabi nito habang chinecheck ang kamay nito at ang iba pang parte ng katawan nito.

“ Wala ito bes, katangahan lang, hehe. “ Sagot naman ni Rain sa kanyang kaibigan. Napaiwas naman ng tingin si Summer sa sinabi nito.

“ Hmm, alam niyo ba pagdating ko dito kanina, anggulo nung kitchen! Sino bang nagbake nung blueberry muffins na yun?! Sunog, nasayang lang bes! “ 

Nakahinga naman ang dalawa ng maluwag nang bumukas ang glass door at may pumasok na customer.

“ Good Morning, Welcome to 4-Leaf Cafe! “

KDC Season Siblings : SummerWhere stories live. Discover now