CHAPTER 2 RAIN AND AUTUMN

151 5 1
                                    

Rain's POV

Boss Aiki calling…

" Hello Rain? "

" Good morning boss, ay maglalunch na pala so good noon na! Anong maipaglilingkod ko? "

" Sira hahaha nasa 4-Leaf ka na ba? "

" Yes boss, may utos po ba kayo? "

" Pahanda naman ng paborito ni Sum. Diretso na kami dyan pagkasundo ko sakanya sa airport. Panigurado gutom na gutom yon eh. "

" Okay boss, I gotchu! Kasama mo ba si Baby Clo? "

" Oo, kakasundo ko lang sakanya sa dance class niya actually. "

" Okay boss pareho naman sila ng paborito ni Ma'am Summer no? "

" Oo mga mukhang nilagang baboy hahaha osya, kitakits nalang mamaya, Rain. Alis na kami. "

" Ingat boss! " sumaludo ako bago ibaba ang tawag kahit di nya kita.

Ngayon na nga pala ang uwi ni Ma'am Summer. Excited na kong makita sya sa personal. Sa mga kwento palang ni boss aiks, mukhang masayahin syang tao at parang ball of sunshine. Ang cute pa naman nya, nung pinakita ni boss aiks yung instagram niya, para akong na love at first sight. Ayan ka nanaman rain!

3 yrs ago mula nung nakilala ko si Ate Aiki, sumilong ako dito sa 4-Leaf nung malakas ang ulan at naglalakad ako pauwi.  

f l a s h b a c k

" Ano ba yan! bakit ngayon pa umulan?! "

kinalkal ko ang bag ko para maghanap ng pamunas. Grabe basang basa ako.

" Bakit kasi ngayon pa ko nawalan ng wallet! Edi sana hindi ako naglalakad pauwi. Anghirap hirap na nga maghanap ng trabaho. Ano bang kamalasan to?!" sabi ko habang pinupunasan ang sarili ko.

" Ah miss, magsasara na kami. Oorder ka ba? "

" Ay hindi po. wala po akong pera. Sorry po, lalabas nalang ako. Pasensya na po. Basang basa pa naman ako. "

" Ahh hindi okay lang, malakas pa naman ang ulan. Heto tubig oh? Mukhang pagod na pagod ka ah. " 

" Salamat po. Ah opo. Naghahanap po kasi ako ng mapapasukan kahit part time lang. Kamalas malasan nga po nawala yung wallet ko kaya naglakad ako pauwi, naabutan naman ako ng ulan. "

" Uy sakto, naghahanap kami ng part timer. Kulang kami sa employee ngayon. Iniwan kasi ng kapatid ko bigla itong shop. Kung gusto mo, balik ka bukas ng umaga pagusapan natin. "

" Talaga po? Sige po, salamat boss! " 

" Boss na agad tawag mo? Hahaha. Pagusapan natin bukas. reject kaya kita? Biro lang. "

" Boss naman! Masipag naman po ako. Kahit anong trabaho basta disente hehehe "

" Osya, halika na medyo tumila na ang ulan. May duty pa ko sa KDC MC. San ka ba nakatira? Hatid na kita. " tinulungan ko syang magsara ng shop.

" Malapit sa KDC U boss. KDC MC? Diba sa mga De Castro yun? Hala boss! Kamukha mo yung sa magazine! Yung, yung ano automatic ba yun? Ay mali autumn yata? " 

" Oh on the way naman pala. Lika na sabay kana sakin. " pumasok na kami sa sasakyan nya. Nakakahiya naman, mababasa ko yung upuan, gosh.

" Sorry boss, basa na yung upuan" may inabot syang jacket mula back seat.

" Wala yon, oh suot mo to baka magkasakit ka pa. Ibalik mo nalang ha, sa kapatid ko yan eh. Anong automatic ka dyan? Ano ako, kotse? Autumn pangalan ko. 4 kaming magkakapatid. Galing sa seasons yung names namin. " nagsimula na kaming bumyahe.

" Ahh oo tama nga nakita ko sa magazine! Winter, Autumn, spring, tapos summer. Yung summer pinakacute sa family picture niyo actually. Yung eye smile niya. " daldal ko shet.

" Nako ikaw ha. crush mo ba bunso namin? Actually, sakanya yung cafe na yon, ako muna nagmamanage ngayon, busy mga kapatid ko e. " Nako patay na.

" Di naman boss! magmaneho ka na nga dyan. " So sakanya pala yon. Umalis siya? Bakit kaya?

Naputol ang pagmumuni ko nang may kumalabit sakin.

" Hoy rain! kanina pa kita tinatawag. Darating daw si Ma'am aiki? "

" Ay sorry Maui, oo kasama si Ma'am Summer, kaya magprepare na tayo, dito daw sila maglalunch "

" Wow mamimeet na natin si Ma'am Summer personally. Bigla akong naexcite! Osya, busy mode na tayo sis. " Ako din naexcite..

KDC Season Siblings : SummerWhere stories live. Discover now