Password 2 | Ang Pagdating

107 7 5
                                    

Password 2 | Ang Pagdating

Akyla Tuasoc

Katabi ko si mommy sa lamesa habang katapat ko si Wenna at tapat naman ni mommy 'yung lalaki. Tahimik kaming kumakain except ni Wenna na ang likot-likot dahil tingin siya ng tingin sa akin na may halong you-betrayed-me-look at ayee-i-believe-i-can-fly look. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Hijo, ang dali mo palang turuan. Nakabisado mo na kaagad kumain gamit ang kutsara't tinidor." Pagbabasag ni mommy sa katahimikan. Curious naman akong napatingin sa lalaki and so does Wenna. She eyed me at nagtatanong ang mata niya if ano ang ibig sabihin ni mommy and I just shrug my shoulders. Hindi ko rin alam.

"Napakagaling ninyong magturo, Adelia kaya napapadali kong gamitin ang aking mga natutunan." Sagot ng lalaki. What? First name basis na sila, agad-agad? I eyed the guy suspiciously.

"Naku, hijo. Ngayon, masasabi kong palabiro ka nga." At nagtawanan silang dalawa. Nagkatinginan naman kami ni Wenna. Sige. Kami na ang out of place. Tumikhim ako kaya napatingin sa'kin si mommy pero 'yung lalaki nakatungo lang habang tahimik na pinagpatuloy ang pagkain. Napataas ang kilay ko sa inasta niya. Kung kanina lang ang saya-saya niyang makipag-usap kay mommy tapos ngayon hindi niya ako binibigyan ng pansin?

"What are you talking about?" Naguguluhan kong tanong habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa lalaki. Bahagya ko namang nakita na napapalunok ito. Weird.

"Just random things, nak. Ah, sya nga pala. Hijo, magpakilala ka sa kanila. Maari mo na din silang matingnan sa mata." Sabi ni mommy at sinuklian naman ito ng isang matamis na ngiti mula sa lalaki. Uh huh. Palangiti ang isang ito. Hindi ko type.

Tumingin ang lalaki sa amin ni Wenna pero mas tumagal ang pagtingin niya sa akin. "Ikinagagalak kong makilala kayo mga binibini. Ako nga pala si Prinsipe Nicholas Hidalgo. Bunsong anak mula sa aking pinakamamahal na Haring Ama na si Salgados Hidalgo at aking Inang Reyna na si Victorina Hidalgo. May nakakatanda akong kapatid na si Adaneur Hidalgo. Nagmula ako sa aming Kahariang Sultan Masa. Matagal ko nang inaasam ang ating pagkikita, lalong-lalo na sa iyo, Binibining Akyla. Hangad ko ang ating tagumpay at makamit ito sa lalong madaling panahon." And he flashed me a handsome hundred megawatt smile.

Walang umimik sa aming dalawa ni Wenna. Hindi pa kasi napro-process sa isip ko ang mga sinabi niya excluding his name and the place namely, Sultan Masa. He also claimed that he's a prince. Gusto kong tumawa pero walang lumalabas sa bibig ko kasi randam ko na hindi siya nagbibiro.

"Woah, nice one Nicho Mucho. Sure na akong perfect ka na sa pagtatanghal niyo. Saan ba 'yan? Invite mo kami ni Akyla. Try namin manood for moral support." Excited na sabi ni Wenna habang napapalakpak pa. Curiosity at hindi mapakali ang mukha ni Nicholas. I'm guessing na hindi niya gets ang sinabi ni Wenna.

Hindi ko rin siya ma-gets. Sino ba siya? Bakit ang lalim niyang magsalita? Ano bang meron sa Sultan Masa na kaharian niya? At bakit napaginipan ko siya kagabi? Bakit hindi niya kasama si Amira? Bakit alam niya ang pangalan ko? Bakit close agad sila ni mommy?

Biglang napukaw ang atensyon ko kay mommy. Eksaktong napasulyap siya sa gawi ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti tsaka nagpatuloy sa pagkain. Si mommy ang mas nakapagtataka. Why is she so calm about all this? May kinalaman ba siya sa mga nangyayari ngayon? Napanaginipan rin ba niya ang panaginip ko kagabi? Na-meet na rin ba niya si Amira? Kaya ba close agad sila ni Nicholas kasi nasisilayan na niya ito sa panaginip niya?

Ang dami kong tanong pero walang sagot kung bakit.

Sa buong agahan hindi ako umimik. Nagchichikahan lang sila mommy and Wenna at sinusubaybayan lang naman sila ni Nicholas ng may ngiti sa labi. Paminsan-minsan ay napapansin ko namang sinusulyapan ako nito at kung mahuhuli ko ang tingin niya, e agad naman itong iiwas ng tingin na parang walang nangyari.

Password 9998Where stories live. Discover now