Simula

140 7 1
                                    

Simula

"If only destiny pulls us together in time."

Iyan ang palaging sinasabi ni mommy sa akin sa tuwing tinatanong ko ang tungkol sa tunnel sa likod ng aming bahay.

Sa tuwing sinasabi niya ito ay nasisilayan ko ang lungkot sa kanyang mga mata at hindi ko magawang magtanong pa muli tungkol dito.

Ano nga ba ang espesyal sa tunnel na iyon at ganoon na lang ang reaksyon ni mommy? Palagi ko itong tinatanong habang nakamasid ako sa tunnel o di kaya'y sa tuwing nandoon ako sa loob ng tunnel. Hindi ko rin naman masisilayan kung ano ang nasa kabila nito because the tunnel is a dead end.

I wanna know the history of this tunnel pero mukhang malabo itong mangyari.

Kasalukuyan akong nakamasid sa ding-ding ng aking kuwarto at nang makaramdam ako ng antok ay ipinikit ko ang aking mga mata at natulog na.



"A... Aky... Akyla!"

May tumatawag sa pangalan ko pero sino? Madilim ang nasa paligid ko at ni katiting na ilaw ay hindi ko masilayan.

"Tulungan mo ako Akyla." Boses babae ito. Her voice sounding soft and gentle.

"Si-sino ka?" Kinakabahan kong tanong.

"Ako si Amira, tagabantay nang Sultan Masa. Kinakailangan ko ang tulong mo Akyla. Ikaw lamang ang makakapagligtas sa kahariang aking kinapupusoan."

"Kaharian? Anong kaharian ang tinutukoy mo? At sino ka ba talaga? Bakit ang lalim mong magsalita?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam kung isa ba itong masamang panaginip o hindi. Weird.

"Ang minsang mapayapa na Sultan Masa ay naging madugo. Isang kalaban ang sumapit, sobrang lakas, sinisira niya ang balanse ng dalawang magkaugnay na kaharian. Siya'y uhaw sa kapangyarihan at nasa iyo ang susi upang maiwasan ang lahat ng ito Akyla." Sabi niya at biglang may nagpakita sa akin na isang alitaptap.

The firefly looks at me directly in the eyes. Ito ba ang babaeng nagsasalita? Bakit alitaptap at hindi tao? And what does she mean by a villain? At bakit ako ang susi? Naguguluhan na ako sa panaginip kong 'to!

"Pasensya na po Amira but I don't understand you. I'm sorry pero mukhang hindi kita matutulungan sa pabor mo." Sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad paalis. May nasilayan akong pinto na lumiliwanag and I'm heading towards that light. Bago ako tuluyang makapasok sa pinto ay nagsalita muli ang babae na anyong alitaptap.

"Isang binata ang nakatakda mong makilala. Magtatagpo ang inyong landas ngayon, Akyla. Nawa'y tulungan mo siya at kasabay ninyong iligtas ang Sultan Masa."

Huh? Binata? Sino ba siya para tulungan ko at sino ba ako para tumulong sa kanya?

"Tatagan mo ang iyong kalooban Akyla. Palagi mong tatandaan na hindi lahat na nakikita ng mata ay makatotohanan. Hindi mo lamang buksan ang iyong isipan kundi pati ang iyong puso. Nasa sa iyo ang susi Akyla. Nasa iyo ang kapangyarihang makapagbago sa takbo ng nakaraan. Nawa'y pagpalain ka at ingatan ang pusong dala mo nang hindi ito mabihag." Aniya nito. Napahawak ako sa aking kuwentas na gawa sa kahoy at may nakaukit na hugis puso sa gitna with an initials of Apart.

Ito ba ang pusong tinutukoy ng babae? Este Amira pala. Dahil sa naguguluhan na ako sa panaginip kong ito ay pumasok na ako sa pinto. Nagbabakasakali na magising na ako sa panaginip kong 'to pero laking gulat ko na embes magigising ako sa aking kuwarto ay nakatayo ako sa tapat ng tunnel sa bakuran ng aming bahay.

What the? Nagsle-sleep walking ba ako at gayong napadpad ako dito? But that's impossible. Sa tanang buhay ko hindi pa ako nag-sleepwalking!

I was deep in thought when suddenly lumiwanag ang loob ng tunnel. Liwanag na kasing tulad sa panaginip ko. Napahawak ako sa aking dibdib at dinadama ang mabilis na pagtibok nito na kinakabahala ko.

Kinalibutan ako nang biglang humangin ng malakas. Nakatutok ang atensyon ko sa liwanag sa loob ng tunnel. Papasok ba ako o hindi? A simple question but hard to answer.

Forget it!

I shouted in my mind at tumalikod na. I'm just gonna pretend that none of this ever happened. Gabi pa naman at sakto bukas na bukas kakalimutan ko ang lahat ng nangyari ngayon. With that in mind, aaktong aalis na ako papasok ng bahay nang biglang may bumulong sa kanang tenga ko.

"Tulungan mo ako Akyla, tulungan mo Siya."

I whip my head to my right kung makikita ko ba si Amira pero walang alitaptap akong nakita sa paligid ko.

"Amira?" Tawag ko dito pero wala nang bumulong muli sa akin. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration at tumitig sa tunnel.

Wala naman sigurong mangyayari na masama kapag papasok ako diyan diba? Malay natin, baka ginto ang nasa loob kaya may liwanag. Yayaman na ako!

Mabilis akong pumasok sa loob ng tunnel nang may ngisi sa labi ngunit embes na mga ginto ang bumungad sa akin ay isang papalapit na karomata ang patungo sa direksyon ko at isang sigaw ang umaaliwalas sa pandinig ko.

"Binibini, umalis ka diyan!"

Pero huli na ang lahat. Hindi na ako nakailag at nagtama kami ng kalabaw and everything went black.



※※※※※※
karomata - sasakyang may dalawang gulong na hinahatak ng kabayo/kalabaw.

Password 9998Where stories live. Discover now