“Tapos ka na?” tanong ni Jamaila, ang kaibigan ni Cash.
“Oo, at bakit kailangan ko bang mag-ayos?” anito sa kaibigan habang nakataas ang kanang kilay.
“Basta!” madramang natawa si Jamaila. “Let’s go, baka ma-late na tayo!”
Tumango si Cash bilang pagsang-ayon sa kaibigan. Isang beses niyang tinanaw ang cellphone, wala pa ring text sa kaniya ang binata. Naipilig niya ang ulo, siguro pinagloloko lang siya nito. They're just in RPW. And this, dearest friend of her introduced that meticulous to her. ‘Not bad actually
Nangunot ang noo ni Cash nang makababa sila ng Jeep, nasa harap nila ang isang kilalang hospital.
“Bakit tayo nandito?” nagtatakang tanong niya kay Jamaila na abala sa sarili nitong cellphone.
Tumingin sa kaniya ang kaibigang nangingilid ang mga luha. “Cash, tingin ka dito.” Garagal ang boses nito habang nakaturo ang kamay sa camera ng cellphone.
“Bakit?” agaran niyang tanong habang nakaharap sa camera.
“Please smile…” napatigil si Cash sa pagtatanong nang marinig ang boses na sobrang pamilyar.
Unti-unti iniharap ni Jamaila ang cellphone sa kaibigan, at doon makikita ang isang lalaking payat ang mukha, kalbo at may tubong nakaala-alay sa ilong nito.
Namuo ang maiinit na luha sa kaniyang mga mata, unti-unting ngumiti si Cash kahit na naguguluhan pa.
“You’re so beautiful, mi reina.” tila gatilyo ang mga salitang sinambit ng binata, umagos nang walang humpay ang kaniyang mga luha.
“Archie…” nanghihinang sambit ni Cash.
Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Archie, sa wakas nakita niyang muli ang dalaga.
“Patawarin mo ako mahal ko, pagka’t hindi na kita mayayapos nang mahigpit…” huminga ng malalim ang binata, tila nahihirapan nang magsalita. “Hanggang sa muli, mahal na… mahal na ma…hal k-kita.” ang huling sambit ng binata bago narinig ang nakakabinging tunog ng mga makina.
![](https://img.wattpad.com/cover/291961795-288-k797243.jpg)
YOU ARE READING
Tapped by Lies (Virtual Heartbeat Series 1) [COMPLETED]
Teen Fiction#TheWritersPHAwards2022 𝗩𝗜𝗥𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧𝗕𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1/15 How can I fly if my wings just gave up on me? How can I rise if your arrows put a scars on me? How can I Iet go if the strings that freed me became the biggest part of my gr...