One.

41 1 1
                                    

Kapag nariyan ka bumabagal ang ikot ng Munro

Hindi ka dapat na ginugusto pero natutukso

Kasalukuyang bumabagal ang mundo dahil nandito ka ngayon at kasama kita.nakikinig sa kanta ni abra.

Ano man ang sabihin nila,hindi kita ipagkakaila

Pagkat ikaw lang ang minanahal ko,aking diwata.

Pero may problema ako.makikinig ka ba kung sasabihin ko sayo? GUSTO KASI KITA. Gusto kong sabihin sayo pero baka iwasan mo ako. I like you...

(Aking Diwata) ikaw ang pinaka-maganda pag pinagmamasdan kita parang namamalikmata.

(Aking Diwata) tamang hinila di makapaniwala na nakita na ang pinakamakinang na tala.

(Kay Hiwaga) walang katapat bagama't pinagbawalan ipaglalaban ka sapagkat

Ikaw lang ang minamahal ko-o aking diwata.

....Gusto ka ng Bestfriend mo.

Nang matapos ang kanta ay bigla kang tumayo.

"Diwata by Abra ft. Chito Miranda. Ang ganda nung kanta no? Bagay na bagay sa kanya. Ano sa tingin mo, bestfriend?" Tanong mo sakin. hindi agad ako nakasagot dahil tulala pa ang isip ko kaya kinalabit mo ako. Ang saya-saya mo at kitang-kita ito sa iyong mga mata.

"Ang Ganda nga." Sagot ko na parang kanina mo pa hinihintay na lumabas sa bibig ko.

Inakbayan mo ako at bumilis ang tibok ng puso ko na ipanagdadasal kong hindi mo marinig.

"So anong gusto mong kantahin ko next week?iyon o iyon?" Maririnig ko na naman ang boses mo bukas at maririnig din ito ng buong school dahil may aalayan ka ng kanta.

Na sana ako nalang.

"May choice ba ako?" Tumingin ako sayo.

"It's Settled. 'Yun ang kakantahin ko bukas. Woo! kinakabahan na ako. Baka hindi sya sumagot ng yes." Medyo nalungkot ang mga mata mo.gusto kong sabihin sayo na wag kang malungkot. kapag negative ang sagot nya, ako ang sasalo sayo pero hindi ko magawa.

"Naku. Pagnagkataon mawawalan sya ng gwapong manliligaw kapag hindi sya nag-yes. pero...kapag nagyes sya, Congrats in Advance." Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Nagulat ako nung may gumulo ng buhok ko mula sa likuran.

"Thank you Bestfriend.hindi ko na talaga alam kung wala ka. Thank you sa lahat-lahat, bestfriend. haggard ka na tuloy dahil sakin pero ok na rin yun mas lalo kang naging sexy tignan." Hinampas kita sa balikat at tawa ka lang ng tawa. At sa puntong ito narealize ko na na hindi mo talaga ako magugustuhan bilang isang girlfriend pero nagbulag bulagan na naman ako. Na kahit ilang beses mo akong tinawag na bestfriend,hindi parin maalis sa puso ko na gusto kita. Ako na Bestfriend mo.

Bestfriend ka lang Lauren...

BESTFRIEND LANG.

M.O. (FIN.)Where stories live. Discover now