Chapter 16

11.3K 618 1.4K
                                    

030422 #HatemateWP Chapter 16

"Je." Inangatan lang niya ako ng kilay, hindi inaalis ang tingin sa binabasa niya. "Yes or no?"

Kumunot ang noo niya bago ako lingunin. "About?"

"Basta. Yes or no?"

Umiling siya bago ibalik ang tingin sa binabasa sa iPad niya. "No."

Napasimangot ako. Tinitigan ko ang screen ng phone ko na nag-aabang kung Back or Unblock button ba ang iki-click ko. Hindi ako makapagdesisyon kaya tinanong ko si Je nang walang context.

Isang buong minuto ang lumipas na nakatitig lang ako sa Messenger app. Sabi ni Jerica, no, so dapat tinabi ko na 'tong phone ko at nagsimula nang bumuo ng tulog na sobrang baba ng supply sa buhay ko ngayon. Bakit ba ako nagsasayang ng oras sa pagtitig dito? E no na nga di ba? Hindi na ia-unblock.

Napabuntonghininga ako. Sa buhok ko ibinunton ang inis at hinila-hila 'yon. Sinitsitan ko si Je para lingunin niya ako, pero nag-hum lang siya na parang nagtatanong. "No talaga?"

'Yon ang nagpalingon sa kaniya sa 'kin. "No."

Napanguso ako. Naman e.

Pinanliitan ako ng mata ni Je. "Gusto mo bang yes ang isagot ko?"

"Hindi naman," sabi ko kaagad. D-in-ismiss ko na siya ng kamay ko dahil baka may maitanong pa siyang kailangan kong depensahan ang sarili ko nang todo. "Sige na, aral ka na ulit."

"Yes."

"Ha?"

"Yes na nga," ulit niya bago pumihit paharap ulit sa table niya. "Sure akong tatawagin mo ako ulit mamaya para lang yes ang isagot ko."

"Huy, grabe ka naman . . . . Hindi a," tanggi ko. Hindi naman niya 'yon pinansin at sinalpak na ang earphones niya sa taingae kaya nanahimik na ako. Friend privilege 'yung pinapansin niya ako kapg nag-aaral siya e, ayaw ko namang abusuhin.

Pinindot ko na ang Unblock. Kasi . . . sabi ni Je.

Siyempre hindi ko ch-in-at 'yung kaa-unblock ko lang. Suwerte na nga siyang in-unblock ko siya e. Tinaob ko na ang cellphone ko sa table bago pa ako may magawang pagsisisihan ko. Baka may ma-click akong hindi dapat ma-click, o kaya makapag-send pa ng hindi dapat ma-send. Mapa-backread, naku, hindi puwede. Big no.

"Night, Je," sabi ko kay Je kahit baka hindi niya ako naririnig. Nagtalukbong na ako ng kumot at pumihit paharap sa wall para hindi ako ma-tempt panoorin ang phone ko at maghintay ng . . . kung ano.

Nakatitig lang ako sa pader, binibilang ang paint cracks do'n dahil hindi ako makabuo agad ng tulog. Kanina habang nagdi-dinner kami ni Je, nakakaramdam na ako ng antok, pero nawala 'yon na parang bula. Parang lumaklak ako ng kape ngayon adahil nararamdaman ko sa utak ko ang heartbeats kong biglang na-amplify. Di ko alam kung saan ako kinakabahan.

Dapat talaga itinulog ko na lang kanina kaysa nag-cellphone pa ako e. Napa-unblock pa tuloy ako nang wala sa oras.

Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang biglang mag-ping ang cellphone ko. Napalingon pa sa 'kin si Je kahit hindi niya naman yata narinig na tumunog ang phone ko, siguro dahil mabilis akong napabangon. Dinampot ko ang phone ko sa table at bumalik na sa pagkakatalukbong bago pa ako tanungin ni Je kung bakit gulat na gulat ako.

Napasimangot ako nang makitang may message si Deion, pabinyag yata sa pagkaka-unblock niya. At talagang nanunusot siya dahil sabi niya sa chat, Long time no talk.

Hindi ko na lang 'yon ni-reply-an. Makatikim man lang siya ng seen ko. Aba, four years siyang mayaman sa mabibilis kong replies e.

Napairap na lang ako nang sundan niya 'yon ng picture, 'yung kinuha niya sa lab noong nakakuha ako ng ninety-five. Nag-chat siya ulit. Delete ko na sa phone ko.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon