Prologue

18.2K 672 821
                                    

IMPT Author's Note:

Hi! Thanks for checking Hatemate. 

Obviously, Part Two 'to (nakalagay naman sa title, haha). For a better reading experience, I advise you to read Part One first. It's an epistolary with 85 chapters, which you can easily finish in less than an hour, most probably. 

The blurb of this story provides some context about the characters and their backstory, but I personally think that it is better for you to know the characters more before proceeding. Or at the very least, check Part One's blurb. 

Pero if prefer niyong ma-confuse muna 'tapos sa padulong part na maliwanagan (Ah-iyon-pala-iyon moment), then go ahead and proceed with the next chapters. Makukuha ninyo pa rin naman 'yung bits of history ng two main characters here as you read on hehe~ 

This is the first draft of the story. Thanks! 

* * * 

101121 Prologue #HatemateWP

Madalas talaga, hindi ko alam kung tama pa ba ang mga desisyon ko sa buhay. Ewan ko rin kung bakit ko binabasta-basta, pero paano ko naman kasi mapag-iisipan nang ayos kung parang laging may deadline, 'di ba? Parang kapag hindi ako nakapag-decide agad, mapag-iiwanan ako, gano'n. E siyempre sino ba namang gustong mapag-iwanan? Baka merong ganu'n, pero hindi ako.

Kino-compute ko na kung ilang taon pa akong pahihirapan ng school. Kung hindi ako kakapitan ng malas, five years lang siguro. 'Tapos, two years internship at field experience. Mag-e-exam pa. Pero paano kung bumagsak ako?

Gusto ko na lang manalo sa lotto. Pero imposible naman 'yon dahil hindi ako marunong tumaya. Sana umulan na lang ng pera.

"May bayad daw 'yung membership."

Napatingin ako kay Je nang magsalita siya. Three weeks na kaming magkasama sa apartment, kaya hindi na ako nagugulat kapag bigla siyang nagsasalita. Ang tahimik kasi ni Jerica kumilos. Kaya no'ng una, nagugulat ako kapag magsasalita siya bigla.

"Bente yata, pero may nagsasabing 50."

"Okay." I nodded.

Kanina ko pa inaaral 'yong curriculum namin. Parang mali yata ang desisyon ko. Nagsimula 'to nung hindi ko alam kung anong strand ang kukuhanin ko. 'Yan tuloy, puro unsure na ako sa mga ginagawa ko.

"Required ba 'yan?" tanong ko.

Hindi naman ako nagrereklamo sa bente o singkwenta na bayad. Okay lang 'yun. Pero narinig ko kasi na hassle din 'yung pagpapa-member. Dagdag gawain daw. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko na 'yong workload ngayong sem, iisipin ko pa 'yong madadagdag.

Tumango si Je. Sumalampak siya sa kama niya. "Oo raw e. Bukas ng hapon daw agad 'yung orientation."

"Saan?" tanong ko. May mga nabasa akong may libreng food sa gano'n. Sana meron bukas.

"Magbasa ka kaya ng announcements?"

"Ih." Ayoko na ngang mag-Facebook. Naririndi ako kapag puro tungkol sa opening ng class 'yung nababasa ko. "Nandiyan ka naman e. Ikaw na lang. Sabihan mo na lang ako."

Tinawanan lang ako ni Je. 'Buti nga kasama ko siya rito. Ang hirap kaya mag-worry mag-isa. Hindi ko pa kilala kung sino 'yong mga kaklase namin. Surprise na lang yata bukas.

Naunang natulog si Je. Ako, hindi makatulog kasi iniisip ko kung ano ang gagawin bukas. Tiningnan ko 'yong mga binigay na materials ng upperclassmen kahapon. Nahilo lang ulit ako. Araw-araw yata akong mahihilo kasi wala akong naiintindihan. Iniwan ko rin naman 'yon at nagbasa na lang ng mga experiences ng iba sa public forums. 'Yon na ang kinatulugan ko.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Where stories live. Discover now