3

21 5 3
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G

Vien's Pov:

"Number 5, what is the main focus of-----" hindi na natapos ni miss Perez ang kaniyang susunod na sasabihin ng tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang aming klase at kailangan na naming umalis.

"We will resume our quiz on monday. So you can still have a review on weekends. That's all for today, goodbye class." magiliw na saad ni ma'am bago tuluyang kunin ang kaniyang mga gamit at mauna ng lumabas ng aming room.

"Ano ba 'yan si ma'am, akala ko pa naman hindi na matutuloy ang quiz. Kainis!"  napailing na lamang ako sa naging reaksiyon ng isa sa aking mga kaklase. Alam ko na hindi mawawala ang pagrereklamo sa ibang estudyante lalo na kung mas gusto nila ang magliwaliw. Ngunit ginagawa lamang ni ma'am ang trabaho niya, kung babagsak ang kaklase ko, hindi yun kasalanan ni miss Miss Perez. Kasalanan niya mismo iyon dahil hindi siya nag-aaral.  Kung minsan may mga bagay tayo na hindi natin napaghahandaan na nagiging dahilan ng ating pagkatalo, at kapag natalo tayo madalas na isinisisi natin ang mga ito sa iba. Kahit na wala naman talaga silang kasalanan.

Bakit ba kailangan ko pa silang intindihin, kung wala naman akong pakialam sa kanila? Umiling na lamang ako at isinukbit na ang aking bag sa aking likuran at nagsimula nang maglakad palabas ng room. Hindi na ako nagulat ng maramdaman ko ang presensiya ng isang tao. Walang iba kundi ang isa ko pang kaibigan na si Dylan. Napatingin ako sa kaniya at andiyan na naman ang nakakahawang ngiti niya na naging dahilan upang ako ay mapangiti rin. Inayos ko na lamang ang aking buhok ng simulan niya itong guluhin na siyang palagi niyang ginagawa.

"Ano sabay na tayong umuwi? Hatid kita sa building na tinutuluyan mo." nakahahawa talaga ang kaniyang ngiti na naging dailan upang mapangiti muli ako. Sino ba naman ang hindi mahahawa sa ngiti ng lalaking ito? Na kapag ngumingiti siya ay hindi na kita ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang singkit niya.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sa kadahilanang may nag-text dito. Kinuha ko ang telepono ko sa aking bulsa at binuksan ito upang makita kung sino ang nag-text.

Mikay:
Vien punta ka rito sa library, sabay na tayong tatlo umuwi.

Ibig sabihin magkasama silang dalawa ni Mira sa library. Pero ano kayang ginagawa nila roon? Sa aming tatlo ako ang madalas pumunta sa silid-aklatan para magbasa, pumupunta lang ang dalawa roon kapag may assignment sila. Nakapagtataka kung bakit sila naroon. Muntikan ko pang makalimutan si Dylan sa tabi ko kaya ibinalik ko na sa aking bulsa ang aking cellphone at muling humarap sa kaniya ng may ngiti sa aking mga labi.

"Pasensiya Dylan pero nag-text kasi si Mikay na sabay na raw kaming tatlo umuwi. " ngumiti muli si Dylan bago magkamot ng kaniyang batok at magsalita.

"Kung ganon next time na lang siguro. Enjoy lang kayo M3 Girls," napailing na lamang ako sa huli niyang sinabi, M3 Girls ang siyang bansag sa aming tatlo.

Kumaway ako sa kaniya at ganoon din siya. Pagpapahiwatig ng aming pamamaalam sa isat-isa. Sakto naman at nakasalubong niya ang mga team-mate niya sa basketball na tila tinutukso pa siya. Hindi ko lamang alam kung kanino siya tinutukso, marahil sa babaeng laman ng kaniyang puso. Napatingin ako sa paligid, nagbabakasakali na makita ko ang babae na natitipuhan niya, ngunit wala naman akong nakita na babaeng estudyante. Kumaway ang mga kasamahan niya na naging dahilan upang kumaway na rin ako. Nanatili ako sa aking kinatatayuan hanggang sa hindi ko na sila matanawa, na naing dahilan upang maglakad na rin ako patungo sa library,

Fake Words ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin