Part 5

6 0 0
                                    

LXII.

PAGPAPALIWANAG NI PARI DAMASO.

Naguíng waláng cabuluháng mátimbon sa ibabaw ng̃ isáng mesa ang mg̃a mahahalagáng handóg sa pagcacasál; cahi't ang mg̃a brillante na nasa caniláng mg̃a estuche na terciopelong azul, ang mg̃a bordado mang pinyá, ang mg̃a pieza man ng̃ sutlâ ay hindi nacaaakit sa mg̃a paning̃ín ni María Clara. Tinítingnan ng̃ dalaga, na hindi nakikita at hindi binabasa ang pamahayagang nagbabalità ng̃ pagcamatáy ni Ibarra, na nalunod sa dagátan.

Caguinsagunsa'y naramdaman niyáng dumarapo sa ibabaw ng̃ canyáng mg̃a matá ang dalawáng camay, tinátang̃nan siyá at isáng masayáng tínig, ang cay parì Dámaso, ang sa canya'y nagsásalitâ:

—¿Síno acó? ¿síno acó?

Lumucsó si María Clara sa canyáng upuan at pinagmasdán siyáng may malakíng tácot.

—Tang̃aria, ¿natácot ca ba, há? Hindi mo acó hinihintay, ¿anó? Talastasín mong naparito acóng galing sa mg̃a lalawigan upang humaráp sa iyóng casál.

At lumapit na tagláy ang isáng ng̃itì ng̃ ligaya, at inilahad cay María Clara ang camáy at ng̃ hagcán. Lumapit si María Clarang nang̃ang̃atal at ilinapit ng̃ boong paggalang ang camáy na iyón sa canyáng mg̃a labì.

—¿Anó ang nangyayari sa iyo, María?—ang tanóng ng̃ franciscano, na nawalan ng̃ masayáng ng̃itî at napuspós ng̃ balísa;—malamíg ang camáy mo, namumutlâ ca ... ¿may sakit ca ba, bunso co?

At hinila ni parì Dámaso si María Clara sa canyáng candung̃ang tagláy ang isáng pagliyag na hindi nasasapantaha nino mang canyáng macacaya, tinangnán ang dalawáng camáy ng̃ dalaga, at siyá'y tinanóng sa pamamag-itan ng̃ titig.

—Walâ ca na bang catiwalà sa iyóng ináama?—ang itinanóng na ang anyó'y naghíhinananakit mandín;—halá umupô ca rito't saysayin mo sa akin ang mg̃a maliliit na bagay na isinásamà ng̃ iyong loob, gaya ng̃ dating guinagawa mo sa Páhiná 511akin ng̃ panahóng icaw ay musmós pa, pagca nacacaibig cang gumawa ng̃ mg̃a muñecang pagkit. Nalalaman mo ng̃ magpacailan man ay minámahal catá ... cailán ma'y hindi catá kinagalitan....

Nawalâ ang magaspáng at bugál-bugál na tinig ni parì Dámaso at ang humalili ay mairog na anyô ng̃ pananalitâ. Nagpasimula si María Clara ng̃ pag-iyác.

—¿Tumatang̃is ca ba, anác co? ¿bakit ca ba umíiyac? ¿Nakipagcagalit ca ba cay Linares?

Nagtakip ng̃ mg̃a taing̃a si María Clara.

—¡Huwág sana ninyó siyáng bangguitín ... ng̃ayón!—ang sigáw ng̃ dalaga.

Tiningnán siyá ni parì Dámasong puspós ng̃ pagtatacá.

—¿Aayaw ca bang ipagcatiwalà sa akin ang iyong mg̃a lihim? ¿Hindi ba laguing pinagsicapang cong bigyáng catuparan ang bawa't iyong maibigan?

Itining̃ala ng̃ dalaga sa canyá ang mg̃a matáng punô ng̃ mg̃a luhà, sandaling siyá'y tinitigan, at muling tumang̃is ng̃ malakíng capaitan.

—¡Huwág cang tumang̃is ng̃ ganyán, anác co, sa pagcá't nagbíbigay sákit sa akin ang iyong mg̃a luhà! ¡Saysayín mo sa akin ang iyóng mg̃a ipinagpipighatî; makikita mo cung tunay na minamahal ca ng̃ iyóng ináama!

Marahang lumapit sa canyá si María Clara, lumuhód sa canyáng paanán, itining̃alâ sa canyá ang mukháng napapaliguan ng̃ luhà, at saca sinabi sa canyá ng̃ tinig na bahagyâ ng̃ mawatasan:

—¿Iniibig po ba ninyó acó?

—¡Musmós!

—¡Cung gayó'y ... ampunin ninyó ang aking amá at huwág po ninyó acóng ipacasál!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NLMTWhere stories live. Discover now