Part 1

59 1 0
                                    

SA AKING TINUBUANG LUPA[1]

Nátatalà sa "historia"[2] ng̃ mg̃a pagdaralità ng̃ sangcataohan ang isáng "cáncer"[3] na lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitnâ ng̃ mg̃a bágong "civilización"[4], sa hang̃ad co cung minsang caulayawin co ang sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y ng̃ isumag co icáw sa mg̃a ibáng lupaín, sa towî na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may tagláy ng̃ gayón ding cáncer sa pamamayan.

Palibhasa'y nais co ang iyong cagaling̃ang siyáng cagaling̃an co rin namán, at sa aking paghanap ng̃ lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà ng̃ mg̃a tao sa úna sa canilang mg̃a may sakít: caniláng itinátanghal ang mg̃a may sakít na iyan sa mg̃a baitang ng̃ sambahan, at ng̃ bawa't manggaling sa pagtawag sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan.

At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundang̃an ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui ng̃ cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô ng̃ pagmamahál sa sariling dang̃ál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong mg̃a caculang̃án at mg̃a carupucán ng̃ púsò.

Ang Cumatha.

Europa, 1886.

NLMTWhere stories live. Discover now