CHAPTER ONE (The Betrayal)

2.7K 108 11
                                    

Betrayal is the only truth that sticks

-----------------------------

Sydney

Napakunot ang noo ni Sydney ng makita niyang nakaparada sa garahe nila ang kotse ng kanyang nobyo na si Jack. Mahigit isang oras siyang naghintay dito sa modista na tumatahi ng kanyang wedding gown pero hindi man lang ito tumawag na hindi makakarating. Usapan na nilang dalawa na doon magkikita para sa kanyang final fitting at para na rin masamahan siya nito sa pagbabayad ng full payment para naman sa venue ng kanilang kasal. Pero dahil nga sa hindi ito dumating, siya na lang ang mag – isang pumunta sa Wack Wack Golf and Country Club para magbayad.

Habang ipina – park niya ang kanyang sasakyan sa garahe ay mixed emotions siya. Gusto niyang magalit dito dahil sa hindi pagsipot sa usapan nila pero parang lumalambot naman ang kanyang puso dahil pinuntahan siya nito sa bahay. Sa loob anim na buwan nilang pagiging magkasintahan, ay kilalang – kilala na niya ang ugali nito. Mahilig ito sa mga sorpresa. Hindi lang iilang beses siyang nagugulat sa mga ginagawa at binibigay nito sa kanya na sa tuwina naman ay ikinatataba ng puso niya. Mahal na mahal niya si Jack kaya ng mag – propose ito ay hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin iyon kahit pa nga maraming nagsasabi na parang napaka – aga pa para magpakasal silang dalawa. Hindi siya naniniwala sa long engagement. Mula ng makilala niya sa Jack mula sa isang kasalan din ay alam na niyang ito na gusto niyang makasama habang – buhay.

Maingat niyang isinara ang pinto ng kanyang kotse para hindi ito lumikha ng kahit na anong ingay. Ayaw niyang malaman ni Jack na nandito na siya para ito naman ang masorpresa sa bigla niyang pagdating.

Pagpasok pa lang niya ay agad na siyang sinalubong ng kanilang kasama sa bahay na si Nana Lucing.

"Nana, nasaan na ho si Jack? Nakita ko ho ang kotse niya sa labas," tanong niya dito habang hinuhubad ang sapatos.

Nagtaka siya kung bakit parang gulat na gulat ang matanda sa pagdating niya. Napansin din niyang medyo naging mailap ang mga mata nito at halatang medyo nataranta sa tanong niya.

"Ah, eh dumating nga siya kanina. Sinalubong pa nga ng ate Margot mo pero hindi ko na alam kung nasaan na sila. Kanina pa kasi ako nasa kusina," sagot nito sa kanya.

"Hindi ho pumasok sa trabaho si ate Margot?" takang tanong niya.

Umiling lang ito tanda ng pagsagot.

Hindi na lang siya kumibo at nagkibit na lang ng balikat. Paakyat na lang siya sa itaas ng kanilang bahay ng tawagin nito.

"I – iha," narinig niyang mahinang tawag ng matanda.

Nagtatanong ang tingin niya rito.

"Huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko sa iyo, pero sigurado ka na ba kay Jack? Sigurado ka bang hindi ka niya sasaktan?"

Napatawa siya sa naging tanong na iyon ng kanyang yaya.

"Nana Lucing naman. Iyan pa ba ang itatanong ninyo? Hindi 'nyo ba nakita kung gaano ako kamahal ni Jack? Ikakasal na ho kami in three weeks time," natatawang sagot niya rito.

Umiling lang ang matanda.

"Gusto ko lang makasiguro na magiging masaya ka sa kanya," iyon lang ang sagot nito at umalis na rin upang bumalik sa kusina.

Napapailing na napapatawa siya sa narinig na tanong na iyon.

Umakyat siya sa second floor ng kanilang bahay para pumunta sa kanyang silid. Ilang hakbang na lang siya sa kanyang kuwarto ng mapansin niyang bahagyang naka – awang ang silid ng kanyang ate. May lamig din na nanggagaling mula doon kaya sigurado siyang bukas ang aircon. Napa – iling siya. Sigurado siyang naiwan na naman ng kanyang ate ang aircon sa silid nito na madalas nitong ginagawa kaya dire – diretso na siyang pumasok para patayin iyon.

If I was the One (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon