Part 3

294 16 0
                                    

FRIDAY ngayon at naghahanda ako para bisitahin si Gael sa opisina and as usual may dala akong pagkain sa kanya. Actually kanina ko pa hinintay ang text niya kasi sabi niya may meeting sila ngayon with the boards. Siguro tapos na sila ngayon baka busy siya kaya nakalimutan niya.





Mabilis akong nagpara ng taxi at sumakay kasabay noon ang pag tunog ng selpon ko. Humigbit ang hawak ko dito ng bumungad sakin ang isang larawan.




Isang larawang nagpalugmok saking isipan at nag durog saking nararamdaman.




Hindi maari! Masaya pa kami eh— kaya ba hindi siya nagpakita kahapon? Pero ang sabi niya may importante lang siyang pinuntahan. Ganun ba siya ka importante sa kanya.



Mapait akong napatawa saking isipan. Lagi naman eh. Akala ko okay na, Akala ko ako na pero Hindi parin pala. Siya parin, bumalik na ito. Pero bakit? Bumalik para Kunin ulit Siya? Sana Hindi na lang Siya bumalik pa!




"What is this Gael? A-kala ko okay na ta'yo?" Iyon agad ang bungad ko sa kanya nang makapasok ako sa opisina niya. Inilapag ko sa harap niya ang selpon ko na may larawan niya at ng kanyang ex. Akala ko magugulat siya at magpalaliwanag ngunit bagot lang itong umangat ng tingin sakin.




"Ano wala ka bang sasabihin?! Ganyan ka lang ba?!" marahas kong bigkas. Hindi ako makapaniwala parang wala lang sa kanya ang nalaman ko. So, all this time ako lang pala ang umaasa? Na may patutunguhan ito? How great is this.





"Look Elena, pagod ako at marami akong ginagawa, Wala akong oras sa gusto mo," walang gana nitong sabi at bumalik sa kanyang ginagawa.




Parang umakyat lahat Ng dugo ko sa ulo. This jerk! Wala talaga siyang puso. Sana nung una palang tumigil na ako.




"You know what Gael, I Hate You! I Fucking Hate You! Mag-sama kayo sa malanding babaeng iyo—






" Don't fucking call her like that Elena!" Nagulat ako nang putulin ng galit nitong boses ang salita ko. Namumuo ang luha kong tumingin dito. So, now pinagtatanggol Niya ito.





"At bakit Hindi? Diba kaya iniwan ka niya dahil sumama siya sa ibang lalaki diba!" napa-igting ang panga nito sa sinabe ko.




"You don't know anything, So stop it Elena, malinis siyang babae—




"Oh yeah right, malinis siya and I don't know anything! Is that right? Kaya hanggang ngayon siya parin diba? Kahit anong Gawin ko siya parin ang Mahal mo?" Putol ko dito. Mabilis kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. Nakatitig lang ito sakin na may iba't ibang emosyon ang nakaukit sa kanyang mga mata.





"Siya parin diba? Kaya ngayon pinagtatanggol mo Siya," —  it's not that Elena— " You know w-what Gael, Sana nung una pa lang lumayo na ako Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Hindi sana ako maging isang option lang. Accept it pinilit mo lang ang sarili mo sakin dahil wala siya. Sakin ka dahil wala sya! pero ngayong nandito na ulit siya bumabalik ka sa kanya. Ang unfair mo! Ginawa ko lahat pero ang Gago mo!"




"Elena, makinig ka— No, I don't want to hear it anymore dahil alam ko una pa lang." sobrang sakit ng dibdib ko at patuloy na tumutulo ang luha ko. Aabutin niya sana ang kamay ko ngunit lumayo ako. Ayoko na sobrang nakakapagod na. Nakakapagod siyang  mahalin. Ang sakit sakit niyang mahalin.



" I h-hope you'll be happy with her... This is the last time you will see me Gael, I let you go. Pagod na ako. Sobrang sakit mong mahalin," huling salitang binitawan ko bago ako lumabas. Kita ko pa ang pag-angat ng ulo nito tila ba may pinipigilang emosyon ngunit hindi ko na iyon pinansin at luhaang nilisan ang lugar na iyon.


So, this is my faith. I am destined to be hurt and alone.



I hope he will be happy. Ito Ang gusto niya ang makalaya sakin at makabalik sa kanya. Hindi naman talaga siya naging akin.






Ang daya! Ang daya daya ng mundo! Bakit ayaw nilang sumaya ako! Napahagulhol ako sa lahat, doon ko narandaman ang pagsikip Ng dibdib ko at namalayan ko na lang ang unti-unting pagsakop ng kadiliman sakin. Huling narinig ko ang sigaw ng mga tao.


Ghost of You✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon