✨ Ikaapat ✨

506 6 0
                                    


✨✨✨

"Tama na 'yan, Stef!" Hinablot ni Catrice ang boteng hawak ng matalik na kaibigan. Lasing na lasing na ito ngunit ayaw pa rin magpaawat sa paglagok ng alak.


"Bakit mo ba ako pinapakialaman, ha!" Binawi niya ang bote ng alak mula kay Catrice at saka muling itinungga ito. Wala na siyang pakialam kahit matapon na sa damit at katawan niya ang alak na iniinom nito. All she wanted is to get wasted, at makalimutan ang masalimuot na pagsalubong sa kaniya ng sarili niyang pamilya.





"Let's go home!" Tumingin pa sa paligid ang matalik niyang kaibigan dahil alam niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao sa palibot ng bar. Stef is just silently drinking habang nakaupo sa hood ng sasakyan ni Catrice. Sa tapat ng bar naka istambay kung saan doon rin ang bar na paborito nilang puntahan ng dati niyang nobyang si Norien. She wanted to reminisce their happy memories dahil alam niyang hanggang doon nalang ang lahat.





"Siraulo ka ba? Anong let's go home? E wala na akong bahay na uuwian, wala na rin akong pamilyang matatakbuhan!" Natatawa man ay patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya. Naghalo na sa mukha niya ang luha at alak kaya hindi na niya naiintindihan kung anong nalalasahan niya.






Pait ba ng pighati? O alat ng pagkasawi?








"Why do I need to feel this pain?" Paulit ulit niyang sinuntok ang dibdib niya kung saan naka puwesto ang kaniyang puso. She can't explain the pain she's enduring right now. Naiiyak na niyakap na lamang ni Catrice ang kaibigan. Wala siyang magawa dahil naguguluhan rin siya kung sino ba ang kaniyang kakampihan.






"Dahil ba ganito ako? Dahil ba tomboy ako? Dahil ba tomboy lang ako?" Napipiyok niyang sambit.








"Hindi ko ba deserve na tanggapin ako ng mundo? Hindi ba ako kamahal mahal?" At lalo pa siyang umiyak ng malakas na talagang kumuha na ng atensyon sa mga taong naroon. Since then, she was silently fighting on her own battle. Ang gusto lang naman niya ay tanggapin siya ng mapanghusgang mga tao dito sa madayang mundo.







"Tama na, Stef! Wala ka namang kasalanan e. Palagi mong iisipin na may isang taong tanggap ka kung ano at sino ka."





"Shi--no??" Pilit na sinilip ni Stef ang kaibigang si Catrice. Magang maga ang mata nito at tila nawawala na sa sarili dahil sa dami ng alak na nainom niya.






"Ako, syempre!" Proud na sambit ng dalaga ngunit ngumisi lang ang kaibigan at pilit na tumawa.







"Ang plastik mo! Kampi ka naman sa kapatid mo e! Ha-ha-ha!" Itinulak nito si Catrice upang maglayo ang mga katawan nila mula sa pagkakayakap at saka ito tumayo na muntik pa niyang ikatumba.







Muli na namang tumulo ang mga luha niyang wala na yatang balak na tumigil pa.








"Kayo! Kayong lahat!" Itinuro niya ang mga tao sa paligid. "Kailan niyo ba ako matatanggap!" Pinagtitinginan man siya ng mga tao sa paligid ay wala siyang pakialam. Panigurado naman ay walang nakakakilala sa kaniya kaya ayos lang na sa mga ito niya ibuhos ang lahat ng sama ng loob niya.









Seduced By A Lesbian: StefanieWhere stories live. Discover now