✨ Una ✨

1.2K 13 0
                                    


✨✨✨

"Huy sandali lang naman, hintayin natin yung announcement ng winner!" Pag mamakaawa ni Gretta bago lumabas ng cafeteria. Animo'y isang musmos na iiwan ng inang mamamalengke kung mag makaawa sa mga kasama.

"Wala naman tayong mapapala diyan, saka inaantok na ako!" Reklamo naman ng kaibigan at katrabaho nitong si Rona.

Kakagaling lang nila mula sa night shift nilang duty bilang isang call center nang mag aya si Gretta sa cafeteria para nga matunghayan ang announcement ng winner sa isang raffle na sinalihan niya.


A one week trip to Anawangin Cove.
Good for one person.



"Oo nga, Grets. Uwi na tayo. Hindi naman kami sumali diyan e!" Malakas na hikab ang sumunod na tugon ni Maris.

Maris was a call center agent. Dalawang taon na siya sa kumpanyang pinapasukan nila. Bukod sa malaking sahod na offer sa kaniya, ay
sa propesyon na ito siya nagtagal at naging masaya. Masaya siyang unti unting natutulungan ang kaniyang pamilya, kahit pa mukha iyong mga pera.


Dito na rin niya nakilala si Rona at Gretta na kasa kasama niya mag mula noong nag ttraining pa lamang sila.




"Wait lang kasi!" Singhal nito. Naikwento na dati ni Gretta na pangarap niyang makapunta sa Anawangin noon pa man. Madalas kasi niyang ipakita sa mga kaibigan ang litrato mula sa isla na iyon at talagang manghang mangha siya.





Kaya naman mula nang malaman niya ang tungkol sa raffle ay hindi na siya nag atubiling salihan ito.




Sa dami ng ahente sa kumpanyang iyon, ay umaasa pa rin siya na mabubunot ang pangalan niya.





Ika nga nila, it's a one time experience. Hindi naman siguro masamang umasa.






"And the winner for a trip in Anawangin Cove is . . . ." Hawak ni Gretta sa magkabilang kamay niya si Rona at Maris. Aakalain na kalahok sila sa isang beauty pageant at hinihintay na i-announce ang kokoronohan.




Muling inalog ng announcer ang kahon na hawak niya at saka ipinasok ang kamay sa butas nito.





"Ms. . . " Pag putol nito nang buksan niya ang maliit na papel na naglalaman ng pangalan ng nanalo.





"Huy babae!!! Ako na yan, ako na yan!" Napangiwi ang dalawang kaibigan nito nang magtatalon si Gretta sa excitement.




"Ikaw na ba ito?" Turo sa kanya ng announcer habang tuwang tuwa pa sa ikinikilos ni Gretta. Mas lalo tuloy naexcite ang dalaga nang mapansin siya. Tumango lang ito bilang sagot.






"Ms. Maris Joy Delgado!!!!" Ang kaninang nagtatatalon na si Gretta ay natigilan nang marinig ang pangalan na iyon.





"Ha?" Takang taka ang reaksyon nitong nilingon ang katabi niya. Tama nga ba ang narinig niya?





"Teka! Hindi naman ako sumali sa raffle na 'yan." Mahina sambit ni Maris. Maging siya man ay nagtataka din kung bakit tinawag ang pangalan niya.






Ngumiti ng nakakaloko si Gretta.




"Sorry frenny, actually sinali ko kayong dalawa. Hehe." Kinamot nito ang noo kahit na wala namang makati sa parteng iyon.




"Para kung sino mang mabunot sa inyong dalawa,  alam ko namang ibibigay niyo sa akin ang chance na makapunta sa Anawangin." Para itong baliw na tuwang tuwa pa dahil nanalo ang kaibigan.





Seduced By A Lesbian: StefanieWhere stories live. Discover now