Gem №.1: Phantasm Began

59 0 0
                                    

Malalim man ang buntong-hininga ni Mito, siniguro niyang hindi ito maririnig ng dalagang kanina pa niya kausap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malalim man ang buntong-hininga ni Mito, siniguro niyang hindi ito maririnig ng dalagang kanina pa niya kausap. Kahit pa nga, halata na hindi nakatuon sa kanya ang atensyon nito.

Gayunpaman, mas nagpursige pa siyang ituon ang paningin sa kabuuan ng nakaupong si Kaitchi. Nagtatahi ito ng costume na gagamitin para sa play sa upcoming school event.

Hindi mapigilan ni Mito na hindi mapangiti. Para sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito, kahit katiting.

Si Kaitchi ay may light brown na mahabang buhok na malaya niyang nahahawakan kahit kailan man niya gustuhin. Namamangha siya na kahit, hindi ito binibigyang pansin ng husto ng dalaga para alagaan, nanatili pa rin ang ganda ng buhok nito. She also has this white skin na kahit hindi rin alagaan ay nanatiling pantay at walang peklat.

Mito thought how this was possible? Gayong ilang beses niya na itong nakitang madapa. Knowing Kaitchi, may pagka-clumsy ito, simula't sapul na magkakilala silang dalawa noong sila'y bata pa.

Mito still continuously staring at her. Lalo na sa maamo nitong mukha na may kakaibang aura ng saya.

And she was still busy sewing costume. Ang time ng pananahi niya sa loob ng classroom ay may approval galing mismo sa school office. The school management offered them an official yet limited schedule for a preparation sa gaganaping celebration.

Iyon ang dahilan kung bakit lahat ng mga estudyante tila busy-bee sa paggawa ng mga kailangan sa event at pag-design sa paligid ng campus. Not an everyday scenarios for the normal schooldays.

Pananahi ng damit or Costume ang iniatas na project kay Kaitchi. Because for the obvious reason, that she is good at sewing. People knew about it, no secret. Namana niya ito sa pumanaw niyang lola.

Ever since when she was a kid. Ang natural na pagkabilog ng mga mata niya'y lalong namimilog at nagkukuminang sa paghanga sa tuwing masasaksihan ang mga obra na tinatahi ng kaniyang lola.

Sa puso't isip niya, wala pa siya sa kalingkingan ng kahusayan ng kanyang minamahal na lola. Her grandma was the greatest. Hindi siya maipapantay dito. Kahit pa nga ang iba pang bagay na ginagamitan ng kamay, mas mahusay pa rin nitong magagawa, higit sa kaya niyang gawin.

At kung sana lang nabubuhay pa ito. Pipiliin niyang magpatulong sa pananahi ng mga costumeーbetter yet, ito na lang ang tumahi sa lahat. 'Cause she knows, her grandma's creation will always be perfect.

"Kung nandito lang sana siya 'no Mito?"

"A-ano 'yon?!" He was caught off-guard. Although, siya lang rin ang nakahalata nu'n, dahil mabilis ring ibinaling ng dalagang kasalukuyang nagtatahi ang mga paningin sa bintana.

Nakatanaw sa malayo.

"Ano ulit 'yon?" Hindi niya makuha ang gusto nitong sabihin.

"Aーouch!!" Bumilis ang tibok ng puso ni Mito dahil sa pakagulat kay Kaitchi. Hindi kasi iyon ang paliwanag na inaasahan niyang marinig mula rito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Emerald: A Precious Stone PlanetWhere stories live. Discover now