Prologue

33 0 0
                                    

Sinasabing lihim na darating ang masamang emperor na siyang unti-unting mamumuno sa buong Emerald.

Sa mahiwagang aklat nasasaad na wawakasan ang buong katahimikan sa magkabilang panig sa  pamamagitan ng isang malawakang digmaan.

Upang magapi ang kasamaan, kinakailangan ng higit na kapangyarihan.

May paniniwala na ang mga nagkalat na piraso ng hiyas ay may taglay na natatanging kapangyarihang kailangan sa nalalapit na digmaan. Nabuo ang ideyang ito sa isip ng mga nakatira sa Emerald, dahil ayon sa kasaysayan ng mahiwagang aklat, mapapadpad ang natatanging babae na nagmula sa "mundo ng mga walang kapangyarihan", na nakatakdang maglakbay kasama ng dakilang mandirigmang nakalaang lumaban sa panig ng kasamaan.

Ngunit higit na panahon, lakas at tatag ng isip ang dapat upang matagumpay na matipon ang mga hiyas.

Sapagkat may nakalaang pagsubok na likha ng bawat piraso nito.

Ang nakatalagang paglalakbay at pakikipagsapalaran ay may nakaantabay na pagdurusa, kapahamakan at kamatayan. Sapagkat nababalot ng masakit at madilim na katotohanan ang lihim ng kanilang mga pagkatao.

・・・

Stay tuned!
Up next: Epigraph

Stay tuned!Up next: Epigraph

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Emerald: A Precious Stone PlanetWhere stories live. Discover now