Hiling ( One Shot )

241 5 5
                                    

Wooohooo!!

Unang up-load ko po ito ng story ko. Pasensiya na One Shot lang.

Sana magustohan niyo. Vote, Like, Comment. :))

Thanks. Godbless. <3

BOYS- True love is like a man playing Chess. Always afraid of losing his Queen.

GIRLS- No matter how difficult the game is, the Queen always have the deadliest moves. The sad part is she would sacrifice even herself, just to let the King live.

'Ayy talo ka ulet!!' 

Sigaw ni Joey sabay batok sakin.

'Aray! Kelangan talaga me pagbatok? Ako na nga tong natalo ako pang nasaktan.'

'Parusa ko yan! Di mo kasi inayos yung laro mo, yan tuloy nakain ko ung Queen mo.'

'Okay lang, pinapanalo talaga kita kasi mahal kita.'

Nakita kong namula siya. Oo you heard it right. Mahal ko ang babaeng 'to. For three years na. After this year were planning to get married ang having a lot of babies!! Wish ko lang kayanin ko. Haha! :))

'Loko'

Sabay batok ulit sa akin ni Joey.

'kinikilig ka lang. I Love You'

'Ewan. I Love You Too.'

Sabay bato sa akin ng mga poons na ginagamit sa pag-lalaro ng Chess.

'A-arayyy!'

Nasalag ko ang ilan sa mga iyon. Hinawakan ko sya sa mag-kabilang kamayat saka inihiga sa sahig.

'O-oy. Anong gagawin mo? Wag mong itutuloy kung anu man ang binabalak mo kung ayaw mong mawalan ng Jr.'

Tumawa lang ako. Mahal ko talaga ang babaeng 'to. Mahal na mahal.

'Joey, wag ka sanang mag-sawang mahalin ang Lester Soriano na nasa harapan mo ngayon. Wag mo sanang hayaang mawala ang taong 'to dahil mahal na mahal ka niya sa kahit na anu mang mayroon siya. Ikaw ang buhay niya. huwag mo sana siyang pag-sasawaang unawain.'

Naiiyak na ako. May lihim kasi ako na hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Joey. Isang lihim na hindi maaaring mabunyag.

'Kung ano man ang bagay na hindi mo alam, o kung alam mo man o malalaman palang, wag mo sanang pag-sawaan siyang mahalin. Ikaw lang ang babaeng pinakamamahal niya. Buong buhay niya, ibibigay niya sayo ---'

Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko kay Joey. Tumulo na kasi ang mga luha ko at pumatak iyon sa mukha niya.

'Bakit ka ba umiiyak?'

Nagtataka niyang tanong. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo. Natatakot akong mawala siya sa akin.

'Bakit mo ba sinasabi yan ha? Hindi ka naman aalis, hindi naman ako aalis. Wala namang mangyayaring masama ah. Wag kang matakot. Kung ano man yung mga bagay na hindi ko alam, alam at aalamin palang tungkol sayo wala akong pakialam. Mahal kita sa kung ano at sino ka. Ang ayoko lang na gagawin mo ay ang mambabae kundi, tapos ang lahi mo.'

Sabay ngumiti sya. 

Sana nga, sana nga hindi siya magalit, ayokong mawala siya sa akin kapag nalaman niya ang sikreto ng pamilya ko.

Nang gabing yon hinatid ko na si joey sa bahay nila. Wala don ang dad niya, nag-out of town. Tanging isang babaeng katulong lang ang kasama niya sa bahay.

Pag-pasok ko sa sala nakita ko ang daddy ko, may kausap sa telepono. Masama ang kutob ko. Siryoso ang pinag-uusapan nila. Tungkol sa bago nilang target.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hiling ( One Shot )Where stories live. Discover now