4

2.1K 64 4
                                    

"Anne?"

"Anne?"

"Anak?" I was brought back to reality nang marinig ko ang makailang beses na pagkatok ni Mom.

Kanina pa pala ako nakaupo sa sahig. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko, diko alam umiiyak na pala ko. Siguro kasi nandito lang siya sa bahay kaya ganito ako ngayon.

Naalala ko tuloy yung nangyari nung debut ko. It was supposed to be the best night for me, but it turns out to be a nightmare dahil nung gabing yon, nakita ko ang tunay na kulay ni Sandro.

Ang Sandro na hindi pa nakikilala ng lahat. At parang suntok sa mukha ang pakiramdam ko ngayon knowing na nakaapak siya sa pamamahay ko.

Agad kong pinunasan ang mukha ko saka tumingin sa salamin. My eyes are now swollen and it irritates me.

I can't believe that after all this time, iniiyakan ko pa rin siya.

"Anak? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mom as soon as I opened the door, at kahit pa gustong gusto kong sabihing hindi, pinilit ko pa ring ngumiti at tumango.

Of all people siya ang ayoko sabihan ng feelings ko about kay Sandro dahil kilala ko siya. Alam kong deep inside gusto niya pa ring matuloy ang kasal namin. Syempre gusto niyang maging maayos ang kinabukasan ko but I don't think marrying him is the answer.

Tsaka isa pa, maayos naman ang buhay ko kahit hindi pa kami ikasal, ayaw lang talaga ni Mom na magmahal ako ng iba lalo pag hindi pasok sa standards niya.

Pero kahit na nay ganong ugali si Mom, naiintindihan ko pa rin siya. Sino nga ba namang magulang ang gugustuhing masira ang buhay ng anak nila diba?

Kaya lang may mga times kasi na minsan wala talaga siya sa lugar.

"Yes Mom, I'm okay" nakangiti kong sabi saka agad na umiwas muna sa kanya, pumwesto ako sa terrace at doon nakita ko si Matthew na nasa labas na. Nakatayo ito sa labas ng kotse niya at mukhang hinihintay si Sandro.

I stood there looking at him then maya maya pa lumabas na si Sandro kasama si Agatha, naka akbay pa si Sandro sa kanya at mukhang close na close na.

How I wish na ganyan kami ni Agatha ngayon.

Nakita kong niyakap ni Sandro si Agatha tapos humalik pa sa noo nito and I'm pretty sure na may sinabi siya sa kapatid ko, tumango tango kasi si Agatha after non.

Sandro was back facing me and even though I'm not seeing his face, pakiramdam ko bumalik pa din ako sa pagkabata. Yes malaki ang galit ko sa kanya but I wouldn't deny the fact na nandito pa rin siya sa puso ko.

It sucks but I can't do anything about it.

Sinubukan kong kalimutan siya by having a relationship with other people pero wala. Siya pa rin talaga at hindi ko alam kung bakit.

Damn you Sandro!

Damn you!

Hindi pa muna umalis si Agatha sa labas, hinintay niya munang pumasok ang dalawa sa kotse, si Matthew ang driver habang sa front seat naman si Sandro.

Akala ko aalis na sila pero nagulat ako nang dumungaw si Sandro sa bintana. Kakaway sana siya kay Agatha pero umangat ang tingin niya sakin.

And in that moment, I was stunned.

Our eyes locked and I can't look away. He was smiling but when he saw me, his smile fades.

Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya. I didn't break the stare, I want to prove him that he doesn't affect me anymore but I was shocked when he did something unexpected.

The Runaway Groom (under editing)Where stories live. Discover now