Park

241 11 1
                                    

PARK

"Mama bilis ibili mo ko nung lobo" sabi ni Ian habang hatak hatak ang kamay ng ina nito

"Sandali Iang dahan dahan at baka madapa ako"

"Baka makalayo na yung nagtitinda ng lobo"

"Hay naku namang bata ka"

Habang hatak hatak niya ang kanyang ina napansin niya ang isang bata na nakangiti sa kanya. Hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil sa lobo na nais nilang maabutan.

Walang pasok sa opisina ang kanyang ina kaya't inaya niya ito sa park na malapit lang sa kanila. Madalas siyang tumambay sa park, lalo't palaging wala ang mommy niya.

Wala siyang ama. Nung ipinagbubuntis pa lang siya ng kanyang ina ay namatay sa car accident ang ito.

Nakarating kami sa nagbebenta ng lobo at agad siyang nagpabili sa mama niya. Tuwang tuwa siya ng makuha na niya ang kulay pulang lobo.

Napansin na naman niya ang batang nakangiti sa kanya. Nginitian niya ang bata dahil mukha namang mabait ito.

"Ian may ice cream sa banda doon gusto mo ba?" sabi ng mama niya. Hindi na niya ulit pinansin ang bata at tuwang tuwang sumama sa mama niya para bumili ng ice cream.

***

Kinabukasan may pasok na ang mama niya kaya't siya na lang magisa kasama na naman niya ang mga katulong.

"Ian hindi ka ba papasok? Malalate ka na hindi ka pa gumagayak. Gumayak ka na at nakahanda na ang pagkain" sabi ng yaya niya na nakapasok na pala sa kwarto ng di niya namamalayan

"Opo. Gagagayak na!"

***

"Okay class see you tomorrow"

Agad agad siyang lumabas para agad makasakay sa school bus. Pero sabi ni Manong driver may nasirang makina kaya baka matagalan lang daw ng konti bago sila makaalis.

Pero di na niya inantay ang school bus nila naglakad na lang siya pauwi sa kanila tutal naman medyo malapit lang naman siya.

Di siya mapakali habang naglalakad siya para kasing may sumusunod  sa kanya. Pero pag titingin naman siya sa paligid wala naman siyang nakikitang ibang tao.

Nagtatakbo siya hanggang sa marating niya ang park. Nahikayat na naman siya ng tambayan niya kaya tumambay muna siya bago siya umuwi.

"Hi"

Nagulat siya ng bigla na lang sumulpot yung bata na nakita niya kahapon.

"Ako nga pala si Louie!" pakilala nito

"Ako nga pala si Ian" sabay ngiti niya dito

"Palagi kita nakikita dito"

"Ha? Palagi ka din ba dito? Ba't hindi kita nakikita?"

"E kasi baka matakot ka kapag nakita mo ko kaya nagtatago ako hehe!"

"Ba't naman ako matatakot sayo, hindi ka naman nakakatakot"

"Oo nga no?" sabay tawa nito

Natawa na din siya. Kahit unang beses pa lang niya itong nakikilala magaan na ang pakiramdam niya dito.

Araw araw bago siya umuwi galing sa eskwelahan ay dumadaan muna siya sa park at doon ay araw araw silang nagkikita at nagkukwentuhan.

Isang araw pagdaan niya sa park ay hindi dumating si Louie. Lungkot na lungkot siyang umuwi ng bahay nila. Parang di kumpleto ang araw niya pag hindi niya ito nakikita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lesliechut's Horror StoryWhere stories live. Discover now