Ligaw na Daan

685 11 2
                                    

 LIGAW NA DAAN 

"Ano na Mang Lito? Asan na tayo?" asar na sabi ni Julius

"Ano ka ba Julius? Hindi nga matandaan ni Mang Lito yung daan eh!" sabi ni Lyn

"Pasensiya na kayo sa pagkakatanda ko talaga walang daan dito eh" sabi ni Mang Lito ng itinuturo ang daan pakanan

"Ano yan ligaw na daan? Mang Lito naman kanina pa tayo paikot ikot eh!" sabi ni Julius at inis nagkamot ng ulo

"Mang Lito wag niyo na lang pansinin si Julius mainitin talaga ulo niyan eh!" sabi ni Maita

"Pasensiya na kayo mga bata ang tagal ko na ding hindi nakapunta ulit dito eh"

Pinili na lamang ni Mang Lito ang daan pakanan. Bahala na kung saang direksiyon sila mapunta, pwede namang bumalik kung mali.

Hindi nila napansin ang isang ekis na marka sa isang puno. Isang babala na natatakpan na ng malalagong mga halaman.

May katagalan na ding nagmamaneho si Mang Lito at pinagpapawisan na siya. Hindi na niya alam kung anong daan na ang tinatahak nila. Hindi na rin niya matandaan ang pabalik.

"Mang Lito wag kayo manahimik diyan alam kong naliligaw na tayo! Pabalik balik lang tayo!" si Julius na naguumpisa na namang mairita

"Oo nga Mang Lito kanina ko pa nakikita tong puno na to" sabi ni Jenny na hindi na nakatiis sa napapansin

Inihinto naman ni Mang Lito ang sasakyan at tumingin sa itinuro ni Jenny. Kanina pa nga niya napapansin ang punong ito. Akala niya pare parehas lang ang mga puno dito.

"Okay lang yan Mang Lito lagi kasi kayo kumakanan try niyo kumaliwa" si Rafael na sumabat na din sa usapan

 Sinunod naman ni Mang Lito ang daan pakaliwa. Pero di din nagtagal bumalik lang din ulit sila sa puno kung saan sila huminto kanina.

"Oh my God hindi na nakakatuwa ang nangyayari" sabi ni Jenny

"Mang Lito ano pong gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Lyn

"Mang Lito tawagan natin yung may ari ng resort baka sakaling alam niya tong lugar na napuntahan natin" si Rafael na kinuha ang cell phone sa bag nito

"Pasensiya na kayo kung naligaw tayo" sabi ni Mang Lito sabay abot ng cell phone nito kay Rafael

"Ano pong pangalan Mang Lito?"

"Si Sir Kevin"

Bumaba ng sasakyan si Rafael dahil walang signal ang phone niya. Itinaas taas pa niya ang cell phone niya pero wala siyang makuhang signal.

"Guys kayo ba may mga signal ba mga phone niyo?" tanong ni Rafael sa mga kasama

Agad na tiningnan ng  iba pa nilang mga kasama ang mga cellphone nila. Ngunit maging ang mga ito ay wala ring signal.

Ang lahat ay nagkagulo at nagsisihan na. Si Rafael naman ay naglakad lakad para kumuha ng signal. Kailangan nilang makaalis dito. Malapit na magtakip silim

Habang lakad siya ng lakad ay hindi niya namalayan na nakalayo na pala siya sa grupo.  Bigla na lamang may humaltak sa kanya mula sa itaas ng puno.

Wala namang kaalam alam ang mga nagtatalo talo sa loob ng sasakyan na nawawala na si Rafel. Hanggang sa hanapin ito ni Lyn.

"Saan nagpunta si Rafael?" sabi ni Lyn

Walang nagsasalita sa mga ito dahil sa mainit na pagtatalo kani kanina lang. Kaya bumaba si Lyn para hanapin si Rafael.

"Rafael?" tawag ni Lyn

Umikot siya sa sasakyan pero wala siyang Rafael na nakita. Pagtingin niya sa di kalayuaan ay parang may nahagip ang mata niya na tao.

Lesliechut's Horror StoryWhere stories live. Discover now