Chapter 17: Tama Na

28 3 2
                                    

CHAPTER 17
Tama Na

"Maayos na ang lagay niya. Kailangan niya lang ng pahinga para mabawi ang lakas niya," bilin ng school doctor kay Jianne.

Nang makaalis ang doktor, agad humarap si Jianne kay Clifford na nakaupo na sa kama sa clinic. Nakayuko lang ito sa hawak na bulaklak. Literal na nawalan talaga ito ng lakas. Mabuti na lang, may mga tumulong sa kaniya para madala sa clinic ang lalaki.

"Ano ba talagang gusto mo? Guilt tripping ba talaga 'tong ginagawa mo?" Hinawi niya ang buhok pataas at umiwas ng tingin. "Clifford, tapos mo na akong paglaruan kaya kung puwede, layuan mo na ako."

"Ayoko," mababa ang boses na tugon ni Clifford sa kaniya.

"What did you do? Bakit bigla ka na lang nahimatay. Nagpapakamatay ka ba?"

Natawa siya nang mapakla. Kahit magsalita pa siya ng masasakit na mga salita, hindi niya pa rin maiwasang mag-alala. Hindi naman guilt ang naramdaman niya. Pagmamahal para sa binata at awa para sa sarili niya ang umusbong sa kaniyang dibdib.

"Hindi na mahalaga iyon."

Napairap si Jianne. "You're lying again. I should leave."

"Pagod lang 'to."

Dinuro niya si Clifford. "To the point that you lost your consciousness? Sige, magsinungaling ka pa! Dagdagan mo pa. Mas lalo lang kitang kinamuhian."

Aalis na sana siya pero biglang nagsalita si Clifford. "Hindi ako nagsisinungaling. Pagod ako. Pagod ako sa dami ng trabaho ko. Halos lahat patusin ko para makaipon ng pera pangbayad kay Abe. Pagod ako... sa nangyari sa atin. Pagod akong sulyapan ka na lang sa malayo dahil ang tanga ko. Pagod akong isiping mawawala ang... pagmamahal mo."

Parang sinakal ang puso ni Jianne. Paano kaya niya nagawa iyon? Paano niya nagawang maramdaman nang sabay ang galit at pagmamahal?

"You're exhausted, Clifford. Stop this nonsense thing."

Tumiim ang bagang ng binata. "Paano ako titigil? Nandito na 'to. Nararamdaman ko na 'to. Turuan mo nga ako. Bakit ang dali mong sabihing itigil 'to? Mahal mo ako. Alam ko, Jianne Ciara. Hanggang ramdam kong mahal mo pa rin ako, lalaban ako."

"You're crazy," gigil na gigil na sabi niya kay Clifford.

"Sorry. Mahal kita, e." Bigla na lang ngumisi ang binatang parang walang nakagugulat sa mga salita nito.

Hindi na niya matagalan ang tensiyon. Agad siyang lumabas ng clinic. Nang makalayo, nasapo agad niya ang dibdib. Nanghina ang mga tuhod niya dahil lang sa mga salitang iyon. Huminga si Jianne nang malalim.

I need to stop this feelings!

******

Malaki ang campus kung saan nag-aaral si Jianne subalit parang ang sikip sa kaniya ng paligid. Walang araw na hindi niya nakita si Clifford. Pinanindigan talaga nito ang sinabing liligawan siya pero pinanindigan niya rin na ayaw niya na ito sa buhay niya.

Katulad na lang ng mga oras na iyon, nasa library siya at nag-research para sa isang output pero dahil sa kakapalan ng mukha ni Clifford, talagang tumabi pa sa kaniya. Hindi naman siya inistorbo ng binata. Nag-aral din itong parang wala lang subalit sapat na ang presensiya nito para maging balisa siya.

Ilang sandali pa, nag-vibrate ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Nag-text lang pala sa kaniya si Abe. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Pumunta kasi ang binata kasama ang football team sa Cagayan para sa intense training.

I want to go home, Jiji.

Tumaas ang mga kilay niya at nag-type ng reply. Bear with your situation right now. You want that, right?

Muli niyang ibinalik ang paningin sa binabasa. Akala niya, nag-aaral pa si Clifford sa kaniyang tabi pero ramdam na ramdam niya sa gilid ng mga mata niya ang mariing titig ng binata sa kaniya.

Muling nag-text si Abe. Can I call?

Mabilis siyang nag-type ng reply. No. I'm in the library.

"Sinong... ka-text mo?" mahinang tanong sa kaniya ni Clifford.

Umawang ang bibig niya dahil sa gulat. "Why did you ask me? It's none of your business."

Iritado itong nagpakawala ng hininga at umiwas ng tingin. "Nag-aaral ka. Mag-focus ka lang sa pag-aaral mo. Hindi iyong... kung sino-sino ang ka-text mo."

Hinawi ni Jianne pataas ang buhok. May hinala na siya sa mga pasaring ni Clifford sa kaniya. Alam niya ang tonong iyon. Hindi naman talaga ito concern sa inaaral niya ng mga oras na iyon. Mas concern ang binata sa selos na lumamon dito.

"Are you jealous?" tanong niya sa binata. "May I remind you that you are not my boyfriend? Wala kang karapatang gamitan ako ng tonong ganyan."

Mapaklang tumawa si Clifford. "Alam kong wala pero hindi ibig sabihing hindi ko puwedeng maramdaman. Hindi naman ako manhid, Jianne Ciara."

Napairap siya. Hindi na siya makapag-concentrate. Masyado siyang ginulo ng mga sinabi sa kaniya ni Clifford.

Ilang sandali pa, nag-text muli sa kaniya si Abe. Txt me something sweet. Our coaches are boiling waters. I need sweet message from you to balance things out.

Natawa si Jianne sa mensahe ng binata. Ang dali talagang maubos ng pasensiya nito. Hindi niya alam kung paano ba ito naging most valuable player sa mood swings nito.

Nag-type siya ng mensahe. Sweet...

Hinawakan ni Clifford ang braso niya. "Jianne Ciara..."

Agad niya iyong iniiwas at bakas ang iritasiyon sa mukha niya. "What?"

"Huwag mo naman akong pahirapan."

Napairap siya. "Tumigil ka para hindi ka mahirapan."

Nasa cellphone pa rin ang paningin niya. Nag-text muli si Abe. F*ck that literal thinking.

Napahawak si Jianne sa bibig nang hindi niya napigilang tumawa nang malakas. Hindi naman talaga siya sa message ni Abe natatawa. Ang sarap lang sa pakiramdam na inisin ang katabi niya. Alam niyang para na itong bombang sasabog.

Nag-type siya ng mensahe. I miss you.

Napahalakhak na si Jianne nang mabilis na mag-reply si Abe. I really wanna go home now. I miss you too. XOXO

Ganoon talaga ang kaibigan niya. Kapag galit, sobrang galit talaga na parang tatagal pa ng ilang taon. Kapag masaya, labis kung manglibre. Kapag malungkot, grabe kung magpalambing. Mahirap pakisamahan si Abe pero marami itong katangiang kanais-nais na puwede para sa isang kaibigan. Kaya minsan, duda talaga siya kung matutuloy pa ang engagement nila dahil para lang silang magkapatid kung magturingan.

"Napaka-clingy talaga," mahinang usal niya sa sarili.

Nasapo ni Jianne ang dibdib nang biglang bumagsak sa lamesa ang isang mabigat na libro. Pati mga nandoon, napatingin sa direksiyon nila ni Clifford. Pinagalitan ng librarian ang binata at nag-sorry lang ito.

Mariing tumingin sa kaniya si Clifford at umigting ang panga. "Jianne, paano ako titigil? Alam kong mas mahirap kapag tumigil ako. Nananadya ka ba? Pinagseselos mo ba ako?"

"Hindi—"

Pumikit si Clifford at mabilis ang paghinga. "Tang*na. Gumagana, Jianne. Nagseselos ako at ang sakit-sakit sa dibdib ng ginagawa mo."

Hindi siya puwedeng magpadala sa mga salita nito. Hindi siya dapat magpadala sa mukha nitong bakas ang sakit. Magaling lang umarte si Clifford at hindi na siya puwedeng mahulog sa mga patibong nito.

Marahang umiling si Jianne. "Clifford, tama na. 'Di na kita mahal kaya utang na loob tumigil ka na."

Choosy Breaky Achy HeartsWhere stories live. Discover now