Chapter 1: Pervert

131 9 4
                                    

CHAPTER 1
Pervert

"What's up, fiancée?"

Umiwas agad si Jianne nang muntik na siyang akbayan ng fiancé niyang si Abe. Pinagtawanan ng mga kaibigan nito ang lalaki. Hindi niya pinansin iyon at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway. Baka ma-late pa siya sa sunod niyang subject kapag hindi siya naging matulin. Second year college student na siya sa kursong Business Administration Major in Marketing at ayaw niyang magkaroon ng grades na may ibababa pa sa dos.

Hindi gusto ni Jianne si Abe pero ayaw niya namang tumanggi. Siya ang tipo ng anak na sunod nang sunod lang. Ayaw niyang sumuway sa mga magulang. Kaya nang ipangako sila sa isa't-isa, hindi na siya umapela. Para rin naman iyon sa kapakanan ng kompanyang mamanahin niya.

Ayaw talaga ni Jianne sa ideyang magpapakasal sila ni Abe kapag tumungtong na siya sa edad na twenty-five pero iyon ang gusto ng mga magulang niya kaya wala siyang magawa. Simula nang malaman iyon ng binata, palagi na lang siyang inasar. Lagi nitong sinabing kaya hindi siya tumutol, dahil gusto niya rin ang nangyari. Sa katunayan pa nga, si Abe pa ang nagpakalat sa buong campus na fianceé siya nito. Maraming tumawa dahil bakit daw sa isa pang nerd na katulad niya napunta ang isang Abe Chen.

Kailan ba natanggal sa mga tao ang misconceptions tungkol sa nerd? Nakasalamin lang, nerd na? Hindi ba puwedeng seryoso lang? Hindi ba puwedeng masipag lang talaga siyang mag-aral kaya malabo ang mga mata niya?

Maganda si Jianne. Alam niya iyon sa sarili niya. Singkit ang mga mata niya dahil sa dugo niyang chinese na namana niya sa kaniyang yumaong ama. May katangusan ang maliit niyang ilong at maliit ang mukha niyang hugis bigas. Manipis din ang mga labi niya. Hindi naman siya mataba pero sadyang malobo ang pisngi niya. Ayaw niya iyon pero sabi ng mommy niya, iyon daw ang pinakamaganda sa kaniya.

May ilalaban si Jianne sa ibang babae. Iyon nga lang, kinulang siya sa height. Mukha siyang high school student kahit twenty years old na siya. Kapag nakapantalon siya, pandak pa rin and pakiramdam niya sa sarili niya.

"Jianne!" Lumingon siya mula sa likod at nakita niya ang kaibigan niyang fashionista.

"Do not shout, Sandra. My gosh! You shouted my name!" reklamo ni Jianne.

Hinawi nito ang bangs habang maarte ang pagkahawak sa milk tea. "Duh? Even I don't shout your name, they still know you."

Hinawi niya ang maikling buhok at napailing. "Arte mo..."

Napatakip sa bibig si Sandra. "Look who's talking. You're the one who's maarte. Ikaw ang may collection ng designer bags, shoes and clothes."

"I am not the one who bought it. Si Mommy lang ang mapilit."

Umirap sa ere ang dalaga at nakipag-beso sa kaniya. "Whatever! I have to go in my class. Bye, Jianne."

Tumango siya. "You're crazy. A tourism student like you should be at the tourism department."

Bahagya siyang natawa nang umismid ito at parang modelong naglakad paalis. Simula bata pa, kaibigan niya na si Sandra. Magkaiba sila ng hilig pero nagkasundo pa rin sila. Gusto niya lagi ang mag-aral pero mas gusto nito ang gumala at magliwaliw.

Pagpasok niya sa classroom, nadatnan niyang paalis ang iba niyang mga kaklase. Lumapit siya sa isang babae. Niligpit na nito ang mga gamit nito.

"Why are you guys leaving this room? Where's the prof?"

"Wala raw klase. Biglang nagka-emergency ang prof natin," tugon nito sa kaniya.

"Oh! Thank you!"

Napagdesiyunan na lang ni Jianne na pumunta sa library. Pagkapunta niya roon, pumuwesto siya sa bandang dulong lamesa kung saan wala masyadong estudyante. Ang nasa likuran niya ay mga bookshelf na may mga lumang libro kaya walang masyadong tao roon. Ayaw niya kasi ng maingay kapag nag-aaral.

Choosy Breaky Achy HeartsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin