Chapter Dos :

994 4 2
                                    

" Bakit ilang araw ng absent si Mong? "  usisa ko .

" Baka walang baon "  sagot ni Rima

" Diba El Nino ngayon? Baka walang ani yung tatay niya . Nung isang linggo pa niya idinadaing na wala na silang makain dahil namatay lahat ng pananim nila. Tapos , hindi pa tumutubo yung mga palay . Pinahihiram ko nga muna ng pera eh , pero ayaw namang tangapin "  sabat ni Alex

Sa isip-isip ko mahirap na talaga ang buhay . Si itay , apat na araw na lang ang ipinapasok sa pabrika kada linggo . nagko-cost cutting daw kasi yung may ari . Pinag-oovertime na lang sila lagi para mabawi yung produksiyon para sa isang araw na walang pasok . 

Ang masama dun , bukod sa nabawasan na nga ang sweldo , wala pang bayad ang O.T . At yung mga trabahador , nagkakasakit na sa hirap pero wala namang natatanggap na benepisyo . Nagbalak na silang mag-strike , pero nung natugunan ng may-ari , nanakot na tatanggalin silang lahat sa trabaho pag tinuloy yun .

Walang nagawa ang mga manggagawa kundi magtiis . 

 '' Sina Alex at Rima lang naman ang hindi namomroblema sa pera eh '' sabi ni Gene

'' Si Alex lang  . Di naman porke't nasa abroad ang magulang eh umaasenso talaga . Malayo na nga sa pamilya , sapat sapat lang naman ang kinikita " tutol ni Rima

Hindi lang pinansyal ang nagiging problema ng barkada . nandiyan ang problema sa grades nina Alex , Gena at Rima . Pero dahil sa kagustuhang makagraduate , pinagtatyagaan na lang namin ni Mong na turuan ang tatlo . At minsan din nga ... 

'' Bakla , bakit may pasa ka sa muka? " si Rima kay Gene 

" Tawagin mo pang bakla at tatamaan ka sakin " 

 " Anong nangyari? " tanong ko 

" Binugbog ako ni Papa "  malamyang sagot ni Gene 

Ilang araw ding matamlay si Gene . Nalaman kasi ng tatay niyang bakla siya . Nahulihan kasi ng picture ng lalaki sa ilalim ng unan at make-up kit sa drawer . Hindi siyamatanggap nito . Halos palayasin na siya sa bahay dahil daw sa ''kahihiyang'' dinadala niya sa pamilya . 

Kung meron nga lang daw siyang permanenteng matutuluyan ay lalayas na siya sa puder ng ama . Sa kabila ng ibat-ibang prblema , nanatili kaming matatag at nasusumikap .

'' Walang bibitiw ilang buwan nalang naman , kaya natin 'to! " sambit ni Mong nang minsang malungkot ang lahat dahil sa sunod-sunod na problema .

'' For rich for poorer , in sickness and in health . 'till death do us part , dina Gene? " singit ko

" Plangak! " bulalas ni Gene sabay takip sa bibig .

***

Sa ilang taon naming magkakasama lubos na kaming napapalapit sa isa't-isa . Hindi rin maiiwasang may magkahulugan ng loob . Si Alex , matagal tagal na ding nanliligaw kay Rima , pero nabasted . Si Gene naman , may lihim na pagtingin kay Alex at ako ...

'' Jill , sabay na tayong umuwi ha ... " si Rima .

" Sige , mahihintay mo ba ko? May gagawin pa kasi ako ... " 

" Kahit anong oras " sagot niya . 

***

Minsan pa'y nagkayayaan kaming uminom sa bahay nila Alex . Birthday kasi ng Mokong. Kami-kami lang na magbabarkada .

" Bakit ba kasi hindi mo pa ko sinagot , Rima? " si Alex

" Kasi raw babaero ka! " sabat ni Gene

" Kesa naman lalakero! " pang-aasar ni Alex

" Baka naman tomboy ka , Rima . Hehe " Pambubuska ni Mong .

" O baka may hinihintay lang sa tabi-tabi ... " pambibitin ni Gene .

***

Itutuloy Bukas ! XD  

( Mong sa gilid -----> )

Bs na sa susunod na chapter ! XD Dalawang eba pa ! :)) 

Vote 

Comment

BARKADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon