Chapter Uno :

1.7K 4 0
                                    

'' Bakla! ''

Lumingon muna siya sa paligid . Nang makitang malayo na ang ilang mga istudyante mula sa kinauupuan niya ay saka niya ako sinulyapan . Ngi-ngiti akong tumabi at lumapit sakanya .

'' Langya ka! Pano kung may ibang nakarinig? Baka isiping bakla nga ako "

" Bakit , totoo naman ah ... "  

" Gaga! Gusto mong ibuhol ko yang dila mo para di kana makapagsalita! "

Siya si Gene , short for Generoso . Isa siyang Pamhinta , other term for Pamhin , o yung lalaking very masculine ang dating pero Berde pala ang dugo . Macho Gay . Uso na yan ngayon . Kahit sakin lan siya umamin na true-blue mamber siya ng 3rd Sex , (hindi pala umamin nahuli ko) alam niyang alam na rin ng buong Barkada . Imposibleng di maamoy ang kalansahan nang nagbabalatkayong si Generoso Domingo Jr.

" Asan sila? " tanong ko .

" Papunta na ... " sagot ni Gene

Ilang minuto pa'y natanaw ko na ang tatlo . Si Alex , ang Heartthrob ng klase . Mtangkad , mestisuhin , pero hindi naman kagwapuhan . May reputasyon sa pagiging matinik sa Chicks . Anak  siya ng isang bank manager . May kaya sa buhay pero piniling mag-aral sa isang State U . 

Sumunod si Mong . Halos kabaligtaran siya ni Alex : Malii , kayumanggi , anak ng magsasaka . Iskolar siya ng isang kongresman kaya nakakapag-aral . Pero di tulad ni Alex na Happy-go-Lucky lang sa pag-aaral , masipag si Mong . Siya lang daw kasi ang inaasahan ng pamilya niya na magaahon sakanila sa Kahirapan . 

Ang ikaapat , si Rima , ang ikalawang babae sa Barkada . Siya ang second best friend ko after ni Gene . Anak siya ng isang OFW , may kaya-kaya sa buhay . Maharot , maingay , astig kung pumorma . Ligawin siya pero hindi namin alam kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa siya nagkakaron ng isang seryosong pakikipagrelasyon . 

At ako naman si Jill , lider-lideran ng barkada . Ako raw kasi ang pinakarespetado sa grupo . Hindi naman sa pagmamayabang , pero ako ang pinaka may utak saming lima . Yun nga lang ata ang meron ako . Tipikal lang naman kasi ang itsura ko , hindi rin maporma . Sabi nga nila muka daw akong Nerd , baka raw kaya wala masyadong nanliligaw sakin . Pero hindi ko naman iniisip yun . Mas prayoridad ko ang pag-aaral . Factory worker lang kasi ang tatay ko at mananahi si inay . Gaya ni mong ako ang inaasahan ng pamilya na magtaguyod sa iba ko pang mga kapatid . 

***

Tapos na nag klase namin , pero tatambay muna kami ng ilang oras bago kami umuwi . magkwekwentuhan tungkol sa buhay-buhay , sa sikreto ng mga kaklase , sa mga kapalpakan ng prof. , sa pagtaas ng mga school fees at kung ano-ano pa .  Biruin mo nga naman , 1st year collage kami nung una kaming magkakilakilala . Si Alex ang unang naka-close ko dahil sakin siya nangongopya sa Algebra . Si Mong naman madalas kong makasama sa mga group projects . Si Gene ... nasa kanya kasi yung cellphone number ng lahat ng boys na crush ko sa room . At si Rima , si Ms. Congeniality . At ngayon , matatapos na kami . Sandaling panahon nalang at magiging ganap na kaming engineers . 

Marami kaming plano , sabay-sabay kukuha ng board exam , at kapag pinalad , sa ibang bansa muna kami makikipagsapalaran . Kapag nakaipon na ng sapat na oera , babalik kami rito sa Pilipinas para magtayo ng sariling negosyo . Nangako kaming hindi kami magkakahiwalay . ''' For  richer and for poorer , in sickness and in health , '' til death do as part ... '''  wika nga ni Gene . 

***

 ( Gene sa side :)) ---> )

Ano sa tingin niyo ? itutuloy o itutuloy ? first kong gagawa ng BS chapter kung itutuloy ko . And take note kung kaninong BS scene ! Kay Rima and Jill ! Dalawang Eba dude ! XD 

Ok so !  Vomment lang ayos na ! :))

- Gween10

BARKADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon