Chapter 12

1.1K 66 2
                                    

Nang nakaalis na si Ma’am ay nag-uusap ang mga classmates ko tungkol sa mga sasalihan nila. Si Elyka ay mukhang sasali rin kasi nagpalista siya sa secretary namin. Hindi ko maiwasan ang manibaguhan dahil sa dating paaralan ko ay pagpipilian, dito naman ay malayang makasali. Kahit sino, kahit ilan pa kayo sa spelling bee.

Hindi ko maiwasan ang mailang dahil nakatingin pa rin si Zero sa akin. Para niya akong sinusuri. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako lumuluha.

“May sasalihan ka ba, Blaizeree?” tanong sa akin ni Elyka nang nakalabas kami sa classroom. Hinila niya ako patungo sa canteen. Si Zero naman ay nasa likuran namin, parang may malalim na iniisip.

“H-Huh? W-Wala…”

Ngumuso siya at mas lalong niyakap ang braso ko sa kanya. “Okay lang iyan. Kapag sasali ka, isa ako sa magch-cheer! Saan ka ba magaling o mahilig?”

Nasa hallway pa rin kami ay pababa na kami ng hagdan.

“W-Wala akong hilig—”

“She’s quite good at public speaking,” pagsabat ni Zero sa likod namin.

Napasinghap si Elyka at nilingon si Zero sa likod namin. “Ang unfair! Ang dami mong alam sa kanya, ah! Pero it doesn’t change the fact that I am her first friend!” Tumingin si Elyka sa akin. “Magaling ka sa public speaking?”

Yumuko ako. “H-Hindi…”

“Pero baka gusto mo e-try, wala namang mawawala, eh!”

Umiling ako at pumikit. “H-Hindi na.”

“Bakit?” Malungkot niya akong tiningnan. “Takot ka ba?”

Hindi ako umimik.

“Competitive si Maegan pero tumatanggap naman iyon ng pagkatalo. Balak sumali ulit ni Maegan sa impromptu, eh. Titingnan niya raw kung nag-improve na raw siya.”

Umawang ang labi ko. Sa isip ko, iniisip ko na si Maegan ay si Samantha na dati kong kaklase. Sa sinabi ni Elyka sa akin, na-realize ko na magkaiba sila. Si Maegan, tumatanggap ng pagkatalo, si Samantha na kaklase ko ay hindi.

Nagmulat ako ng tingin at binalingan si Elyka. “Nandito lang ako para mag-aral.”

Umawang ang labi niya at hindi na nagsalita pa. Ayoko na ulit maranasan ang gano’n. Gusto ko ng tahimik na buhay kaya mas mabuting huwag na lang sumali sa kahit ano’ng sasalihan para naman maprotektahan ko ang sarili ko sa panghuhusga.

***

Sa ilang araw ko sa bagong paaralan ko ay wala naman akong narinig na panlalait o nam-bully sa akin. Masaya ako na gano’n dahil wala silang pakialam sa akin. Si Maegan ay umiirap lang sa akin kapag nakita niyang nakadikit sa akin si Elyka pero kapag hindi ay wala naman siyang paki sa akin.

Hanggang sa umabot ang ilang linggo…

“Blaizeree,” tawag sa akin ng aming class adviser na si Ma’am Lianah.

Napalingon lahat ng mga kaklase ko nang tinawag ako.

“P-po?”

Tumayo ako.

“Come here.” Ngumiti siya sa akin.

Napalunok ako at kinabahan. Pero kahit gano’n, humakbang pa rin ako patungo sa harapan.

“Bakit po?” tanong ko, nakayuko na dahil sa sobrang kaba. Ang aking kamay ay magkatagpo at malamig ito. Siguro dahil kinakabahan ako.

“I saw your grades from your previous school,” panimula niya.

Fill The Gap (Misfits Series #7)✓Where stories live. Discover now