MHIH 61

29K 1K 26
                                    

Chapter 61

“Kanina ay dumaan sa restaurant kasama ang ama niya. Masaya naman ang bata, walang kamalay malay sa sitwasyon n’yo.”

I computed the total amount on the pink calculator. Nang makita ang total na kailangan isukli ay binuksan ko ang kaha para kumuha ng pera.

“Mabuti po kung gano’n, Mama. Balitaan n’yo po ako kung kumusta ang bata,” sabi ko at nag angat ng tingin sa customer na babae. “Here’s your change, Ma’am. Thank you and please come again.”

She smiled. “Will surely do.”

“Basta ikaw ay lumuwas dito sa Manila, Elizabeth. Anniversary ng steak house at kailangan na nandito ka. Hinahanap ka rin ng mga empleyado dito. You have been a huge part of our business. Lalo na nung mga panahon na ikaw ang laging tumatao dito dahil abala kami noon sa maling gawain.”

Pagkatalikod niya ay kinuha ko ang cell phone mula sa pagkakaipit sa tainga at naupo sa silya habang ang mga mata ay pasulyap sulyap mga customer.

Medyo full packed ngayon ang shop dahil na rin summer na at maraming dayo sa San Vicente. Kahapon pa ay halos maubusan na ako ng paninda. Napuyat ako kinagabihan at inabot na ng madaling araw dahil gumawa ulit ako ng mga bagong produkto.

“Sige, Mama. Gagawan ko po ng paraan ‘yan-”

“Huwag mong gawaan ng paraan, Chloe. I want you to be here. If you’re worried that you might see Hellios here, don’t worry I didn’t invite him even though it’s so rude of me.”

Huminga ako nang malalim at tumungo sa mga paa ko. It has been months since Hellios and I had our closure. Simula nang hapon na mag usap kami sa rest house niya dito at sinabing pagod na siya habulin ako ay hindi na rin siya nagpakita.

Sumunod siya sa usapan. Hihiramin niya si Embry ng ilang linggo at ibabalik rin sa akin pagkatapos. Hindi siya ang mismong sumusundo kung hindi ang isa sa mga tauhan niya.

Noong una ay ayaw ko pa ipagkatiwala si Embry kung kanino pero nang sabihin na naghihintay naman si Hellios sa malapit ay naging ayos na rin sa akin. He just doesn’t really want to come closer and make me see him. Ayos na rin ‘yon para sa akin. That’s the best way for us to accept the reality that we are not meant for each other.

Pero gusto ko itanong sa sarili ko kung may nangyari ba sa mga nakalipas na buwan na hindi ko siya nakita. Nabawasan man lang ba ang pagmamahal ko sa kaniya?

Siyempre, hindi. Kung sa tatlong taon nga ay hindi ko siya nagawang kalimutan, iyon pa kayang buwan lang. Maybe I’m just really doing this to at least lessen the pain of our downfall.

“Miss, how much is this medallion?”

Napukaw ang atensyon ko mula sa isang babaeng customer na hawak ang ilang items ko.

“I have to end the call, Mama. Ang dami pong customer dito sa shop. I’ll call you again tomorrow.”

Hindi ko na siya nahintay pang sumagot at pinatay na ang tawag. I stood up and walked towards the customer.

“That’s eight hundred pesos, Ma’am...” I answered. “We still have another medallions here. You might want to check them.”

Inabala ko ang sarili sa buong maghapon. Kapag ganitong maraming customer ay gabi na ako nagsasara dahil mag isa lang rin naman ako sa bahay. Kung nandito si Embry ay hapon palang at siguradong sarado na ako. I have to cook for our dinner but since she’s not here, baka tinapay na lang ang kainin ko.

Minsan ay gusto ko siyang kumustahin pero hindi ko alam kung paano. I don’t want to call Hellios and ask him to let our daughter talk to me over the phone. Kung may cell phone lang sana ang bata ay walang problema. But then she’s too young to have that kind of gadget.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon