MHIH 21

32.2K 1.4K 208
                                    

Hindi ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko, tila naging estatwa habang ang tibok ng puso ay halos hindi na mabilang sa sobrang bilis. I could feel my hands trembling, my palms freezing in cold as I watched my father throwing daggers at me.

“P-Papa, hayaan n’yo po ako m-magpaliwanag.” my voice shivered.

Mas lalong tumalim ang bawat tingin na iginagawad niya sa akin… sa amin. Naglakad siya palapit, sa likod niya ay si Mama na nababahiran rin ng takot at dismaya ang mga mata.

Hinawakan ni Hellios ang kamay ko. Gusto kong bawiin dahil nag-aalala ako sa magiging reaksyon ni Papa pero pakiramdam ko, sa mga hawak niyang ‘yon ako nakakakuha ng lakas ng loob.

Huminto siya sa harapan namin, nanglilisik pa rin ang mga mata. Wala akong nagawa kung hindi labanan ang masamang tingin niya sa amin dahil gusto kong patunayan na wala kaming intensyon na masama.

“Papa, hindi po m-maganda ang pagkakataon—”

“Pumasok ka sa loob.” putol niya sa akin, nasa kay Hellios ang direksyon ng tingin.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya, ayaw nang bitawan.

“Papa, please. Hindi po tama ang naabutan—”

“I said go inside, Chloe Elizabeth! Don’t make me repeat myself again!” sigaw niya dahilan para matahimik ako.

“With all due respect, sir, please let me introduce myself to you. I am Hell Suarez, Chloe’s boyfriend. Mali ang eksenang nadatnan n’yo at gusto ko po humingi ng paumanhin.” saad ni Hellios, puno ng paggalang ang boses.

Naningkit ang mga mata ni Papa, tila walang pakielam sa sinabi nito dahilan para umahon ang takot sa puso ko.

Sa reaksyon pa lang ng mukha niya, alam ko na kaagad ang sagot sa bagay na matagal ko nang ipinagdadasal. He doesn’t like him. It’s obvious but I shouldn’t lose hope.

Bumaba ang tingin ni Papa sa katawan ni Hellios saka nagsalubong ang mga kilay. He looked at him with narrowed eyes.

“With all due respect too, Mr. Suarez, I will ask you to please leave now. I have to talk to my daughter in private. Iyong wala sa harap mo.”

“Papa, kung ano man po ang pag-uusapan natin, alam kong tungkol ‘yon kay Hellios. I want us to talk about it in front of him. Please, Papa.”

Natawa siya, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“Kailan pa natutong sumagot sa akin, Chloe? Iyan ba ang napapala mo sa pakikipag-nobyo? At sa ganiyang klase ng lalaki pa? Did you see what kind of a man he is? Hangga’t maaari ay ayokong maging bastos sa harap ng lalaking ito kaya kung maaari lang ay pumasok ka na sa loob bago pa kita kaladkarin!” mahina ngunit madiin na aniya.

Humagulgol ako, napayuko dahil sa kahihiyan at sakit dulot ng mga salita niya para kay Hellios. It’s clear that he doesn’t like him. Ang hindi ko lang maunawaan ay bakit kailangan na sa mismong harapan niya pa sabihin ‘yon?

Is that the reason why he wants him to go? Kasi lalaitin niya? Kailan pa naging ganoon ang ugali niya? Didn’t he teach us that judging someone in whatever aspect is a sin to the Lord? What happened now?

“Go inside, Chloe! Huwag mo nang hintayin pa na kaladkarin kita papasok!” sigaw ulit niya ngunit nanatili akong nakayuko at humagulgol.

“Please, Chloe. Pumasok ka na sa loob ng bahay. Mag-uusap tayo nang maayos, anak.” dagdag ni Mama.

I remained my head down, sobbing hysterically while shedding tears. Naramdaman ko ang paggapang ng isang kamay ni Hellios sa balikat ko, ang isa ay nakahawak pa rin sa kamay ko.

He made me turn around. Kusa akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pain was rolling over his eyes and it just doubled upon looking at me. Pilit siyang ngumiti.

“Stop crying. I’m fine, don’t worry about me. Uuwi muna ako. Let’s just do this some other time…” Kinabig niya ako at pinatakan ng mabilis na halik sa aking noo. Mas lalo akong humagulgol nang maramdaman ko ang diin noon. “Go inside. I’ll call you.”

My lips shivered as tears wet them even more.

“I’m sorry. I’m really sorry—”

Hinablot ni Papa ang braso ko at hinatak ako mula kay Hellios. Hindi sinasadyang naghiwalay ang magkawak naming kamay dahil sa lakas ng pagkakahatak ni Papa sa akin. Hellios’ eyes suddenly became dark and cruel.

“Please don’t hurt her. Aalis na po ako. Hindi n’yo siya kailangan saktan.” mahinahong sabi niya kay Papa sa kalmadong boses, ramdam ang matinding pagpipigil.

Isang beses pa akong tiningnan ni Hellios. Sa paraan ng titig niya, para bang ayaw niya akong iwan. Para bang puno siya ng pag-aalinlangan kung hahayaan ba ako sa kamay ng mga magulang ko.

Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod. Si Papa ay nasa gilid ko pa rin at mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko na para bang makakawala ako oras na luwagan niya ang hawak sa akin.

Hellios looked at me again for the last time before he entered his car and drove out of here. At nang tuluyan na itong mawala ay kinaladkad ako ni Papa papasok ng bahay.

Bumukas ang pintuan, iniluwa noon si Raphael na kaagad pinanglakihan ng mga mata pagkakita sa amin.

“Tumabi ka diyan, Raphael!” sigaw ni Papa sa kaniya.

Walang nagawa ang kapatid ko. Pagkapasok ay itinulak ako ni Papa dahilan para bumagsak ako sa couch. Mabilis na dumalo si Raphael sa akin. Habang ako, takot na nag-angat ng tingin kay Papa.

“What are you thinking, Chloe? Sinaniban ka na ba ng diablo at nakipagrelasyon ka sa ganoong klase ng lalaki?!”

Sa kabila ng pait na nararamdaman ay hindi napigilan ng mga tainga ko ang magpanting.

“Ganoong klase ng lalaki, Papa? Bakit po? Ano po ba ang mali kay Hellios para husgahan n’yo siya kaagad?”

Namula ang mukha niya na para bang mas ikinagalit niya pa ang naging pagsagot ko.

“Ano ang mali? Do you hear yourself, Chloe? Look at him! Puro tattoo ang katawan na akala mong kriminal! Pinaglalaruan ka lang no’n at siguradong sasaktan kapag nakuha na sa’yo ang gusto niya! Man like him will only do bad to you! He’s a bad influence! Kita mo na nga? Sumasagot ka sa akin—”

“That’s because you are judging him without any basis! Papa, hindi porque may mga tattoo ay masamang tao na. God taught us to treat people equally and never judge someone just base on how they look in the outside. Anak rin po ng Diyos si Hellios, Papa. If you would just give him the chance to show himself, sigurado pong babawiin n’yo po ang lahat ng sinabi n’yo.”

Humalakhak siya na tila ba may katawa-tawa sa mga sinabi ko.

“There’s no way I would give him the chance to enter this house and introduce himself! First impression always lasts, Chloe. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yo na sasaktan ka lang ng lalaking ‘yon. You are allowed to have in a relationship but make sure that it’s a man who is like us. Kailangan may takot sa Diyos at hindi ‘yong mukhang hari ng impyerno! Mahiya ka sa mga taong nakakakilala sa atin. I raised you to be a church servant and you will just date a devil? At sa labas ka pa talaga nakikipaghalikan? Where is your brain?!” he shouted the last word.

Tuluyan na akong naubusan ng ikakatwiran kay Papa dahil pakiramdam ko, kahit ano pang klase ng pagtatanggol ang gawin ko kay Hellios ay sarado na ang isip niya.

Yumuko ako sa mga hita ko, sinapo ang mukha ng mga palad at patuloy na humagulgol. Ramdam ko ang bawat haplos ni Raphael sa likod ko, ginagawa ang lahat para aluin ako.

“May alam ka ba rito sa kalokohan ng kapatid mo, Raphael?” tanong ni Papa sa kaniya.

Itanggi mo, Raph. Hindi puwedeng pati ikaw ay madamay dito.

“W-Wala po, ‘Pa.”

“You will not see than man again, Chloe! You are grounded for the next weeks. Hindi ka lalabas ng bahay. Ibibigay mo rin sa akin ang cellphone mo. Wala kang magagawa kung hindi ang sundin ako!”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now