Chapter 9 Second Priority

4.6K 62 10
                                    

Bumalik na ba kami sa dati? Bakit pakiramdam ko after that lunch date with Alexis mayroong nagbago? 

Ilang araw na din kaming hindi nag-uusap 

After that phone calls na hindi ko sinagot, wala na siyang effort para alisin ang pagtatampo ko. 

Hindi naman kasi talaga ako galit eh, gusto ko lang naman eh lambingin niya ako. 

Pero till now, wala pa din 

Hindi ko na alam ang pwede ko pang idahilan para lang makapunta sa kanila. 

Natapos ko na ang last project ko sa Biology 2, na ipinangako niyang gagawin para sa akin. 

I'm done with my final exams, na sabay sana kaming magre-review. 

Nakasayaw na rin ako nang hip-hop sa PE class, and he promised to watch pero walang Xian na nanood. 

Nagtataka ako sa sudden changed between us, pero ayaw kong magtanong. 

Bahala siya sa buhay niya 

Siya pa ba ang may ganang umakto nang ganito? Eh siya nga itong may kasalanan sa akin. 

Siya yung nang-iwan. 

Ilang beses kong sinubukang kausapin siya sa school pero pakiramdam ko palagi siyang paiwas. 

Kahit dati naman, kahit kasama niya si Gertrude kapag nakita niya ako lalapitan niya ako para kausapin. 

Bigla siyang susulpot sa classroom para ayain ako sa canteen. 

Minsan pa nga sabay kaming pupunta sa library para mag-review, 

Bakit bigla-bigla nagbago siya? 

Mamaya na yung basketball with a cause nila nang Ateneo pero there's no invitation coming from him. 

"Nami-missed mo na siya"? Camille asked seriously. 

"Akala ko I'm okey with this set-up, akala ko mas mabuti na yung ganito kami, pero hindi pala" 

Sa huli, aaminin kong hinahanap siya nang aking mata.

"Bakit hindi mo siya kausapin"?  

"Ayaw ko nga, kung ayaw nya akong kausapin hindi ako gagawa nang way para magka-usap kami"

"Yan ka na naman eh, nilalamon ka na naman nang pride mo"naiiling nang sabi ni Camille. Buti na lang she never walked out on me, kung hindi wala na akong pagsasabihan nang mga hinaing ko regarding sa love ko kay Xian.

"Pero wala akong kasalanan sa kanya this time, Why do I need to do the first move"?

"If you think hindi mo kayang magbaba nang pride, ikaw ang bahala.Pero minsan hindi masamang ibaba mo ang sarili", nanlalaki ang matang sabi pa ni Camille.  

"You think so"? 

"Aba'y oo naman, matagal na panahon na kayong nag-away, ngayong okey na kayo simpleng bagay lang hindi niyo mapag-usapan"  

"Eh kasi sya eh" nasabi ko na lang. In a way kasi alam kong may katwiran si Camille.  

Natigil kami sa bulungan namin ni Camille nang mag-umpisa nang maglabasan ang mga players nang magkabilang team.  

Halos hindi mahulugang karayom ang buong gymnasium sa sobrang ingay. Bawat koponan ay may sari-sariling taga suporta. 

Pero bakit wala si Xian? Is he going to play or not? 

Bahagya kong inilibot ang aking tingin sa palibot nang gym. And then I saw him, kausap niya si Gertrude. Andun dun sila Tito Benjie at Tita Susan. Bigla parang dinurog ang puso ko, dati si Xian lang ang nasa kanya. Pero this time pati attention nang parents ni Xian na kay Gertrude na. 

You Are The One (KimXi Teen Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon