Chapter 2 Jealous Sue

5.4K 60 6
                                    

"Wala po si Xian" nagtatakang tanong ko kay Tito Benjie, madalas kasi isinasabay na niya kami sa pagpasok. On the way naman kasi ang school sa trabaho nito.

"Ewan ko ba dun sa batang yun, nagdudumaling umalis kanina"

"Ah, ganun po ba" nasabi ko na lang. First day of school after a long christmas vacation. Nakapagtatakang hindi siya nangungulit this past few days. Nagkikita man kami, para naman akong hindi nage-exist. Ayaw ko namang magtanong dahil baka lagyan pa nang malisya.

"Sige po tito salamat sa paghatid" magalang ko pang sabi.

"Kapag nagkita kayo ni Xian, sabihin mong sabay na kayong umuwi. I don't think na masusundo ko kayo" kapag dakay sabi ni Tito Benjie.

"Yes po, nasabi ko na lang.

Wala na ang kotse pero nanatili pa din akong nakatanaw sa papalayong kotse.

"Inihatid ka na naman nang biyenan to be mo noh"! tudyo pa nang bestfriend kong si Camille.

"Biyenan ka jan, never mangyayari yang iniisip mo. Naikwento ko na naman sayo how he ruined my life di ba?

"Kahit na, the more you hate, the more you love daw kasi di ba" pangungulit pa niya.

"Pero hindi sa amin, we hate each other so much at alam mo yan"

"Pero what if, iba na pala ang napi-feel mo for him"?

"Imposible! Atsaka bakit siya ang pinag-uusapan natin eh ang aga-aga"

"Masarap kasing pag-usapan ang kwento nyo, The story of aso't pusa" And speaking of Xian, ayun sya oh, sabay nguso pa sa papalapit na si Xian.

"Ewan ko ba, pero habang tumatagal, lalo syang gumagwapo sa paningin ko"

"Stop it Kim, wala kang karapatan na gustuhin sya" sita ko sa sarili ko.

"Good morning Sue, umuwi ka na lang mag-isa mamaya ha, may date kasi ako kaya hindi kita masasasabayan" Nakalapit na pala siya nang hindi ko namamalayan.

"Kaya kong umuwing mag-isa" pagtataray ko pa. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit ako naiinis.

Dahil ba sa uuwi ako nang walang kasabay?

O dahil sa may date siya?

"Pero pls lang, huwag ka munang uuwi hanggat hindi kita itinetext, kapag nauna ka nang uwi siguradong sermon na naman ang abot ko" tila nang-iinis pa niyang sabi.

Kunsabagay nga kapag umuwi ako, parehas lang kaming papagalitan.

Magpapalamig na lang muna ako sa malapit na mall habang hinihintay ang text nya.

Badtrip pa din ako nang makarating sa classroom, at lalo na akong nainis na si Xian ang pinag-uusapan nang mga ito.

"Nililigawan na yata ni Xian yung si Ms. FEU eh, narinig kong sabi ni Che.

"Kunsabagay nga, bagay naman sila ni Gertrude" sagot naman ni Baby

"Kaya naman pala hindi ako sasabayan" inis na sabi ko sa sarili.

Eto na yata talaga ang tinatawag na selos?

No it can't be, hindi ako dapat makaramdam nang kahit na ano sa kanya!! Sita nang isang bahagi nang isip ko.

Mali na magselos ako.

Pero yun ang nararamdaman nang puso ko. I'm jealous kahit hindi dapat.

Hindi dapat na makaramdam ako nang ganito nang dahil lang sa may nililigawan na siya.

Ayaw kong i-entertain ang fact na I'm beginning to feel different towards him.

Pero paano ko i-eexplain na maghapon na mainit ang ulo ko dahil sa pakikipag date nya.

You Are The One (KimXi Teen Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon