OMFT: Second Match

3 0 0
                                    

00:02

"Stop playing basketball! Iba naman gawin natin. Nakakaumay na. Every other day may liga kasi nanalo kayo tapos naglalaro parin kayo kahit wala. " Reklamo ko. I've had enough. Though nakakatuwa sila maglaro, nakakasawa na rin.

"Okay fine. What do you wanna do?" Sabi ni Khalel habang dinidribble ang bola.

"Hmm. Di ko alam. Basta wag bball! Kahit ano. " They both laughed at me. Pati na rin si Dionne at Ray. Lima kaming magkakasama dito.

"Uy, umaambon." Sabi ni Ray.

"Alam ko na!"

"Ano?" Tanong ni Klyde habang nagpupunas ng pawis.

"Laro tayo sa ulan!"

"We're not kids anymore, Anne. " Klyde, why are you so mature?!

"We're on our teens palang naman ah. Not adults. Teens." Pagdadahilan ko. Emphasizing on the word teens.

"Pagbigyan niyo na, baka umiyak." inasar ako ni Ray.

Medyo lumakas ng konti yung ulan. I saw them remove their soaking shirts. Jusko, sanay na sanay itong dalawang ito na magbihis kahit saan. Pero kung iba-iba ang nakakita nako, they would scream their hearts out.

Hindi sila mapayat na as in patpatin, hindi rin sila matipuno pero overtime alam kong gaganda ang katawan ng mga ito. They play bball and sometimes, they go boxing. Yun yung workout nila. And girls, may cuts na. Haha.

Inaayos na nila ang mga bag nila at pinagdarasal ko na sana umulan ng malakas now na. I really want to go back to the days when we play on the streets barefooted, our clothes drenched with sweat.

"Anne, halika na. Lumalakas na ulan oh!" Sigaw ni Dionne pero umiling ako. I wanna feel the rain.

"Ang pasaway!" I don't care. I stay seated on the bleachers. Dinadama ko ang bawat patak.

"Ano ba, Anne?!" Bahala kayong magalit na magkapatid dyan. Lumakas ka pa please.

And as if on cue, wish granted ako. Lumakas nga ang ulan. Sumilong silang apat habang ako nagtatampisaw.

"Whooo!"

"Anne! Sumilong ka. You might get sick!" Malakas na sigaw ni Khalel pero di ko siya pinansin. Basang-basa na ko at natutuwa ako dahil di natigil ang ulan.

Nagsimula akong maglakad at minsan tumatalon pauwi. Dun ako sa tapat ng bahay namin. Tapos naalala ko. Nandun pa pala sila.

Bumalik ako.

"Huy!" I splashed them with water from a puddle using my foot.

"Anne! Stop!"

"Ayoko. " I kept on splashing on them hanggang sa mabasa na half ng katawan nila.

"Gantihan niyo na ko dali. " I teased. I splashed them once again and I saw a smirk form on Klyde's lips. Oh my gosh. Binagsak niya ang bag niya at tumakbo papalapit sakin.

"Aaah!" I shrieked and ran.

"Gotcha!" I felt his arms around my waist. Binuhat niya ako at itinapat ako sa alulod.

"Ano ba?!" Hindi pa pala siya mature. Nagiinarte lang kanina.

"Ginusto mo yan eh. "

"Klyde!" Tinatawanan lang niya ako. Tinulak ko lang siya at tumakbo na patungo sa bahay namin.

Papasok na sana ako nang makita ko ang kandado sa gate. Oh holy moly. They went out! My phone! Ohmygosh. Nabasa! Ugh.

Nakita ko silang tumakbo papasok ng bahay nila. Ang daya! Aakyat na lang ako pero most likely sarado din ang main door. This is the worst.

"Anne? Ano na?"

"Locked. " I replied to Khalel. Tumila na ang ulan at para akong ewan na basang basa dito sa harapan ng bahay namin.

I saw Khalel holding a towel as he walked up to me.

"Dun ka muna samin."

"Anong gagawin ko dun?"

"Oh, would you rather stay here?" He laughed.

"Eto na nga eh. Sasama na. "

Oh gosh. Pano ako magbabanlaw nito? Hay.

"I told you. "

"Ikaw na magaling, Klyde. " I rolled my eyes at him. I took out my phone and wiped it with the towel. Sana mabuhay ka pa.

Wala rin yata si tita. What the heck am I gonna do?

"Anne, okay lang ba sayo na dun ka magbanlaw sa masters? Nasa mga guestroom yung dalawa. " Khalel asked.

"Wala akong pamalit, Khalel." Nahihiya kong sabi.

"Aabutan kita ng damit. Tatawagin ko si Manang Lou para kunin ang damit mo para malabhan at matuyo agad sa dryer. "

"Okay, thanks. "

Sinundan ako ni Manang Lou sa masters' at iniabot ko yung damit ko sa kanya.

"Nako, nakakahiya po pero thankyou. "

"Ano ka ba, Anne. Di ka na iba sa amin. " She gave me a warm smile.

I smiled back at naligo na. I heard a knock at pinapasok ko kung sino yun. Si Manang Lou pala, inuna niya labhan undies ko. Sinuot ko yun at nagtapis sumilip muna ako para tingnan kung nandun nga yung damit na sinasabi ni Khalel.

Andun nga, white shirt and shorts. Kinuha ko yun at sa CR nagbihis. Lumabas ako at naabutan silang kumakain.

"Uy, penge. " Sabay abot ko sa isang pizza slice.

"Anne, what the hell are you wearing!?"

"Damit, ng kapatid mo, Klyde. "

"Ayusin mo nga, para kang walang pambaba." The shirt was too long. Tinupi ko yung sleeves at tinali yung laylayan ng shirt. I looked at Klyde again and he flipped me off! What the hell?

Tiningnan ko si Khalel at nagulat ako nang makita siya na nakatingin pala sakin. He shifted his gaze and smiled. Ano daw yun?

Only Meant for TwoWhere stories live. Discover now