Ch.? Forgive me

1.6K 42 5
                                    

Andrea's POV

Magiging maganda ang araw kong 'to dahil finally buo na ang plano ko. Marami na akong nakolektang mga pictures ni Charlie kasama ang ibang lalake. For sure, magagalit si Ranz nito kay Charlie then maghihiwalay sila at magkakaroon na ako ng chance kay Ranz.

Kaya ang plano ko na ngayon ay hanapin si Ranz at sabihin sa kanya ang masamang balita. Kawawang Charlie:'(

----------------------------

Ranz POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang biglang nagvibrate ang phone ko.

________________________________________

From: Andrea

Ranz, help me! Nandito ako ngayon sa mini forest, please:'(

________________________________________

Ha? ano kayang nangyari? saka bakit ako pa ang naisipan niyang tawagan?

Dahil nag-aalala na rin ako sa kaibigan ko, pumunta agad ako sa mini forest. Malakas ang kutob kong may masamang nangyari. Hindi naman siya magkakaganito, kung wala diba? Kahit na naging ex ko siya dati, hindi pa rin mawawala yung friendship namin.

Pagkarating ko sa mini forest ay naabutan ko siyang umiiyak sa bench kaya nilapitan ko na agad siya.

" .. a-andrea? .." mahinang sabi ko at nakita ko siyang tumayo sabay yakap sakin.

" .. Ranz, ayokong masaktan ka.. pero boyfriend ko yung involve dito e.." sabi niya habang umiiyak siya.

Ha? di ko siya maintindihan.. anong ayaw masaktan?

Maya-maya ay umalis na siya sa pagkakayakap sakin at may kinuhang small envelope sa bulsa niya sabay bigay nito sa akin.

" . ayan! tingnan mong mabuti, ranz.." sabi niya.

Nakakaramdam ako ng kaba habang binubuksan yung envelope. Para kasing may something sa loob nito na masasaktan ako ng sobra. Parang ayokong ituloy ang ginagawa kong 'to pero dire-diretso pa rin 'tong kamay ko sa pagbukas ng envelope. Sinilip ko muna ang loob nito bago ko inilabas.

" .. ayan! kaya pala wala ng time si Xander sakin.. dahil dyan sa babaeng yan.." naiiyak na sabi sakin ni Andrea.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Parang ayaw kong maniwala pero hawak ko na ang prueba.

" ..sa-saan mo to nakuha? .." mahinang sabi ko.

" ...na-nakita ko lang yan sa locker ko, hindi ko alam kung kanino galing..." hanggang ngayon umiiyak pa rin siya. Masakit nga naman sa pakiramdam na gantuhin ng isang boyfriend. Kahit ako, parang gusto kong umiyak sa sobrang sakit sa pakiramdam..di talaga ako makapaniwalang gagawin sakin 'to ni Charlie.

Parehas pa kami ni Andrea na naloko. Kaya ba, hindi siya pwedeng pumunta sa GT namin ay dahil sa lalakeng 'to? Ngayon ko lang nalaman na hindi ko pa pala kilala si Charlie nang lubusan.

Nilapitan ko si Andrea sa bench. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Tinabihan ko siya at pilit kong pinapatahan.

" .. wag ka ng umiyak, alam kong mahirap ang mawalan ng boyfriend at mahirap din namang mawalan ng girlfriend.. parehas lang tayo ng sitwasyon.. ka-kaya wag ka ng malungkot dyan, ipakita mong di sila kawalan.." sabi ko at dahan-dahan ko siyang nayakap.

------------------------------

Charlie's POV

Hindi na ako magkandaugaga dito kakahanap kay Ranz. Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo bago pa niya malaman sa iba. Alam kong marami ng storya ang madadagdag bago pa makaabot sa kanya. Kaya please, magpakita ka na.

Habang naglalakad ako sa kawalan ay nakita ko si Ranz na may kasamang babae. Familiar yung babae pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

" .. Ranz? .." nakatingin lang siya sakin ngayon. Para bang wala siyang pakialam na makita ko siyang may kasamang ibang babae.

" ... ra-ranz, may kailangan tayong pag-usapan.." hinila ko ang kamay niya pero nagulat ako nung hindi siya sumama.

" .. ito ba? .. ito ba yung gusto mong pag-usapan natin?? .." galit na sabi niya at ipinakita sakin yung mga pictures na kasama ko si Xander.

" .. ra-ranz ano... ah yan nga ang gusto kong sabi--- ..." di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay sumingit na agad siya.

" ...wala na tayong dapat pag-usapan, malinaw na sakin lahat! .." sabi niya at umalis siya sa harapan ko kaya naiwan kami nung babae sa hallway.

" ...Charlie, don't you remember me? ..." tanong sakin nung babae.

remember? ibig sabihin, nakita ko na nga siya.

" ... sino ka ba?! .." pabalang na tanong ko sa kanya.

" .. ako lang naman ang ex ni Ranz at ang future girlfriend ni Ranz.." sabi niya.

Future girlfriend? ako lang yun noh!

" ...te-teka ikaw yung? .."

" . wag mo ng sabihin.. dahil alam kong alam mo na! ..." pagtataray niya.

Siya nga yun.. yung babaeng bumulong sakin dati at yung babaeng binigyan ni Ranz ng teddy bear.

" .. sorry ...ang landi mo kasi e! kaya yan ang napala mo, tse! " sabi niya at umalis sa harapan ko.

Di na ako nakaimik pa sa sinabi niya. Baka ganun na ang tingin sakin ni Ranz, malandi ako.. na two-timer ako na ...na pinagpalit ko na siya.. Pero di naman talaga eh.. Kailangan ko talaga siyang makausap, yung kami lang dalawa.

___________________________________

to be continued.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Where stories live. Discover now