Chapter 41

388 19 5
                                    

*•*

Blair is done with dishes, she chose to use the dishwasher instead para mapabilis ang paglinis niya sa mga hugasin. Sa di malamang dahilan ay nakangisi ito, naghuhugas na ito ng kamay nang pumasok sa kusina si Sofia habang nakasunod naman sa kanyang likuran si Bianca.

Kumuha ito ng baso as she filled it with ice cubes at agad na nilagyan ng tubig from her own water jug that has her name on it.

May pinag uusapan ang dalawa nang inumin ni Sofia ang tubig sa hawak na baso.

Hindi niya pa nalulunok ang tubig ay agad itong napahinto at napatingin sa nakangisi na si blair na para bang kanina pa ito nag aantay na inumin ni Sofia ang hawak na tubig.

Mapakla at lasang sabon ang tubig na kanyang nainom kaya dali dali itong nagtungo sa sink at niluwa lahat ng tubig sa kanyang bibig na agad naman pinagtawanan ni Blair, naiinis namang humarap sa kanya si Sofia

"Nananadya ka ba?" Sofia asks as she move towards Blair but Blair just answered her with a smile on her face

"All you gotta do is to wash the dishes and you couldn't even do it right?" Sofia seems triggered by what Blair did while Bianca is thinking of stopping them.

"Para sabihin ko sayo, hinugasan ko ng maayos ang lahat ng hugasin niyo. Hindi kaya ang ibig mo sabihin eh, kung bakit may sabong panghugas ng plato yung tubig mo?" Nakangisi na humakbang si Blair papalapit kay Sofia, as if taunting her with Sofia glaring at her

"Wait, did you put a dishwashing liquid on her water jug?" Gulat na tanong ni Bianca kay Blair na lalo naman ikinangisi ni Blair and that confirms it.

"What you did isn't part of the initiation, you did that to make fun of me! Sa tingin mo, palalagpasin ko lang 'yon?" Galit na saad ni Blair, umalis itong binangga si Sofia bago lumabas ng mansion, leaving her speechless.

Pagkalabas ni Blair, sabay na nagkatinginan si Sofia at Bianca, they were smirking like they have the same thing on their mind.

*•*

Kakatapos lamang magbihis ni Blair ng pantulog na kasuotan, nakahiga ito sa kanyang kama nang maisipang silipin ang Forrester Daily.

Pagkapunta niya sa nasabing website, everyone's talking about the hunt in a way na ang makakaintindi lang ay ang mga pumunta na dito, yung iba pa ay naging creative at ginawan ng meme ang lahat ng nangyare without giving anything away and if you were never there, paniguradong magtataka ka at maguguluhan sa kung ano at tungkol saan ang kanilang mga pinagpopost.

Naisipan niyang tignan ang kanyang profile, wala pa itong picture pero meron na kaagad siyang 100 followers. Mukhang hindi lang estudyante sa forrester ang gumagamit ng website, even those who graduated from the university from generations to generations are still using it to this day.

With all the things that happened, wala pa rin kaalam alam ang principal sa lahat ng nangyayare? O baka naman nagbubulag bulagan lang? Forrester is famous because of their frats and sororrities so why would he be against something their university is well known for? I don't know but I have this feeling that something fishy is going on...

Habang nag iisip si blair, bigla niyang naalala ang nangyare sa hunt kanina, mukhang nagtataka pa rin ito at palaisipan pa rin sa kanya kung bakit siya tinulungan ni Jaxon.

Bakit pakiramdam ko parang plinano niya lahat? Na parang umpisa palang balak na niya ibigay sakin yung treasure chest?

Taste Of Sin II: Breaking The Rules (On Going)Where stories live. Discover now