5. Orange juice

286 12 0
                                    


Saraid


Nagising ako sa galaw ng barko at mukhang maglalayag na ito. Tumunog ang malakas na busina at mabilis akong napatayo sa sarili. Hindi ko tuloy napansin at tumama ang ulo ko sa kahon na nasa itaas lang na bahagi ng ulo ko. Madilim na at kinapa ko na ang bawat sulok.

This place reminds me of the basement we have at home. Sa tuwing galit si Tiya sa akin ay kinukulong nila ako sa basement para raw magtanda ako. At first I got scared but then after a while I've got used to it. I may hate it but sometimes the dark basement had given a lot of thoughts and plan. Iniisip ko noon kung makakaalis lang ako sa mansyon ay titiyakin kong hindi na nila ako makikita pa.

Mahina akong tumayo at maingat ang bawat hakbang ko. Nagmamasid at sa maliit na butas ay kitang-kita ko ang liwanag ng labas.

Lumakas ang kaba sa dibdib ko nang makita si Linus na kausap ang iilang mga lalaki sa daungan. Hindi pa nakaalis ang barko na ito pero nakaandar na ang makina. Rinig ko kasi ito dahil malapit lang makina ng barko rito sa bodega.

Mainit at panay ang punas ko sa pawis. Hindi halos ako makahinga at gusto kong lumabas pero alam kong delikado pa. Gutom na din ako at hindi ko alam kong ano ang makakain ko rito. May pera ako at nasa loob ito ng aking bra kasama na ang litrato ng mga magulang ko. Mariin kong hinawakan ang kwintas na suot ko. Yari sa silver ito at hugis puso. Ito ang kahuli-huling binigay ni Lolo sa akin noong huli ko siyang nakita. Matagal na iyon anim na taon pa lang ako.

Sumilip ulit ako sa butas at mas namilog ang mga mata ko nang mamataan ang pamilyar na anyo ng isa sa mga taong kausap ni Linus. . . Mukhang mga tauhan sila ni Tiya.

Naaptras ako at nagtangong muli sa lunga ko. Nabalot na ng kaba ang puso ko at pinikit ko na ang mga mata. Nanginig na ang buong katawan ko at pati na rin ang sikmura ko. Takot ako, takot na takot. . . Mas bumilis ang pintig ng puso ko at nakakabingi na ito nang marinig ko ang pag-uusap nila.

"Sir, for inspection lang po."

"Who the hell do you think you are?"

"Sir, utos lang po ng nasa itaas. May hinahanap kasi kami."

"And so? Do you think that gives you the right to search without a warrant? That's against the f*cking law! Who the hell give a damn shit about the law anyway. Tell me who's your boss?" matigas na boses ni Linus.

"P-Pasensya na sir. Pero sa bandang bahagi kasi ng yate ninyo natagpuan ito."

Napatakip bibig na ako. Inisip ko baka ang damit ko ang nakita nila. Itinapon ko iyon sa gilid ng yate ni Linus. Hindi man lang ba dumapo sa ibang yate iyon? Dios ko po, Mama... Papa...

"F*ck!" malutong na boses ni Linus.

"I have my five seconds rule here, asshole. And if you don't step back, you'll definitely regret this, and your f*cking life will pay for it. Damn it!"

Tinakpan ko na ang tainga ko at nagdasal na sa sarili. Kung mananalo sila at makakapasok sa bahaging bodega ng yate ni Linus ay tiyak mahahanap nila ako ngayon. Ayaw ko! Ayaw kong sumama sa kanila. . . Tatayo na sana ako para mas humanap pa ng taming puwesto pero nahinto ako dahil rinig ko ulit ang pag-uusap nila.

"What the hell is happening here?"

Isang panibagong boses ang umeksena at napaupo ulit ako. Niyakap ko na ang tuhod ko at nanginig na akong lalo sa sarili.

"Sir, Maison," boses ng isa.

"What's the fuss? What the hell are you all doing here? May pinapagawa ba si Madam Elma?"

Stranded with a Cold Hearted Billionaire (MBBC#6Where stories live. Discover now