4. Hiding

207 9 0
                                    


Saraid


Walang tigil ang kaba sa puso ko habang sekreto akong nakasakay sa likod ng sasakyan na ito. Ang tagal, at parang ang layo ng patutunguhan nito. Ilang beses na gusto ko ng matulog pero pinigilan ko ang antok dahil ayaw kong mahuli niya ako. Kung kasama ko lang sana si Mimi, ang pusa ko ay mas mapanatag ang loob ko. Pero hindi, dahil nag-iisa lang ako ngayon.

Pumikit ako nang makailang beses hanggang sa maramdaman ko ang paghinto nito. Mariin kong binalot ulit ang sarili. Kahit na madilim ay may nakikita na akong liwanag mula sa maliit na sulok, umaga na yata.

"Linus! Ang dami nating dala ngayon a? Matatagalan ba ang paglalayag mo?"

"Oo, just a few a stuff, foods and everything."

"I will give you a hand to load it all up on your princess. Let's have a hot coffee first."

"Okay. That's not a bad idea. I've been craving for one."

Rinig ko lang ang pag-uusap nilang dalawa at hinintay ko lang na mawala sila rito. Maingat akong tumayo. Hindi ko na marinig ang boses nila. Nakabukas na ang likod ng trailer at kasya ang katawan ko para makalabas dito. I know I smell so bad and I can't wait to dip into a nice clean water. Gusto ko kahit papaano ay mahugasan ang maruming kamay at paa ko.

Nabigla ako nang makita ang kabuuan kong nasaan ako ngayon. There's plenty of yachts all over the place but there's this one that have caught my attention, and it's in front of me. . . Princess Salome. . . Malaki ang yate na ito at nakaukit ang gintong letra na pangalan niya at sa babang bahagi ay ang pangalan ni Linus Leone Mondragon. Kulay ginto ito at nakakaakit ito sa mga mata ko.

Napalunok ako at nagsimula na naman ang kaba sa sarili. Naalala ko ang sinabi ng matandang lalaki kagabi at sigurado akong 'Linus' ang pangalan niya.

I should stick to him no matter what. . . Bahala na.

Maingat akong pumasok pero nakalock pa ang pinto ng yate. Umikot ako sa gilid na bahagi at katabi lang nito ang isa pang yate na kung saan ay amoy ko ang masarap na pagkain. Gutom na ako, pero kaya ko pa naman. Napatingin ako sa paa ko na puno ng grasa at putikan at mabilis akong umikot sa likurang bahagi. Tubig dagat na ang makikita mo rito. Napaupo ako at maingat na hinugasan ang paa at kamay ko.

After more than ten minutes I have settled a little bit. Malinis na ang paa at kamay ko, pero marumi at mabaho pa din ang damit ko. Tumayo na ako at nagpatuloy sa hakbang. Inikot ko ang malaking yate niya at malinis ang lahat dito. Hanggang sa nakita ko ang nakabukas na cabin stockroom sa gilid na bahagi.

Puno ng galon-galon na mga gasolina at malalaking ice chest. Lahat ng mga gamit at iba pa ay nandito. Malaki at ito ang perperktong silid na puwede kong pagtaguan. Hinubad ko agad ang damit dahil basa na ito, at tanging bra na lang ang suot ko ngayon. Mabuti na lang at may isang t-shirt na itim na nakatupi sa gilid. Isinuot ko agad ito at tamang tama lang din ang taas nito dahil natatakpan nito ang hita ko. Panty lang din kasi ang suot ko.

Lumabas ulit ako na bitbit ang damit. Puno ng kaba at takot ang puso ko at nanginig ang kamay ko pero kailangan kong gawin ito. Itinapon ko ang damit sa gilid ng yate at nakalutang na ito sa dagat. Kung makikita ito ng mga tauhan ni Tiya ay iisipin nila na patay na ako. Patakbo akong bumalik sa bodega ng yate dahil rinig ko ang papalapit na yapak nila.

Sa pinakamadilim na bahagi ako at sa likod ng mga nakapatong na mga kahon. Mula rito ay rinig ko ang bawat yapak nila sa loob ng cabin, lalo na sa ilalim na bahagi nito. Pumikit na ako at niyakap ulit ang tuhod. Matutulog na muna ako, at wala na akong planong lumabas pa.

Stranded with a Cold Hearted Billionaire (MBBC#6Where stories live. Discover now