The Fault in our Bag

115 3 0
                                    


Hindi ko maiwasang maliyo sa halo-halong amoy sanhi ng init na nagwe-wave sa hangin.

Ngalay na ang binti ko pati na ang mga braso kong may tig-isang bag na naka-sukbit.

Bakit ba ako lumuwas ng Maynila na maraming bitbit.

Biyernes. At nasa pilahan ako ngayon ng LRT kasabay ang mga empleyadong nagmamadali sa pagpasok.

Tanginis talaga.

Tila slow motion lahat ng proseso. May mga pasaway pang pumila sa  booth na may EXACT FARE pero pakingtape na buong isang daan pa ang ibabayad.

Ayan na. Paparating na ang tren. Buti na lang ako na ang susunod na magbabayad.

Pagkatapos ipasok ang card na pinag hirapan kong pilahan. Tumakbo ako na like it was my last time. If you know what I mean.

Isiniksik ko ang katawan ko sa papasarang pinto.

Yes! Success! Muntik na ko dun ah.

Naramdaman kong nanuot ang lamig sa katawang lupa ko.

Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid ko. Bigla ko na lang natanong sa isip ko kung ano ba itong pinasok ko.

Halos lahat yata ng nakasakay duon ay may mga sawang nakapulupot. Este may mga kapartner.

Kanya-kanyang alalay sa mga jowa o mga pasimpleng tsansing sa isa't-isa.

Bumaba ang tingin ko sa bag na dala-dala ko.

O pano ba yan. Tayo na lang ang magyakapan.

Letse.

Dedicated this to @theIgnorantWriter :)

Hello my friend! Hahaha

Vitamin "A" for AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon