Budburan ng asin ang sugat na malalim

354 3 0
                                    

Search ka ng search.

Para kang may insekto na dina-disect sa harapan.

Sa sobrang seryoso mo sa ginagawa mo hindi mo na napansin yung kaibigan mong natapilok sa tapat ng mesa.

Bingo!

Click next. Isa pang next.

Click! Click! Click!

Syet ang panget! Mas maganda pa ako dito eh!

Yan yung bukambibig ng utak mo. Tapos tsaka mo sasabayan ng....

"Bagay sila. Pareho silang KPOP. KPOP-PANGET."

Kulang ang mga katagang ito kung hindi mo sasabayan ng tawa sa huli. Oha! Daig mo pa kontrabida sa mga pelikula.

Ilang oras mo pang tatambayan ang profile ng new found love ng EX mo. Hahagilapin mo pati mga pang throwback pictures para lang malait siya ng todo.

Aminin mo na.

Ginawa mo rin 'to diba?

Kasi ako OO.

Tangina.

Vitamin "A" for AmpalayaWhere stories live. Discover now