The Sexy Badass

415K 3.7K 244
                                    

PROLOGUE ~

"Miss, hindi ka na pwedeng pumasok..." halos hindi ko na marinig kung ano man ang sinasabi ng nurse.

Blankong blanko ako. Hindi ko alam kung ano ba ang uunahin kong isipin, sakit ba ng katawan ko o takot ng puso ko.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko para pigilan ako. Sino s'ya? Wala na akong pakialam. Dire-diretso ako sa paglalakad na hanggang mabuksan ko ang pinto ng emergency room.

The moment I step in, I heard the sound from his heart monitor that will hunt me in my dreams for the rest of my life, a sound that tells me I lost him forever...

I stood still as memories of him flash backs in my head. Mga ngiti n'ya, kung paano malukot ang mukha niya sa tuwing maiinis s'ya, sintunadong boses na nagpapatulog sa'kin sa gabi, his laugh... Oh my god, tawa n'yang silent, yung halos hindi na s'ya makahinga sa sobrang tawa, his random 'I love you', 'yung sobrang pait n'yang kape, kung paano n'ya ko tignan sa tuwing nakahiga na kami, his good mornings, good nights, i miss you, his voice... My baby.

"Miss..."

My love

"Miss..." Napatingin ako kung sino man 'yung tumatawag sa'kin.

Hindi ko alam paano, pero wala na ko sa ER, nakasandal na ako sa gilid ng pinto.

"Miss, alam ko mahirap to pero..." Marahang sabi n'ya tsaka hinawakan ang aking kamay.

Napatingin ako sa mga daliri ko, halos maubos ko na pala 'yung kuko ko.

Bigla namang bumukas 'yung pinto ng ER at lumabas 'yung doctor.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sakaniya habang nagdadasal na sana... sana.

He looks at me sadly and shook his head lightly. Napaupo ako sa sahig.

"No.. hindi totoo 'to. Hindi n'ya ako iiwan. Nangako s'ya."

"Pwede ko po ba s'yang makita?" Mahinang sabi ko.

Hindi na ko naghintay ng sagot. Humawak ako sa hospital gown ng doctor para sa suporta. Nanginginig akong tumayo.

Dahan dahan akong naglakad palapit sakan'ya.

Hindi sya gumagalaw, nakahiga lang s'ya.

"Mahal..." Tawag ko sakan'ya. Namamag-asang sasagot s'ya.

"Natutulog ka lang 'di ba? 'di ba baby?" Mag bi-beach pa tayo mamaya. Bumangon ka na." Bahagya kong tinapik ang kanyang balikat.

"Darwin..." Hagulgol ko habang tuloy pa rin sa pagyugyog sa balikat n'ya.

Hinakawan ko s'ya sa kamay pero hindi n'ya ko hinawakan pabalik. Hinigpitan ko pa lalo 'yung hawak ko sakan'ya hanggang sa napaupo na naman ako sa sahig. Hindi ko binitawan ang kamay n'ya. Hindi ko kaya...

Dapat hindi ko sya iniwan sa sasakyan.

"Kapag hindi ako umabot never blame yourself. Masaya ako kasi hindi ikaw 'yung nasa posisyon ko ngayon."

"Noooo! Ilalabas kita dito!" Sigaw ko habang pinipilit kong tanggalin 'yung seatbelt nya."

"Shh, baby. Gusto ko maging masaya ka, tandaan mo lagi kitang babantayan." Marahan n'yang hinawakan ang aking pisngi.

Napa-upo ako, pawis na pawis. 5 taon na pero parang kahapon lang nang-yari yung aksidente. Napatingin ako sa side table tsaka inabot 'yung picture.

Siya at ako... Nakangiti.

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko na agad kong pinunasan.

I deeply sigh and put it back to my side table. Malinaw na malinaw pa rin sa'kin 'yung aksidenteng nangyari 5 years ago. Gusto ko mang burahin pero hindi ko kaya.

Umiling iling ako. "Stop it, Sab. Focus... Last semester mo na. So galingan mo." Sabi ko sa sarili ko.

Tumayo ako at tumayo sa harap ng salamin tsaka tinapik ang sarili ko "tuloy ang buhay! Push lang ses!"

***

The Sexy BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon