Chapter 7: I'M THE GIRLFRIEND, SHE'S THE FIANCEE

115 5 8
                                    

Author's Note:

Dedicated to Gongchanerika107. Thank you for being a fan! :)))

*** *** *** ***

CHAPTER 7: I’M THE GIRLFRIEND, SHE’S THE FIANCEE

----------------------------------

Akala ko nananaginip lang ako kagabi. Pagdating na pagdating ko sa bahay, iniuntog ko yung sarili ko sa pader. Ang sakit mga dude! Nilakasan ko pa man din, akala ko kasi feelingera na naman ako.

This is Aiden, she’s my girlfriend.

Wala ba akong Luckiest Girl in the Universe award? ^_________________________^

Tsk. Ang laki ng eyebags ko, hindi ako nakatulog sa sobrang saya. Nakailang talon na ako sa kama ko, hindi pa din ako inantok. Ayaw maalis nung smile sa mukha ko, ee ayoko namang matulog ng nakangiti. Ang creepy kaya! Try mo kaya, matatakot makakakita sayo.

Paggising ko kaninang umaga, isang malaking smile na naman nakadikit sa mukha ko. Buti na lang hindi pa dumadating si Brent. Baka kapag makita niya akong ganito, itakbo niya ako sa mental.

At dahil nga sa sarap ng tulog ko, na-late na naman ako pero okay lang History naman yung first class ko ee. Boring! :D

Habang nakaupo ako dito, kunwari nakikinig biglang dumaan si Klyde sa room namin. Itong mga haliparot na mga babaeng ito, kung makapagpatigil naman itong teacher namin akala mo papatay. Tsk, if I know kaya laging lakad ng lakad sa kabila itong teacher namin dahil nagpapacute kay Klyde. Then, Klyde suddenly stopped at our door at nakangiti siya sa akin tapos gwapong naglakad papunta sa akin. He smiled tapos binigyan niya ako ng rose then he faced them.

“This is Aiden, she’s my girlfriend.”

Ako na itong kinikilig. Ako na itong talo pa si Carmina Villaroel sa kilig. Ako na talaga! Si KLyde ito e!

“Valencia.”

Ha? Is there someone calling me?

“VALENCIA !!!”

Muntik pa akong nahulog sa upuan ko. Tsk, nagde-daydreaming na naman pala ako. Sa sobrang tagal dumating nung History teacher namin, inatake ako ng Daydreaming Syndrome ko. Wow ha, palala na ng palala itong sakit ko. Medicine please.

May naghahanap sayo sa labas,” irap ng kaklase ko, yung pumatid sa akin kagabi.

Sino kaya? Ngayon lang naman ito nangyari ah. Si Klyde kaya? Biglang naexcite lahat ng cells ng katawan ko, dali-dali akong lumabas. Paglabas ko, isang girl ang bigla na lang nanampal sa akin.

“Ang kapal din naman ng mukha mo, bitchera ka!” sinampal ako nung kasama niya sa kabilang pisngi naman. “Ano itong picture na ito ha?”

Ipinakita niya yung picture sa phone niya, nakaakbay sa akin si Klyde. Kagabi ito ah. And what the hell is this?! Para saan ito?! Saka bakit may ganito?! Ano ba ito?!

“Malandi ka!” isa pang sampal yung inabot ko sa isa pang kasama nila. “Amin si Klyde. Hindi ka nga kasali sa Kylde Fans Club eh, ang kapal din naman ng mukha mong dumikit-dikit sa kanya!”

Tapos yung ibang girls, sabay-sabay na nakisali sa pagsampal at pagsabunot sa akin. Gusto kong umiyak, actually tumutulo na pala ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

Yung mga kaklase ko, nagsilabasan na sila para panoorin lang ako. No one dared to help me. Kahit naman sana hindi nila ako friend, sana naman merong tumulong sa akin. Hindi naman ako bato para hindi masaktan. Huhuhuhuhuhu. (---_______________---)

LOVE GRAVITY [on hold]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora