Chapter 5: OPERATION-ALAGAAN-SI-MONSTER 2

63 11 15
                                    

Author's Note:

Dedicated to redneedle19. Sana po ay magustuhan niyo ang chappy na ito. Salamat po ng super duper sa pagbabasa ng story. :)))

*** *** ***

CHAPTER 5: OPERATION-ALAGAAN-SI-MONSTER 2

Kaya ko na ito,” itinulak ako ni Mamita palabas ng kitchen napilitan tuloy akong sumama sa mga asungot sa sala na kanina pa maingay.

Pinanood ko lang sila. Tatawa kung nakakatawa naman talaga yung pinagsasabi nila. Yung iba nga hindi ko magets pero halos mamatay na sila tawa. And I find myself smiling.

Ang weird ko. I checked my phone, hindi pa nagtetext sa akin si Brent. Yung kapatid kong yun, ang tamad talagang magtext at tumawag. Saka lang ako kinakamusta pag mago-online. Hmmm. Kaya nga naiinis na din si Ate Miryuu sa kanya ee. Pero syempre, mahal namin ang kuya ko. Minsan talaga, may mga panahong talo pa ng coldness niya ang Antartica.

Ding dong! Ding dong! Ding dong! Ding dong! Ding dong!

Tinakpan ko yung tainga ko. Efff! Sino ba yun? One press is enough, ee isang daan naman na yata yung narinig kong dingdong. Ang sakit sa tainga.

Ding dong! Ding dong! Ding dong! Ding dong! Ding dong!

Tinignan ko yung mga asungot, parang wala silang naririnig. Nagtatawanan pa din sila at kung anu-ano yung mga ginagawa nila. Sabi ko na nga ba, may hearing disability ang mga ito. Psh!

Pagbuksan niyo na si Karolyne, wag niyong asarin dahil ang makakawawa ay si Freedo,” lumabas mula sa kusina si Mamita, may hawak pang pinggan. Hindi pa siya tapos maghugas.

Tumingin silang anim sa akin.

Hayyy. Fine. Tumayo ako, binuksan ko yung gate. Medyo nagulat yung babae nung makita ako pero after sigurong magbuffer ng utak niya, ngumiti din siya.

Siya siguro si Karolyne. She’s cute. Bilugan yung mukha niya tapos maigsi lang yung buhok niya tapos kung makadamit ang boyish. She seemed friendly naman ee.

Kapatid siya ni Klyde. Biglang nagregister sa utak ko. Kailangan ko ng magandang first impression sa kanya. Unti-unti akong ngumiti.

Ako si Karolyne,” inilhad niya yung kamay niya which is inabot ko naman tapos nagshake-hands kami. “Hindi ka naman siguro isa sa mga girlfriend ni Travis nuh?”

Hindi,” mabilis kong iling, mahirap maidawit ang pangalan kay Travis. “I’m Aiden.”

“Aiden? Ikaw si Aiden?” biglang nagliwanag yung mukha niya. “Ikaw yung scooter girl na nakapilay kay Drey?”

Patay! Sira na naman ang pinaplano kong magandang first impression. T____T

Tumango ako.

Tumawa siya. “Kung ako sayo, hindi ko hahayaang maayos pa yung kamay ni Drey. Habang hindi pa gumagaling yung isang kamay niya, pilayin mo ng dalawa.”

Dumiretso siya sa loob, sinundan ko na lang siya. I don’t know how to react on her, kasi naman parang ang awkward. She’s my future sister-in-law you know. Hahaha.

Mamitaaaaaaaaa!!!” masayang niyakap ni Karolyne si Mamita na kalalabas lang mula sa kusina. “Namiss kita, Mamita.

Itong batang ito, nung isang linggo lang tayo nagkita.” Nagmano sa kanya si Karolyne. “Baka hindi naman talaga ako ang namiss mo kundi si Freedo.

LOVE GRAVITY [on hold]Where stories live. Discover now