CHAPTER 2: The New Neighbour

77 16 2
                                    

The New Neighbour

Jennie's Point Of View

Ang hirap ng pakiramdam na bawat araw ay nangungulila ka sa pagmamahal at pag-aalaga ng isang magulang. Bawat araw na gumigising ako ay nangungulila ako sa aking ina. 

'Yong paggising niya sa akin sa umaga, paghahanda ng almusal ko, paghahanda ng aking mga isusuot, 'yong mga reaksiyon niya sa tuwing nagsasabi ako sa kanya ng aking mga problema dahil siya lang naman ang napaglalabasan ko ng mga hinanakit, lahat iyon ay hindi ko na makikita't mararanasan.

Hay…sayang, hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Tumayo ako mula sa aking hinihigaan.

Kakaisip ay nakatulog tuloy ako kagabi, hindi ko na nahintay ang pag-alis ng lalaking naka-ngiti na nasa labas kagabi kaya sumilip agad ako sa bintana para tingnan kung wala na ba ang lalaking iyon ngayon.

Maliwanag na at pasikat na ang araw. Wala nang tao sa labas ng gate. Umalis na nga siya. Ligtas na ako.

Kagabi ay na-realize ko kasing nakangiti nang nakakatakot ang imahe ng lalaking nakita ko sa session namin ni Dra. Tuazon, gaya ng ngiti ng lalaking humabol sa akin.

Paano kung siya rin ang pumatay sa aking ina? Imposible. 

Imposible ang naiisip ko dahil hindi naman magkamukha ang imahe ng lalaking nakita ko at ng lalaking humabol sa akin kagabi. Umiling na lang ako at tinanggal sa isip ko ang mga bagay na iyon. Ang aga-aga inii-stress ko na 'yong sarili ko.

Agad akong bumaba sa sala ng bahay na walang katao-tao. Wala akong kasama rito. Wala na ang aking ina, at iniwan naman kami ng magaling kong ama para sa iba niyang pamilya. At kinamumuhian ko siya.

Naghilamos muna ako sa lababo bago nagsimulang magluto. I'm gonna make my own breakfast.

Nagluto ako ng itlog at hotdog, a typical breakfast for a Filipina like me. Charot, ito lang kasi 'yong alam kong lutuin. Kumain ako't pagtapos ay nagtimpla ng kape. Wala na naman akong magawa. 

Bukod kasi sa hindi na ako makapag-aaral ay hindi rin ako makapag-tatrabaho dahil sa phobia na mayroon ako.

Ang bagay na kinatatakutan ko pa ang nakikita ng karamihan sa pang araw-araw nilang pamumuhay. At 'saka hindi pa ako graduate ng Senior High. 

Lumabas muna ako ng bahay dala ang kapeng tinimpla para magpahangin at mag isip-isip.

Hindi ko maiwasang maisip na ang mga taong katulad ko siguro'y maaaring nagmumukmok na lang at nade-depress sa isang tabi dahil hindi na nila magagawa ang mga bagay na gusto nila 'gaya ko.

Ang pagdalaw na lang sa puntod ni mama at ang pakikipagkita na lang sa aking therapist ang nagagawa ko. Hindi ko rin malilimutang ilang buwan akong na-depress.

Bago ang mga ito'y ilang buwan na akong nagtatago, dahil sa phobia ko at dahil sa mga taong gustong pumatay sa akin sa tuwing sasapit ang oras na kinatatakutan ko. 

Mabuti na lang at natulungan ako ni Cali, sa isip-isip ko. Si Dra. Tuazon ay ang tiyahin ni Cali, kaya nakalilibre ako sa mga session nito.

Ang sabi pa nito'y tulong na nito iyon sa akin, I was so lucky to have her as a friend. Masasabi kong totoo siyang kaibigan. 

Hindi lang si Cali ang tumutulong sa akin sa ganito kong sitwasyon. Alam ng kapatid ni mama na si Tita Lauren, na ninang ko rin, ang pinagdadaanan ko.

Nagsuhestyon pa nga siya noon pagtapos ng kamatayan ni mama na lumipat sa bahay nila para doon manirahan at para may makasama rin ako, ngunit tumanggi ako.

Octophobia Revised Version (BOOK ONE ON-GOING) Where stories live. Discover now