CHAPTER 1: The Streetlight

163 18 10
                                    

The Streetlight

Jennie's Point Of View

Kasalukuyan akong nagsusuot ng medyas sa aking kaliwang paa. Itong itim na medyas ang napili kong suotin. Habang nagsusuot ay tumunog ang aking cellphone na nasa mesang katabi ko lang. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Cali, ang best friend ko. Ano na naman kayang kalokohan ang sasabihin sa'kin nito?

"Hello?" bungad ko pagka-sagot sa tawag niya. "Hello? Jen? Jen!!! Jen ikaw ba yan?!! We miss you na. At alam mo bang ang daming ganap sa school?!! Ang dami kong ichi-chika sa'yo teh!" bulalas niya dahilan para sumakit ang tainga ko.

Bungangera talaga. Nakipag-video call siya sa'kin pagkatapos ng pagtawag niya. "Teh ang lakas naman ng boses mo, para kang nakakain ng pito," pabiro kong puna sa kaniya at inikot ang aking mga mata nang i-on ko ang camera ko sa call.

Totoo nga, ang dami niya ngang chika. Halos hindi ko na nga mabilang. Ang karamihan pa nga'y mga nakakatawang kaganapang nangyari sa kanila ang ikinukuwento niya sa'kin, pero may ilan din namang nakakahiya't nakalulungkot. Ganoon na ba ako katagal nawala sa school na iyon?

Lahat ng mga nangyari sa school simula noong mag-dropout ako roon ay ikinuwento niya na sa'kin. At detailed pa ang pagkukwento ng isang 'to, kulang na lang, i-akto niya pa para kumpleto na. "By the way Jen, ayos ka lang ba diyan? Kumusta ka na? May improvement naman ba sa therapy mo?" 

"Oo okay lang ako, actually paalis na nga ako ngayon papunta sa therapy session ko kay Ms. Tuazon. Schedule ko kasi ngayon sa kanya." 

Si Dra. Tuazon, ang psychologist at therapist ko na tumutulong sa akin na ma-overcome ang phobia na mayroon ako, ang phobia sa isang numerong hindi ko gugustuhing makita, ang phobia na ito'y tinatawag na Octophobia. 

Ang phobia na ito rin ang dahilan kung bakit pinili ko munang mag-dropout sa pag-aaral dahil madalas na inaatake ako ng anxiety at pagkatakot na humahantong sa break down dulot ng phobia na ito sa mga oras na nasa klase ako, lalo na sa mga klaseng involve ang Math. STEM pa naman ang strand ko.

Sa tuwing nakikita ko ang numero na hindi ko gustong makita ay napapaluha na lang ako, nanginginig at nahihirapang huminga o 'di kaya'y bumabalik ang mga alaala sa isip ko na gusto ko nang malimutan, ang pagpatay sa aking ina, pitong buwan na ang nakararaan.

At iyon ang madalas na mga scenario noong pumapasok pa ako. Kaya napilitan na lang akong mag-dropout. 

Wala lang din namang mangyayari kung hindi ko iyon gagawin, wala akong choice, wala akong magagawa, hindi naman din ako nakakapag-focus nang maayos sa pag-aaral at lagi pang nakaka-istorbo sa iba ko pang kaklase sa tuwing nangyayari ang mga iyon. 

Nakakalungkot lang ding isipin na dahil lang dito ay maaaring masira ang pangarap ko, ang pangarap ko na gusto kong tuparin na para sana sa'kin at sa'king ina. May pag-asa pa kaya para sa pangarap na iyon?

"Hoy teh ano na? Lutang? Lumilipad sa far away ang brain?" pag-agaw ni Cali sa atensyon ko. Bumalik ako sa reyalidad. Ang dami ko na naman kasing iniisip. "Teh okay ka lang ba talaga? Or naiilang ka na sa kadaldalan ko? Bear with me na muna teh kasi last na 'tong chika ko na 'to. At siguradong magugulat ka." 

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Talaga lang ha. "Sige, ano na naman 'yang chika mo na 'yan?" pagtatanong ko pa out of curiosity.

"Nakita ko kasi kanina lang si Ken, 'yung crush mong weirdo. Nagulat ako teh kasi may kasama siyang girl! Eh madalas naman kasing wala siyang kasama di'ba? You know, loner guy, kaya nakakagulat." Nakuha nga niya ang interes ko, pero hindi naman ako nagulat.

Octophobia Revised Version (BOOK ONE ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon