Chapter-4Punished

40.2K 947 40
                                    


Note: This story contains 5 chapters only, the rest of the story and the completed book was posted on Dreame. Please use the link:

http://www.dreame.com/novel/KrGMbzSHSPbYw%2FMrYuR5Yg%3D%3D.html

Or you may download the Dreame App.

Thank you for your continued support. 



Dedicated to @bunnybear0713, this is for you...

Beware: medyo dirty na dito...




Ashley's POV


"Now, give me that lipstick." utos ni Lance sakin habang inilalahad ang isang kamay at ang isa naman ay nasa bulsa niya, dinukot ko na ang lipstick sa bag saka pabagsak na inilagay sa kamay niya.



Nanlaki ang mga mata ko nang durugin niya to gamit lamang ang mga kamay, "don't do that again." hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito, ang lipstick ba o ang pagkikipag-usap ko kay Greg, pero sa tingin ko ang lipstick ang tinutukoy niya, imposible naman kasing big deal para sa kanya si Greg.



Sa sobrang kakaisip ko ay di ko na namalayang nakaalis na pala to, kinarga ko na lang si akhi, ang cute na asong bigay ni Drake.



"Kakain na ang akhi ko..." pakikipag-usap ko dito saka kumuha ng dog food.



Binuhusan ko ang lagayan niya ng pagkain, pinagmamasdan ko lang ang aso habang kumakain nang may maisip ako...



Napatingin ako sa dog food na hawak-hawak ko, "pahingi ako nito akhi ha." sabi ko sa aso habang tinatapik ang noo nito.



Tumayo na ako saka pumunta sa kusina binuksan ko ang refrigerator at di ako nabigo may gatas na tatlong linggo ng nakastandby napangiti ako sa ideyang naiisip ko, sobra naman ata ang dogfood, ang panis na gatas ata ay sapat na, isinantabi ko na ang dogfood saka kinuha ang panis na gatas.




**



"Lance, maghahapunan na." tawag ko sa kanya mula sa labas ng kwarto niya.



"Bring it here." rinig kong sabi niya, kaya dinalhan ko na lang siya sa itaas.



Napapangiti ako habang pababa ng hagdan dahil alam kong magtatagumpay ako ngayon sa plano ko.



Matapos kumain ay lumabas muna to ng bahay, alam kong nagpapahangin siya. Maya-maya lang ay pumasok na to sa sariling silid.



"Masalimoot na gabi Lance..." sabi ko saka humagihik ng tawa.




**



Nagising ako sa isang malakas na katok, napatingin ako sa oras 3:30 pa lang ng umaga ah, pinagbuksan ko to at tumambad sakin si Lance.



"Di ka ba nakatulog?" pagtatanong ko dito nang makitang puyat na puyat siya.



"Anong nilagay mo sa pagkain ko?!" nagbabanta ng masama ang boses nito.



"Wala." pagsisinungaling ko.



"Don't lie! Alam kong may nilagay ka!" naninigas na to sa galit habang hawak-hawak ang tiyan.



"Wala nga sabi." patuloy parin ako sa pagsisinungaling.



"I know you did something!" bulyaw nito saka akmang hahablutin ako pero natigilan siya saka impit na napahawak sa tiyan, nagmamadali tong tumakbo papasok ng sariling kwarto.

Solace Love     Book 2 of Being his Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon