Chapter-1 Rules (Edited)

81.4K 1.3K 97
                                    

Note: This story contains 5 chapters only, the rest of the story and the completed book was posted on Dreame. Please use the link:

http://www.dreame.com/novel/KrGMbzSHSPbYw%2FMrYuR5Yg%3D%3D.html

Or you may download the Dreame App.

Thank you for your continued support.


Ashley Alzalde

Matapos kong maiayos ang mga kagamitan sa sariling kwarto ay pabagsak akong naupo sa sofa, kakalipat ko lang sa bahay na 'to at syempre tulad ng ibang kakalipat lang ay naninibago pa ako.

Napatingin ako sa kabuuan ng bahay na may malawak na sala, mamahaling mga kagamitan, mga desenyong hango sa makabagong panlasa at pagbibigay diin sa kung anong estado ng buhay mayroon ang taong nakatira dito. Di ko pa nalibot ang kabuuan ngunit batid kong malawak ito-- sa lawak ay di ko alam kung may ilang silid ang bahay nito.

Napakaganda nitong tingnan dahil na rin siguro sa tanawin lalo pa't malinis itong tingnan dahil sa puti nitong pintura. Naagaw ng puting kurtina ang aking atensyon nang bahagya itong liparin ng hangin. Tumayo ako upang sana'y isara ang glass door pero agad namang napahinto nang mapagtanto na ang nasa kabila pala'y mas maganda pa. Nagbibigay daan ito papunta sa swimming pool, napabalik ang tingin ko sa loob, napakayaman ng taong napangasawa ko.

"Well what do I expect from a billionaire's  first grandson?" Napaupo ako, saka biglang sumagi sa isip ko kung paano naging ganito ang estado ng buhay ko. Para akong hinihigop pabalik sa araw ng pag-uusap namin ni Lance...


"Marry me." labas sa ilong  nitong turan habang nasa harap namin si Don Alberto na siya ring kumupkop sakin.

"Anong sabi mo?" tila nabibingi kong turan.

"I said, marry me." malamig at mariin nitong turan.

"Di nga tayo close, tapos pasasakal ako sayo? Ano ka, sineswerte?" tinaasan ko 'to ng kilay saka nginiwian.

Nanggigigil 'tong tumayo saka hinila ako palabas, palayo sa lolo niya. Alam kong napipilitan lamang 'to dahil aalisan siya ng mana.

"Akala ko ba, nagkakaintindihan na tayo?" sumbat nito

"Nagkakaintindihan-- ano yun, M.U? Kung may mutual understanding man sa ating dalawa Lance, yun ay kapwa natin ayaw ang isa't-isa." 

"Nakalimutan mo na ba talaga? Kung sa bagay, lasing ka kasi nun." nakangisi nitong turan, bigla akong kinutuban ng masama, nakaka-curious naman.

"Anong pinagsasasabi mo-- teka bina black mail mo ba ako"  sinundan ko ng tingin ang kamay nito nang dukutin niya sa bulsa ang cellphone.

"Kahit pa makita mo 'to?" pinanlakihan ako ng mata nang makita ang video kung saan akp nagwawala sa isang bar. My gosh, nakakasira ng image.

"Madali lang naman akong kausap, kung ayaw mo, pipindutin ko lang 'to." agad ko siyang pinigilan saka matamisngumiti.

"Lance naman, madadaan naman natin 'to sa mabuting usapan." nagtitimpi kong turan. Taranta akong napakapit sa braso nito nang akma niya akong tatalikuran.

Solace Love     Book 2 of Being his Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon