Chapter 4 - Friend Request

39 3 0
                                    

Mabuti nalang at maaga kaming makakauwi ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers.

Buong araw kung hindi nakita si joshua ngayon ah. Absent sha. Ano kayang nangyari sa kanya? Nag-aalala na ako.. teka bakit ko ba siya iniisip eh hindi ko naman sha boyfriend. Pero bakit hindi ko mapigilan ang puso ko na mag-alala. Hayyyyyyyy. Sa totoo lang, kahit ilang araw lang kaming magkasama, napalapit na ako sa kanya. Kaya nga nung hindi ko siya nakita, wala na ako sa katinuan eh.

Kagaya ng nangyari kanina
.
.
.
.
.
.
.
.

FLAAAAAAAASH BACCCCCCCCK!

*Ting Ting Ting Ting*

"Class dismiss" sabi ni Ms. Salvador. Salamat naman recess na pero bakit wala si joshua. Hindi siya umattend ngayon. Haaayyyyyyy. Ana kayang nangyari sa kanya.

"Aaron, punta na tayong canteen" sabi ni alyssa. "Sgesge" sagot ko.

Pumunta na kaming canteen at bumili na ng pagkain. Hindi ako nagsasalita kasi iniisip ko siya... Si joshua. Oo, hindi siya mawala sa isip ko.

"Aaronnnnnnnnnnn! Tara na! Kanina pa kami natapos." Sigaw nilang tatlo. "Oo, ipapacounter ko nalang to" nakatunganga lang kasi ako. Ano ba kasing nangyari sa bobong lalaking yun.

** Habang Kumakain **
"Aaron may problema ka ba?" Banggit ni angel. "Kasi girls, may iniisip lang ako. Nag aalala na talaga ako" sagot ko. "Teka sinong maswerteng lalaki ba yan?!" Sabi nilang tatlo at nakangisi pa talaga. "Si.. Si.." hindi ko maipatuloy.

"Sinoooooooo?!" Galit na ata ang tatlo.

"SI JOSHUA" yan nalang nasabi ko. "Si Joshua Kyle Cebbasturi?!!" Nakakaloka na talaga tong tatlong to. Ang ingay ingay. Isinigaw pa talaga. "Oo nga"

"Bakit ba? Bakit mo siya iniisip at bakit ka nag-aalala?" Tanong ni lovely. "Hindi kasi siya pumasok ngayon."

"Oo nga noh!" Si angel yan. "Okay lang yan aaron, papasok rin yun bukas baka may inaasikaso lang" si alyssa naman yan. "Agree!!" Ito talaga si lovely, ang tipid.

Nakatunganga lang ako sa mga sinabi nila. Hahahahayyy!

"KAYA KUMAIN KANA! BAKA MAGKASAKIT KA AT HINDI MO SIYA MAKIKITA BUKAS! DAHIL IKAW NA NAMAN ANG ABSENT!" Sumbat nila. Oo nga naman. Baka ako na naman ang hindi makakapag attend bukas. Kumain nalang ako. At bumalik na kami sa room.

Natapos ang lahat ng klase na wala akong natutunan at siya lang ang laman ng isip ko.

** End of Flashhhhhhhhhbaccccccck! **

Ayun na nga ang nangyari.

Nakarating na ako sa bahay at wala pa si mommy. Sabi ng yaya namin na kumain nalang daw ako dahil pumunta pa si mommy sa USA para lang sa business meeting. Hay nako! Mag-isa na naman ako ngayon. Nagpalit muna ako ng damit at kumain pagkatapos umakyat na ako sa kwarto ko para mag fb.

Binuksan ko agad ang computer at nag log in sa fb ko. Nakita ko na may friend request dun sa ibabao at pagkakitang-pagkakita ko nun, parang nabuhayan ang malungkot kung araw. Alam niyo naman kung sino yun diba.. si Joshua Kyle Cebbasturi lang naman! Uwaaaaaaaaaaaaa! Ayaw tumigil ng puso ko sa saya. Ang bilis ng tibok ng puso ko na ayaw ko nang matulog. Hahahahahaha pero joke lang yun. In accept ko naman agad ang friend request niya. Syempre!!

Nag stalk ako sa timeline niya. At nakita ko ang mga selfies niya. Uwaaaaaaaa! Ang gwapo gwapo niya. Grabe!! Para akong pinapatay sa saya at kilig. Nang stalk pa ako ng stalk ng biglang may lumabas na chat box. At pagtingin na pagtingin ko sa pangalan ay kinusot ko yung mga mata ko at totoo talaga. Siya!!! Si joshua nga!

Joshua: Hi baby :*

Omgggggggg! Bakit siya ganito. Para akong pinagsasaksak sa kilig. Nag type na ako

Aaron: Tumigil ka! Bakit ka absent kanina. Alam mo ba na nag-aalala ako sayo!! :((

Binuhos ko na talaga lahat.

Joshua: Sorry kung nag-aalala ka :( may pinuntahan lang ako kanina. May binili kasi ako. Sorry baby :((

Aaron: Wag mo nga akong tawaging baby!!

Joshua: Bukas! Magiging official baby narin kita :*

Anong sinasabi ng lalaking to?! Naloloko naba siya.

Aaron: Tumigil ka nga!!

Joshua: Ayaw mo ba? :3

Aaron: Hindi sa ayaw ko pero takot na kasi akong magmahal ulit. Kahit crush lang yun. Ang sakit sakit na tagos sa puso ko. Kaya nga nasabi ko nalang sa sarili ko kung masama bang magmahal. Yan ang tanong na iniisip ko nung mga oras na yun. Palagi nalang akong umiiyak at mag move-on na naman ulit. Nag aassume kasi ako sa mga bagay na hindi ko dapat asahan. Kaya yan! Yan ang napala ko. Natatakot na akong magmahal ulit at umasa.

Joshua: Ganon ba. Sorry :(( Hindi ko alam na yan pala ang pinagdadaanan mo. Alam mo, pwede naman magmahal ang isang tao pero may mga oras lang talaga na kinakailangan nating masaktan para matuto tayo at makita natin ang talagang para sa atin. Kinakailangan lang natin maghintay. At darating din ang taong magmanahal sayo ngbtunay at sasabihin niya na "Ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba. Hindi masama ang magmahal basta ako lang iyong mamahalin."

Uwaaaaaaa! *screaming* bakit siya ganito. Para yatang ako talaga ang sinasabihan niya. Aaron!! Wag aasa huh. Mag ingat ka. Ayan na naman ang utak ko. Sa bagay, totoo naman talaga.

Aaron: Oo nga. Salamat joshua. Matutulog na ako ah. May pasok pa tayo bukas. Sgesge. Good Night :*

Joshua: Tandaab mo palagi, nandito lang ako pag may problema ka. Good Night. See you!! :*

Nag log out na ako. At nag shutdown na ang computer.

Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya kanina. Alam kung sa chat lang yun pero bakit ganun siya mag salita. Para atang nahuhulog na ako sa kanya. Pero natatakot ako, ayoko ng masaktan ulit. Takot na ako. Takot na akong umiyak at palibutan ng kadiliman. Kaya hindi ko lang muna iisipin ang mga ganyang bagay.

Nakatulog na ako sa kaiisip sa nangyari.

Masama Bang Magmahal?!Where stories live. Discover now