52

179 19 0
                                    

June 04, 20**

Maaga palang ay nakagising na si Rocky para ayusin ang mga dapat pang ayusin para wala ng abala pag nasa resort na sila.

Sinamahan din ni Ariela at Dina si Rocky para bumili ng mga disposable plates, cups and utensils. Nag order na din sila sa sikat na kainan ng seafoods, gaya ng alimango, pusit, bangus at hipon. At nag oder din sila ng typical na handa pag may birthday.


Omerder din sila ng fishball, kikiam and kwek-kwek dahil nagutuhan ni Chase, Daniel at Gian ang mga ito nong unang meet up nila. Dinala nila Rocky sina Chase sa isang street kung saan nandon lahat ng mga masasarap na street foods. Isa ito sa lugar kung saan maraming tao dahil binabalik-balikan dahil sa sarap ng mga paninda.

Kakatapos lang lumabas ni Rocky sa banyo para maligo at biglang tumunog ang cellphone niyang nasa bedside table habang naka charge.

Chineck niya ang kung sino ang nag-message at nanlaki ang kanyang mata sa kung ano ang nabasa.

"Good morning Rocky, malapit na pala ako sa bahay niyo." pagkabasa niya ang natanggap na mensahe.

Tinignan niya ang alarm clock sa table at 9:48 AM palang. "Bakit ang aga naman niya?"

Alam na ni Chase ang address nila dahil minsan na siya nitong inihatid sa tahanan nila sakay ng tricycle.

Dali dali siyang nagbihis ng dress na pula na hanggang sa taas ng tuhod ang haba. Binili ito ng Mama niya bilang regalo sa kaniya.

"Anak, bilisan mo dyan. May naghihintay sayo sa labas." katok ng Nanay niya sa labas ng kwarto niya. Nag susuklay palang siya ng buhok at balak niya rin sanang mag blow-dry para hindi masyadong basa pero hindi niya na magawa dahil nakakahiya sa naghihintay sakanya sa labas ng bahay.

"Opo wait lang." sagot nito.

Nagtagal pa siya ng limang minuto sa pag aayos at saka kinuha ang bagpack na naglalaman ng damit at gamit nito sa resort.

Bumaba na siya at dumiretso sa kusina para kunin ang mga disposable kemene sa island counter. Nagulat siya dahil nandon na si Chase kasama ng Mama nito.

"Oh, hijo. Mag iingat kayo don. Pakibantayan na rin si Rocky kasi hindi yan marunong lumangoy." sabi ng Mama nito.

"Sure po, Ma'am." magalang na sagot ni Chase.

"Ano ka ba. Wag ng Ma'am, Tita nalang. Ako lang 'to." tumatawang sabi ng Mama ni Rocky at nakangiting tumango si Chase.

"Ma!" tawag pansin ni Rocky sa ina.

Madramang lumaki at bumilog ang bibig ng ina matapos siya makita. "Nak, bagay sayo 'yang pinili ko ng dress." at tumingin ka Chase. "Diba, Chase?"

"Ah, opo. Happy birthday, Rocky. B-Bagay sayo." nahihiyang sabi ni Chase at lumulunok pa.

"Sige, Ma. Alis na po kami." si Rocky at hinila na si Chase palabas ng bahay.

Naipasok na pala ni Chase ang mga gamit sa sasakyan nila kanina habang nag aayos ng sarili si Rocky sa loob ng kwarto nito.

"Oh, mag iingat kayo, ha. Wag kang pumunta sa malalim na parte dahil hindi ka marunong lumangoy, Rocky." bilin ng Ina nito.

"Opo, Ma."

"'Yong bilin ko naman sayo, Chase. Aasahan ko 'yon." sabi ng ginang at humarap kay Chase.

"Yes po, Tita."

Mabilis silang nakapasok sa loob ng sasakyan. May driver na, kaya sa backseat naman sila umupong dalawa ni Chase.

Nakatingin lang si Rocky sa labas ng bintana at hindi umiimik.

Mula pagkabata ay hindi nasanay si Rocky sa hangin na nagmumula sa air-conditioned ng sasakyan. She hates it and it makes her vomit. Kaya naman pag sumasakay siya sa kotse ng Ama nito ay laging bukas ang bintana at nakatapat ang mukha nito sa bukas ng bintana.

Kaya naman kinuha niya ang panyo sa bagpack nito at tinakpan ang ilong. Ito ang dahilan kung bakit mas gusto ni Rocky na sumakay ng tricycle o jeep kesa sa kotse.

"Are you okay?" tanong ni Chase ang mapansin na tahimik si Rocky sa kinauupuan habang may panyong nakatakip sa ilong nito.

Pumasok sa isip ni Chase na baka mabaho siya at hindi gusto ni Rocky ang amoy nito.

"Ano, okay lang bang buksan 'yong bintana? Nasusuot kasi ako pag nakakaamoy ng air-conditioned car." sabi ni Rocky habang nakatakip pa din ang panyo sa loob ng ilong nito.

"O-Okay lang. Sorry, I didn't know." sabi ni Chase at umabante sa side ng bintana ni Rocky at siya na ang nagbukas nito.

"Salamat." sabi ni Rocky at humarap sa bukas na bintana. Narinig naman niya ang mahinang tawa ni Chase.

Kahit may nakatakip na panyo sa ilong ni Rocky ay naamoy pa din niya ang panlalaking pabango na nagmumula kay Chase noong binuksan nito ang bintana.

Mamaya ay nakarating na din sila sa Resort. Kilala sa bayan nila ang Refresh Resort kaya naman dito niya napiling ganapin ang kaniyang kaarawan. Ilang beses na din silang nakapasok sa resort na ito. Mura lang ang entrance fee at magaganda pa ang mga facilities dito. Madaming pools ang pagpipilian dito kaya naman paniguradong mag e-enjoy sila. Lalo na si Rocky dahil kasama nito si Chase.

Tumulong din ang driver sa pagbubuhat ng mga gamit papunta sa lounge area ng resort. Nagulat si Rocky ng makitang nandon na si Dina, Ariela, Gian at Daniel na nakaupo habang hinihintay sila.

"Ang tagal nyo." si Dina at tumayo sa kinauupuan at kinuha ang dala dala ng driver, tumulong din si Gian.

"Hindi naman kayo nagchat sakin na nandito na kayo. 7 minutes lang naman akong late. At saka sabi nyo ni Ariela, malalate kayo ng dating kaya nga si Chase ang kasama kong nagbuhat." paliwanang ni Rocky.

"Pansenya na, ayaw kasi naming tumulong kaya nagsabi nalang kami ng alibi." sabi ni Ariela at lumapit naman siya sakin waring may ibubulong. "Para na din makilala na ng parents mo si Chase." bulong nito.

"Ang ganda ng idea nyo. Salamat." bulong pabalik ni Rocky at tumawa.

Supportive talaga ang mga kaibigan niya sa lovelife niya.

Wheels On To You [COMPLETED]Where stories live. Discover now